MILES P.O.VNakaupo na ako sa bus at kanina pa kami naghihintay dito. Ewan ko pero si Blue na lang daw ang hinihintay namin. Naiinip na rin ang iba at panay na rin ang reklamo ng iba.
Maya maya pa ay meron na ang magkambal. Habang naglalakad ang mga ito ay napatitig ako sa taong minahal ko ng higit sa buhay ko. Napakagwapo niya ngayon at pakiramdam ko ay tinatraydor ako ng puso ko dahil bumilis ang tibok nito.
Marami akong pinangarap kasama siya. Buo na lahat ang pangarap ko kung mag asawa na kami. Pero malabo pa palang mangyari iyon. Isinusuka niya ako, he hates me a lot.
Ipinilig ko ang aking ulo at iwinaksi ang lahat ng iyon. Hayyy, ipinikit ko na lang ang aking mata at isinandal ang aking ulo sa nakasaradong bintana ng Bus. Naramdaman ko namang may umupo sa tabi ko pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Napamulat ako ng magvibrate ang cellphone ko. Agad ko namang tinignan iyon at nakita ang message ni Dior.
From: Chinitong Dior
Where here na! Asan na kayo?
To: Chinitong Dior
On the way na kami sa C.A airport
Pagka reply ko non. I put my c.p down ngunit napakunot ang noo ko ng makita ang jeans na suot ng katabi ko.
Blue?
Nanlaki ang mata ko ng makita ito. Kailan niya pa ginustong makatabi ako. Pero agad akong nag iwas ng tingin ng mapatingin ito sa gawi ko.
'Crush, dito ka na lang sa tabi ko.' Nakangiting saad ko ng makitang naghahanap ito ng mauupuan.
'Dream on' sabi nito at nilagpasan ako. Nakita ko namang umupo ito sa tabi ni Aivy na tahimik na kumakain. Bigla akong nawalan ng gana kaya umalis na lang ako. Gusto kong maiyak.
'Blue pwede ba akong maki upo?' Tanong ko sa kanya ng makita kong wala itong katabi sa math subject namin.
'Reserve na ito kay Aivy.' Cold na sabi niya.Natahimik naman ako at humanap na lang ng iba.
Mariin akong napapikit ng maalala iyon. Napahigpit naman ang hawak ko sa cellphone ko.
Nagulat ako ng biglang may mabigat na pumatong sa balikat ko napatingin naman ako doon at napangiti ng mapait ng makita ang tulog na mukha niya.
Napakagwapo niya pa rin kahit tulog. Hinaplos ko ang pisngi nito at hinalikan ang ulo niya. Nanunubig ang mga mata ko habang ginagawa ang mga bagay na iyon. Tumulo ang mga luha ko sa kanyang buhok kaya agad kong pinunasan ang aking mga luha at umayos ng upo, hinayaan ko na lang ito na isandal ang kanyang ulo.
Pumikit na lang ako at isinandal ang aking ulo sa bintana. Ngunit nagising ako ng gumaan ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya at ganon rin siya. He stare at me coldly kaya napayuko ako.
Tumitig ako sa mga kamay kong nakasiklop. Nang tumigil ang bus, akmang tatayo na sana ako ng biglang hinila ako ni Blue. Nagulat pa nga. Ang ibang trainees sa ginawa niya.
"Blue? Ano tong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Black sa kanya ng ipasok niya ako sa isang itim na kotse na nakaparada malapit sa eroplano.
"We'll take the ship. I'll call you later." Paliwanag ni Blue bago sinara ang pinto at pinaharurot ang sasakyan. "Bakit tayo hihiwalay sa kanila?" Mahinahong tanong ko.
"I want you."
Napabaling agad sa kanya ang atensyon ko ng sabihin niya iyon. "I want to be with you all day." Cold na sagot niya habang nakatingin sa daan.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya tumahimik na lang ako at mahigpit na napahawak sa bag ko. Kinakabahan ako sasusunod na mangyayari.
Pakiramdam ko mapuputol na tong kamay ko sa kakahila ng isang to. Kanina pa siya nanghihila. Kanina may tinawagan ito na kukuha daw ng kotse niya so ibig sabihin kotse niya un.
![](https://img.wattpad.com/cover/242659414-288-k28168.jpg)
BINABASA MO ANG
WHEN THE TRILLIONAIRE FALL IN LOVE(BOOK1)
RomantizmWHEN THE TRILLIONAIRE FALL IN TO LOVE, HE COULD DO ALL THINGS TO MAKE HER STAY