PROLOGUE

791 37 2
                                    

"Hindi pa 'yun nakakalayo! Bilis hanapin niyo!!" sigaw ni Zandro sa kanyang mga tauhan."Hindi mo 'ko matatakasan Solenn, sa'kin ka lang!" nakangising pagkakasabi ni Zandro habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

"Boss, mukhang natakasan na talaga tayo ng mapapangasawa mo. Nilibot na namin ang buong paligid pero hindi namin siya makita." hinihingal na saad ni Berto. Hindi nagsalita si Zandro, kinasa niya ang baril niya at nagpaputok ng tatlong beses. Naiiyak naman akong tinapkan ang tenga ko dahil sa takot.

"Solenn!! Wag ka ng magtago! Alam kong naririnig mo 'ko! Lumabas ka kung nasaan ka man!" nag ngingitngit sa galit na sigaw ni Zandro at muli siyang nagpaputok ng baril.

Naririto ako sa kakahuyan matapos kong tumakas sa Hacienda Aldana na siyang pagmamay-ari ni Zandro. Bukas ang araw ng kasal namin matapos akong ipangbayad utang ng mga magulang ko sa mga Hillario, ngunit napag alaman kong isang Mafia Boss si Zandro kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na 'kong tumakas habang hindi pa ako hinihigptan lumabas.

Sobrang sakit na ng dalawang paa ko na puno ng galos ngunit hindi ko 'yun alintana sapagkat gusto kong makatakas sa halimaw na si Zandro.

Malalim na ang gabi at sobrang dilim ng paligid, wala akong ibang naririnig kundi ang mga kuliglig. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa hindi ko na maaninag si Zandro at ang mga tauhan niya. Sa palagay ko ay nakalayo na 'ko sa kanila. Hindi ko alam kung saan ang daan papalabas sa kakahuyan na 'to, ngunit bahala na. Dalhin sana ako ng paa ko sa taong makatutulong sakin.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon