SOLENN POV
Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit parang susuko na 'ko. Nakakaramdam narin ako ng matinding pagod, gutom at pagkauhaw. Sa hindi kalayuan, natanaw ko ang mahaba at mataas na bakod pati narin ang malalaking ilaw sa paligid nito. Tila nakahinga ako ng maluwang at gumuhit ang ngiti sa labi ko, ngiti ng pag-asa. Agad nga ako lumapit upang makahingi ako ng tulong. Ngunit....
“Hault!” seryosong saad ng boses lalake. Kaya agad akong napatigil, narinig ko ang pagkasa niya ng baril kaya napapikit ako kasabay ng pagtaas ng dalawang kamay ko na para bang sumusuko. Jusko naman, nakatakas nga ako sa mga tauhan ni Zandro mukha dito naman yata ako mamamatay.
“Humarap ka!” mataas na tono ng boses niya. At unti unti nga akong humaharap na nakataas parin ang kamay ko. Pagharap ko agad na bumungad sakin ang lalake na naka-bihis ng pang sundalo. Napangiti na lamang ako sa pag aakalang ligtas naman pala ako. Kabado bente pa 'ko kanina.
“Password.” seryosong tanong niya. Huh?!
“P-password?” pagtataka ko.
——
MAX POV
Kasalukuyan ako nasa opisina ko ng makarinig ako ng warning shot kaya agad ako napatingin sa bintana. Napansin ko ang ilang sundalo na tila may hinahabol kaya napalabas ako ng opisina.
“Anong meron?” seryosong tanong ko kay Staff Sgt. Lopez ng makasalubong ko siya.
“*salute* may babaeng nakapasok sa loob ng kampo. Kasalukuyan siyang hinahabol ngayon ng mga sandalo.” agad n'yang sagot, kumunot naman ang noo ko sa pagtataka.
“Babae?” pagtataka ko.
“Oo, Tenyente.” sagot ni Staff Sgt. Lopez.
——
SOLENN POV
Matapos akong paputukan ng warning shot ng sundalong napagkamalan yata akong nagte-trespassing o ispiya sa kampo ng mga sandalo, ay napatakbo sa pagkataranta.
Paminsan minsan akong lumilingon sa likod ko upang alamin kung maabutan na ba ako ng mga sundalong humahabol sakin. Mukhang nagkamali yata ako ng hihingan ng tulong, kaya hindi nila dapat akong maabutan. Baka sila pa mismo magbalik sakin kay Zandro, hindi pe-pwede.
Nagpatuloy pa ako sa pagtakbo hanggang sa makita ko ang bukas na silid at agad akong pumasok doon upang matakasan ang mga humahabol sakin.
Ngunit isang lalake ang pumasok sa silid kung nasaan ako. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko saka ko pinindot ang switch ng ilaw upang mamatay 'to ng mapansin ko mula sa bintana ng silid dadaan ang apat na sundalong humahabol sakin.
“Sssssshhh” saad ko pa habang takip-takip ang bibig ng lalake na wala rin naman kibo. Nang tuluyan ng makalampas ang apat na lalake ay saka ko pa lamang binuksan ang ilaw at inalis ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa bibig niya.
“Kala n'yo siguro hindi ko kayo matatakasan.” pagmamalaki ko pang pagkakasabi habang nakangisi, ngunit naging seryoso ang mukha ko ng makita ang buong paligid ng silid na kinaroroonan ko, tila opisina ito ng isang army officer. Binaling ko ang tingin ko sa lalaking tinakpan ko ang bibig kanina, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at binalik ang tingin sa mukha niya na seryosong nakangitin sakin. Napatakip ako ng bibig sa pagkabigla. Ang lalake ay may taas na 5'9, may matiponong pangangatawan, nakasuot ng uniporme na pang sundalo ngunit tila may mataas na katungkulan sa AFP.
“H-Hermosa...” sambit ko ng makita ang patch sa uniporme niya.
——
MAX POV
Agad narin ako nagbalik sa opisina ko matapos kong makausap si Staff Sgt. Lopez, ngunit nagulat na lamang ako na may isang babae na nakasuot ng yellow floral dress ang biglang nagtakip sa bibig ko gamit ang kamay niya. Puro dusing ang kanyang mukha at magulo din ang kanyang buhok, maging ang damit niya ay may bahid din ng putik. Mabilis niyang pinatay ang ilaw sa loob ng opisina ko habang nakatingin siya sa bintana.
“Kala n'yo siguro hindi ko kayo matatakasan.” nakangisi niyang pagkakasabi ngunit bigla naging seryoso ang kanyang mukha ng makita niya na ang paligid kung nasaan siya. Napatakip naman siya sa bibig niya at nanlalake ang mata sa pagkabigla ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa at muling tumingin sa mukha ko.
Nakalagay ang kaliwang kamay ko sa tagiliran ko kung saan nasukbit ang baril ko habang seryosong naglakad papalapit sakanya kaya agad siyang napaatras.
“Kung sakanila nakatakas ka, sakin hindi.” seryoso kong pagkakasabi na may pananakot. Hindi naman siya agad nakapagsalita.
Isang katok mula sa pintuan ng opisina ko ang umagaw sa atensyon ko.
“First Lieutenant Hermosa, si Technical Sgt. Asoncion 'to, itatanong ko lang sana kung may napansin kang babae na naka yellow dress na dumaan dito.” seryosong tanong ni Technical Sgt. Asoncion. Bumaling naman ang tingin ko sa babae na bakas sa mukha ang matinding takot at kaba. Umiling 'to na para bang may gusto ipahiwatig.
“Oo..” seryoso kong sagot. Nakita ko naman ang pagpatak ng luha sa mata ng babae na nasa harapan ko.“...nakita ko siyang tumakbo papunta sa Gate 3..puntahan niyo doon. Baka andon pa 'yun.” pagtutuloy ko habang seryosong nakatitig sa mukha ng babae.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...