CHAPTER 4

445 26 0
                                    

MAX POV

“She's not my girlfriend.” seryoso kong sagot sa maintrigang tanong ni Solenn.

“Weh?” tila duda pa nitong tanong. Seryoso ko naman siyang tinitigan.

“Kung tapos ka ng kumain, siguro naman pwede mo ng sabihin sakin kung ano ba talagang ginagawa mo dito sa kampo. Kasi kung hindi ka magsasalita, mapipilitan akong tawagan ang Commander in Chief ng AFP.” pananakot ko kay Solenn.

“Actually, gutom pa nga 'ko eh. M-may des---” hindi natuloy pa ni Solenn ang pagpapalusot niya ng ilabas ko ang cellphone ko at kunware nag da-dial ng number.“Ganito kasi 'yun...” panimula ni Solenn saka ako seryosong tumingin sakanya.“T-tumakas ako..” nauutal niyang saad kasunod ng pagbuntong hininga.

“Tumakas ka? Saan?!” intresadong tanong ko.

“Sa Hacienda Aldana...” pagpapatuloy niya.

[FLASHBACK]

“Ayon sa report, ang Hacienda Aldana ang HQ ng tinaguriang Mafia Boss ng Aldana Mafia Organization na si Zandro. Ang anak ni Don Patricio na dati rin kumandito bilang gobernador ng Laguna. Hindi lamang sa illegal drugs sangkot si Zandro kundi pati narin sa human trafficking.” saad ni Second Lieutenant Del Rosario.

“Hindi ba dapat, problema na ng PNP ang tungkol sa Aldana?” seryoso kong tanong.

“Oo, pero sa'tin pinagkakatiwala ang pagsugpo sa Aldana.” saad ni Second Lieutenant Del Rosario.

“Pero hindi na'tin pwede sugurin ang Hacienda Aldana hanggat wala pa tayong sapat na ibedensya.” saad ko.

[END OF FLASHBACK]

SOLENN POV

“Nakikiusap ako sa'yo, ayaw ko ng bumalik doon. Natatakot ako...” naluluhang pakiusap ko kay First Lieutenant Hermosa.“N-natatakot ako..b-baka patayin nila ako..” nauutal kong saad habang sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa tindi ng takot at kabang nararamdaman ko.

“Saan nakatira ang mga magulang mo? Ako na mismo ang maghahatid sa'yo.” seryosong tanong ni First Lieutenant Hermosa.

“H-hindi ako p-pwedeng umuwe sa'min.” nakayukong sagot ko.

“Bakit?” pagtataka niya.

“I can't tell you now..I'm sorry..” mahinahon kong sagot.“Alam kong masyado na akong nakakaabala sa'yo. Ituro mo nalang sakin ang daan papalabas na hindi ako mapapansin ng mga kasamahan mong sundalo. 'Yun nalang ang huling pabor na hihingin ko sa'yo.” mahinahon kong pagkakasabi.

——

MAX POV

“Paglagpas mo sa bakod na 'yan, dire-diretso ka lang. Sa kabilang dulo, matatanaw mo na ang lupang kalsada papalabas.” saad ko.“Gamitin mo 'to, dahil madilim ang dadaanan mo.” muli kong saad saka binigay kay Soleen ang flashlight agad naman niya 'tong kinuha.

“Salamat.” mahinahon niyang sagot at agad naring 'tong tumalikod, pero saglit siyang tumigil saka ako nilingon.“First Lieutenant, paminsan minsan ngumiti ka naman. Siguro mas gwapo ka kapag nakangiti.” nakangiting saad ni Solenn at sumaludo pa sakin at agad ng nagsimulang naglakad palayo.

“*Salute* First Lieutenant, dis oras ng gabi anong ginawa mo dito?” may pagtatakang tanong ni Technical Sgt. Bautista.

“Ah nagpapahangin lang.” palusot ko.

“Nagpapahangin? Pero bakit kailangan dito?” may pagtatakang tanong ni Technical Sgt. Bautista.

“Ang dami mong tanong..” sarcastic na pagkakasabi ko at agad narin umalis.

——

SOLENN POV

Nahihiya rin naman ako kay First Lieutenant Max Hermosa kaya mas minabuti kong umalis na kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit nababalot ako ng kaba at takot. Ikaw ba naman maglakad sa gitna ng kagubatan ng dis oras ng gabi. Bukod sa alam kong pinaghahanap parin ako ng mga tauhan ni Zandro, takot din ako sa kung anong meron sa kakahuyan na 'to. Malay ko bang may ahas dito o kung ano pa man.

Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang kaluskus na nanggagaling sa likod ko. Ang kaluskus ay papalapit ng papalapit sa kinatatayuan ko. Lakasan ng loob akong lumingon sa likod ko pero dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nakita kong sino o ano ang nasa likod ko pero mabilis ako nitong nahawakan sa braso at agad naisandal sa punong kahoy habang takip takip ang bibig ko gamit ang kamay niya. Sa pagkabigla ay nabitawan ko ang hawak kong flashlight at agad naman namatay ang ilaw nito.

“Hanggang kailan ba tayo paghahanapin ni Boss sa Solenn na 'yan. Hindi nalang niya kasi tanggapin na iniwan na siya ng bride-to-be niya.” rinig kong saad ng isang lalake.

MAX POV

Ilang minuto na magmula magpasiyang umalis si Solenn, ewan ko ba pero hindi ako mapakali. Alam kong wala naman akong obligasyon sa kanya, pero nakokonsensya ako sa posibleng mangyari sakanya habang nasa labas niya. Kaya naman agad akong lumabas sa opisina ko upang sundan siya.

Ilang metro mula kay Solenn, nakita ko ang dalawang lalake na tila may hinahanap. Armado ang mga ito ng baril kaya agad kong binubot ang baril na nakasukbit sa tagiliran ko saka ako nag-umpisang naglakad papalapit sa kinarorooan ni Solenn, ng makalapit na 'ko ay agad kong hinawakan sa kamay si Solenn saka siya sinandal sa punong kahoy habang takip takip ang bibig niya gamit ang kamay ko upang hindi ito lumikha ng ingay dahilan upang marinig siya ng dalawang lalake.

“Hanggang kailan ba tayo paghahanapin ni Boss sa Solenn na 'yan. Hindi nalang niya kasi tanggapin na iniwan na siya ng bride-to-be niya.” rinig kong saad ng isang lalake. Bride to be? Si Solenn ay fiance ni Zandro?!

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon