CHAPTER 14

312 17 1
                                    

MAX POV

“Hindi ko kayang mawala ka sa'kin Solenn...dahil mahal kita.” saad ko at agad naman na lumingon sakin si Solenn na nanggigilid ang luha sa kanyang mata. Humakbang ako papalapit sakanya then I kissed her lips passionately. Agad naman tumugon si Solenn sa halik kong 'yun. Pero ilang saglit pa ay kusa narin siya kumawala mula sa halik ko.

“Why?...” mahinahon kong tanong.

“You must go now..” seryoso niyang pagkakasabi habang iniiwasan niya ang mata ko.

“I don't want to..” pagmamatigas ko agad naman niya akong tinignan mata sa mata.

“Wag mo naman sana akong pahirapan pa Max. Ginawa ko rin naman 'to para sa'yo-----”

“And I do this also..only for you!” saad ko.“I know that you have same feelings towards me. I know that you love me too. Kaya bakit ko hahayaan na mapunta ka sa Zandro na 'yun?” mariing pagkakasabi ko.

“Minsan ka ng napahamak ng dahil sa pagtatago mo sa'kin. Hindi ko gugustuhin na maulit ulit 'yun.” saad ni Solenn.

“Hindi ko naman iniinda ang sakit ng balang tatama sa katawan ko. Alam mo kung ano 'yung mas masakit? Yung mawala ka sakin.” sincere kong pagkakasabi. Agad naman hinaplos ni Solenn ang pisngi ko.

“I always thankful to God, 'cause he let me meet someone like you in a very unexpected moment.” nakangiti nitong pagkakasabi kahit na nanggigilid parin ang luha sa kanyang mata.

“Solenn!” rinig kong boses ni Zandro.

“He's coming. Better leave now.” pagtatabuyan ni Solenn. And I have no choice kundi sundin ang kagustuhan ni Solenn. I kissed her forehead before I leave. But I won't stop nor giving up hanggang sa mabawi ulit kita..Solenn. I will fight my love for you even until my last breath.

——

SOLENN POV

“Oh! Mabuti naman at umalis na 'yung Max na 'yun.” sarcastic na pagkakasabi ni Zandro agad ko naman siyang nilingon.

“Yah, he left already.” sarcastic kong pagkakasabi.

“Well, that's good then. Oh! Shall we go inside? Baka lumamig na 'yung pagkain na pinahanda ko.” nakangising pagkakasabi ni Zandro.

——

“What do you want to eat?” nakangising tanong ni Zandro habang nasa harap kami ng hapagkainan.

“To be honest, wala akong ganang kumain. Mas gusto ko lang na magpahinga.” saad ko, agad naman nilapat ni Zandro ang kamay n'ya sa noo ko.

“You're not running a fever.” nakangising saad ni Zandro ng alisin niya ang kamay niya mula sa noo ko.“Pero sige, ipapaayos ko sa kasambahay 'yung magiging silid mo para makapagpahinga kana.” nakangiting saad ni Zandro. No wonder, napaniwala niya ang mga magulang ko na tila isa s'yang anghel na bumaba mula sa langit. Magaling magpanggap si Zandro, kaya napaniwala niya rin ako noon na sobrang bait niya without knowing that he's a demon.

——

<Military Camp>

MAX POV

Nang makarating ako sa kampo sakay ng military vehicle ay wala ako sa kondisyon na bumaba. Habang naglalakad ako patungo sa opisina 'ko ay sumasaludo sakin ang mga kapwa ko sundalo na mas mababa ang ranggo kaysa sakin. Ngunit habang naglalakad ay tila lutang ako, dahil nasa isip ko si Solenn.

Dumiretso ako sa opisina ko kung saan ay bumungad sakin si General Hermosa who's also my father.

“Mabuti naman at dumating kana, First Lieutenant Hermosa.” sarcastic na pagbati sakin ni Dad. Sinara ko ang pintuan ng opisina ko ng sa ganun ay magkaroon ng privacy ang pag uusap namin mag-ama.

“What brings you here, General?” seryosong tanong ko.

“Aside from being the AFP General, I'm also your father. So I will speak to you as your father.” seryosong pagkakasabi ni Dad.“Nagkausap kami ni Mirasol, she told me that you and her daughter Diana already broke up? Totoo ba?” seryosong tanong ni Dad sakin. Sabi ko na nga, 'yun ang dahilan kung bakit narito si Dad sa harapan ko.

“Yes, it's true.” saad ko.

“Hinayaan mong makipaghiwalay sa'yo si Diana? Hindi mo man lang pinigilan ang desisyon niya?!” sermon sakin ni Dad.“Max baka nakakalimutan mo, pitong taon na kayong engaged ni Diana!” pagpapatuloy niya.

“Maayos ang paghihiwalay namin ni Diana, and I also respect her decision.” paliwanag ko.

“You respect her decision, pero hindi mo man lang inisip kami ng Tita Mirasol mo! Pinangunahan mo agad kami?!” sermon ni Dad at tumaas narin ang tono ng boses niya.

“Nakakalimutan mo na yata Dad, I'm only 18, while Diana were only 15 ng ipagkasundo n'yo kaming dalawa noon. Nirespeto niyo man lang ba ang desisyon namin noon?! You didn't give us a chance na makakilala pa ng ibang tao sa buhay namin. Wag n'yo kaming idamay ni Diana tungkol sa naudlot n'yong pagmamahalan noon ni Tita Mirasol.” sermon ko na may kasamang panunumbat pagkatapos ay agad na akong lumabas ng opisina.

<Sandoval's House>

MEGHAN POV

“Aalis kana naman?” mahinahong tanong sakin ng kapatid kong si Diana ng magkasalubong kami sa sala.“Saan na naman ba ang punta mo? May date ka ba? Ikaw ah, naglilihim kana sakin.” magkakasunod tanong ni Diana sakin. Paano ko ba lulusutan 'to? Hindi dapat malaman ni Diana ang tungkol sa trabaho ko.

“Ah may importante lang akong pupuntahan.” nakangiting sagot ko.

“Sama naman ako, para bonding nalang din tayo.” paglalambing ni Diana. What should I say?!

[FLASHBACK]

“Oh! Ba't napatawag ka?” seryosong tanong ko kay Zandro ng sagutin ko ang tawag niya.

“Magpunta ka dito sa Hacienda Aldana.” sagot ni Zandro.

“Bakit?” pagtataka ko.

“We need  to celebrate. Sabi ko naman sa'yo diba, babalikan ako ni Solenn.” saad ni Zandro kasabay ng pagtawa.

“Should I say, congratulations?” sarcastic kong tanong.

“Ayaw ko ng pinag iintay ako. Kaya bilisan mo na ang pagpunta mo dito. And I want you also to meet my bride to be.” saad ni Zandro mula sa kabilang linya bago nag end call.

[END OF FLASHBACK]

“Sorry Lil' Sis, but you can't go with me. Don't worry, babawe ako next time.” nakangiting saad ko. Bumeso ako kay Diana before I go.

——

DIANA POV

She's started to act weird. I dunno, pero pakiramdam ko may inililihim si Ate Meghan sakin. Pero hindi ko lang ma-figure out pa sa ngayon. Is he dating someone? Usually naman kasi open siya sakin pagdating sa mga nakikipag date sakanya pero these days magmula ng bumalik ako dito sa Pilipinas she seems so quite.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon