CHAPTER 24

263 15 0
                                    

<LaVienda Rest House>

SOLENN POV

Kinabukasan ng umaga, sikat ng araw na tumagos mula sa kapis na bintana ang siyang gumising sa'kin. Nakangiti akong bumangon saka nag-unat, pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo upang makapaligo ng madali bago ako humarap kay Max. Nang matapos ako makapag ayos ng sarili ay tinungo ko na ang pintuan ng silid saka 'to binuksan. At bumungad sakin ang petals ng pulang rosas sa sahig. Ano naman pakulo 'to Max? such an old-fashioned.

Sinundan ko kung saan patungo ang petals ng bulaklak sa sahig, patungo ito sa labas ng bahay..sa may hardin. Hindi pa man ako nakakalapit sa hardin ay nakita ko si Felix, may dala siyang tatlong pulang rosas at inabot 'to sakin. Kasunod nito ay si Cielo at JC na ganun din ang ginawa, ay taray debut mo gurl? 18th roses ang peg? Kahit 27 kana.

“Anong meron?” pagtataka ko. Nagtinginan naman silang tatlo. May kinuhang puting panyo si JC sa bulsa niya saka 'to lumapit sakin upang i-blindfold ako.“Ano ba kasing meron?! You guys scared me!” saad ko habang kinakabahan.

“Chill ka lang Ms. Solenn.” saad ni Cielo kasabay ng mahinang tawa. Pagkatapos ay inalalayan nila ang maglakad, siyempre naka-blindfold ako, wala akong makita.

Ilang hakbang pa ay tumigil na kami, pero sobrang kabado parin ako. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagtatanggal ng blindfold ko. Unti unti kong dinilat ang mata ko, una kong nakita si Max na sobrang gwapo sa suot niyang white duster jacket at itim ang panloob, taray Koreano ka bebeh ko? Oppa Oppa? May hawak din siyang malaking bouquet ng sunflower. Favorite flower ko kasi 'yun. Nakangiti siyang naglakad papalapit sakin. Pagkatapos inabot niya sakin ang hawak niyang bouquet.

“Valentine's Day ba ngayon? Diba matagal pa?” pagtatakang tanong ko. Ngumisi naman si Max saka hinawi ang hibla ng buhok ng humaharang sa mukha ko dahil medyo mahangin.

“Mas espesyal pa sa Valentine's Day ang araw na 'to Solenn.” nakangiting pagkakasabi ni Max.

“What do you mean?” mahinahong tanong ko. Tumingin siya sa likuran ko kaya agad din akong lumingon.

'Will You Marry Me, Solenn Britney Santiago'

yan ang nakasulat sa banner na hawak nila JC, Felix at Cielo kaya naman ang luha sa mata ko ay nag uunahan ng pumatak. Nilingon ko si Max na nasa gilid ko, nakita ko siyang lumuhod hawak ang maliit na kahon na naglalaman ng napakagandang singsing.

[FLASHBACK]

Nagpatuloy pa ako sa pagtakbo hanggang sa makita ko ang bukas na silid at agad akong pumasok doon upang matakasan ang mga humahabol sakin.

Ngunit isang lalake ang pumasok sa silid kung nasaan ako. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko saka ko pinindot ang switch ng ilaw upang mamatay 'to ng mapansin ko mula sa bintana ng silid  dadaan ang apat na sundalong humahabol sakin.

“Sssssshhh” saad ko pa habang takip-takip ang bibig ng lalake na wala rin naman kibo. Nang tuluyan ng makalampas ang apat na lalake ay saka ko pa lamang binuksan ang ilaw at inalis ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa bibig niya.

“Kala n'yo siguro hindi ko kayo matatakasan.” pagmamalaki ko pang pagkakasabi habang nakangisi, ngunit naging seryoso ang mukha ko ng makita ang buong paligid ng silid na kinaroroonan ko, tila opisina ito ng isang army officer. Binaling ko ang tingin ko sa lalaking tinakpan ko ang bibig kanina, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at binalik ang tingin sa mukha niya na seryosong nakangitin sakin. Napatakip ako ng bibig sa pagkabigla. Ang lalake ay may taas na 5'9, may matiponong pangangatawan, nakasuot ng uniporme na pang sundalo ngunit tila may mataas na katungkulan sa AFP.

“H-Hermosa...” sambit ko ng makita ang patch sa uniporme niya.

——

Nakalagay ang kaliwang kamay niya sa tagiliran kung saan nasukbit ang baril niya habang seryosong naglakad papalapit sa'kin kaya agad akong napaatras.

“Kung sakanila nakatakas ka, sakin hindi.” seryoso pagkakasabi niya na tila may pananakot. Hindi naman ako agad nakapagsalita.

Isang katok mula sa pintuan ng opisina niya ang umagaw sakanyang atensyon.

“First Lieutenant Hermosa, si Technical Sgt. Asoncion 'to, itatanong ko lang sana kung may napansin kang babae na naka yellow dress na dumaan dito.” seryosong tanong ng boses lalake. Bumaling naman siya ng tingin sa'kin. Umiling ako sa'yo upang hindi niya ako ibuko. Sobrang kabado narin ako dahil natatakot akong ibalik nila ako kay Zandro na sigurado akong papatayin lang din ako.

“Oo..” seryoso niyang sagot, kaya agad ng pumatak ang luha ko dahil sa matinding takot..“...nakita ko siyang tumakbo papunta sa Gate 3..puntahan niyo doon. Baka andon pa 'yun.” pagtutuloy niya habang nakatitig sakin. Kaya nakahinga ako ng maluwang.

“Maupo ka d'yan.” seryoso niyang pagkakasabi sabay tingin sa sofa. Agad naman ako naupo ngunit nanginginig parin ang mga kamay ko. Tumalikod siya at tila may kinuha sa kanyang drawer saka 'to bumalik sa'kin bitbit ang alcohol at bulak.

Lumuhod siya sa harapan ko saka biglang binuhusan ng alcohol ang sugat at galos ko sa paa kaya napa-lower lipbite ako upang tiisin ang hapdi ng alcohol sa sugat ko. Bakit naman kasi kailangan ibuhos? Hindi ba pwedeng dampi dampi lang?

Hindi ako nagsasalita at pinagmamasdan lamang siya habang ginagamot ang sugat ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Should I say thank you ba? o sorry? I really don't know what to say.

“Sino ka ba talaga at anong ginagawa mo dito sa kampo ng mga sundalo? Miyembro ka ba ng NPA? Abbu Sayyaf? Terrorirst Group?” seryosong tanong niya sakin matapos niyang gamutin ang sugat ko.

“S-solenn Britney nga pala.” nauutal kong pagpapakilala saka ko nilahad ang kamay ko. Tinignan niya ako ng seryoso at hindi man lang nakipag kamay sakin kaya agad ko ng binawe ang kamay ko.“W-wala na kasi akong ibang mapupuntahan..H-hindi ko rin alam k-kung saan ako pupunta k-kaya..kaya ako napadpad d-dito.” pagpapatuloy ko. Muli naman niya akong tinitigan saka siya tumayo.

[END OF FLASHBACK]

“Yes, I will marry you.” nakangiting sagot ko kasabay ng pagpatak ng luha ko dahil sa labis na tuwa. Agad na sinuot ni Max sa ring-finger ko ang singsing saka siya tumayo at agad akong hinagkan. Rinig na rinig ko naman ang palakpakan nila JC, Felix at Cielo.

——

“Congrats Mrs. Solenn Hermosa.” masayang bati sakin ni JC.

“Thank you.” masaya kong sagot ko.

“Ano pa iniintay natin? Let's celebrate!” masayang sabat ni Felix at agad ng binuksan ang champagne.

“I love you.” malambing na pagkakasabi ni Max agad ko naman siyang tinignan na katabi ko lang din sa upuan.

“I love you too.” nakangiting sagot ko.

——

<Hermosa's Mansion>

MAX POV

After ng successful wedding proposal ko kay Solenn ay agad ko na siyang sinama sa bahay to meet my Dad.

“Dad, she's Solenn my fiance.” pagpapakilala ko kay Solenn sa Daddy ko.

“Magandang araw po.” magalang na pagbati ni Solenn kay Daddy kahit alam kong kinakabahan siya. Tinignan lamang siya ni Daddy ng seryoso.

“Engaged na pala kayong dalawa?” seryosong tanong ni Dad habang pinagmamasdan si Solenn.

“Yes, we planned to get married as soon as possible.” seryosong sagot ko.

“Anong full name mo iha?” seryosong tanong ni Dad kay Solenn.

“Solenn Britney Santiago po.” kinakabahan na sagot ni Solenn kaya agad kong hinawakan ang kamay niyang nanlalamig.

Tumayo si Dad saka lumapit sa inuupan namin.

“Welcome to the family, Solenn.” nakangiting pagkakasabi ni Dad kay Solenn saka niya nilahad ang kamay niya. Maging ako ay nagulat din sa ginawa ni Dad, hindi ko 'yun inaasayan ngunit masaya ako. Dahil mabilis niyang natanggap si Solenn.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon