SOLENN POV
Nakapag luto na ako ng pananghalian, nakakakonsensya naman kung hindi ko man lang yayayain na kumain si Max kahit alam kong tatanggihan niya 'yun.
Agad 'kong dinial ang numerong 080507 sa telepono, wala pang isang sigundo ay sinagot agad 'yun ni Max
"He----"
"Oh! Ang bilis mong sinagot ah. Iniintay mo 'yung tawag ko 'no?" saad ko kasabay ng mahinang pagtawa.
"Hindi. At bakit ko naman iintayin ang tawag mo? Diba sinabi ko naman sa----"
"Oo sinabi mo sakin na wag kitang istorbohin pero bago 'yun, sinabi mo rin na tumawag ako sa'yo kapag may kailangan ako hindi ba?" sarcastic na pagkakasabi ko, hindi naman agad nakapagsalita si Max mula sa kabilang linya."Nagluto ako ng ulam, baka hindi ka pa kumakain. Gusto mo, hatiran ki--"
"Wag ka ng pumunta dito. Ako nalang pupunta d'yan." mahinahon niyang sagot na ikinagulat ko. Ang ini-expect ko kasi ay tatanggihan niya ang alok kong 'yun.
"May sakit ka ba?" mahinahon kong tanong ngunit nang aasar lang talaga ako.
"Wala bakit?!" seryoso niyang sagot.
"Ah wala naman." saad ko kasabay ng mahinang tawa.
"Bakit ka natatawa?" seryoso niyang tanong sakin.
"H-hindi ah. Bakit naman ako matatawa. Oh s'ya, ibaba ko na 'to. See you later." masayang pagkakasabi ko at agad narin pinutol ang pag-uusap namin.
--
Narito na si First Lieutenant Hermosa, dumating siya pasado alas-onse ng tanghali. Ngayon nga ay kaharap ko siya sa hapagkainan. Aabutin ko sana ang tuludan ng kanin ng unahan niya ako kaya naman hindi na ako kumibo, baka kasi mas gutom pa siya sakin. Pero nagulat ako ng lagyan niya ng kanin ang pinggan ko kaya naman nakatingin lang ako sakanya, pagkatapos at sinandukan niya rin ako ng niluto kong adobong baboy sa pinggan ko.
"Salamat.." malumanay kong saad saka na ako nagsimulang kumain ngunit napatigil ako sa pagsubo ng mapansin kong wala naman kalaman laman 'yung plato niya."Kumain kana, wag ka mag alala. Masarap yang niluto ko. Ako kaya ang chef sa bahay namin noon. Saka nag aral din ako ng culinary hindi ko nga lang natapos, dahil...dahil nabaon kami sa utang." saad ko saka ko pinilit na ngumiti.
"Si Zandro, fiance mo ba talaga siya?" seryosong tanong ni Max sakin habang nakatingin sa kamay ko kung saan suot suot ko pa ang ang engagedment ring namin ni Zandro. Agad ko naman naibaba ang kutsarang hawak ko sa pinggan. Saka ako tumingin kay Max.
"Oo.." nakayukong sagot ko.
"Kaya naman pala pinaghahanap ka ng mga tauhan niya, pati ako dinamay mo pa." seryosong saad ni Max na tila ba naiinis at agad na tumayo sa kinauupan niya.
MAX POV
"Si Zandro, fiance mo ba talaga siya?" seryosong tanong ko kay Solenn habang nakatingin sa engagedment ring na suot niya.
"Oo.." nakayuko niyang sagot.
Kaya naman pala pinaghahanap ka ng mga tauhan niya, pati ako dinamay mo pa." seryosong saad ko at agad tumayo mula sa kinauupan ko upang magwalk out sana.
"But I don't love him." seryosong pagkakasabi ni Solenn kaya napatigil ako at nilingon siya na nanatiling nakaupo parin."Ipinangbayad utang lang ako ng mga magulang ko sa anak ni Don Patricio na si Zandro, pero hindi ni katiting na pagmamahal ay wala ako nararamdaman para sakanya. Tumakas ako bago ang dapat sanang kasal namin, dahil hindi ko talaga kayang makaisang-dibdib ang lalakeng hindi ko naman talaga gusto." pagpapatuloy pa ni Solenn kasabay ng pagpatak ng luha niya at muli siyang yumuko saka tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya.
Lumapit ako sakanya saka siya inabutan ng tissue, agad din naman niya 'yun kinuha at ipinunas sa pisngi niya na may luha.
"You can stay here, as long as you want." mahinahon kong pagkakasabi agad naman siyang tumingin sakin.
"Hindi rin ako magtatagal dito, dahil ayaw ko rin naman na makaistorbo pa sa'yo o madamay ka pa sa oras na malaman ni Zandro kung nasaan ako. Pasensya kana kung, sobrang naging pabigat ako sa'yo." naluluhang pagkakasabi ni Solenn agad ko naman pinunasan ang luha sa pisngi niya gamit ang kamay ko, kaya agad siyang napatitig sakin.
"Pasensya kana sa kung anong nasabi ko sa'yo kanina. Pero pwede ka naman manatili dito hanggat gusto mo, dahil mas ligtas ka dito at mas may kakayahan akong protektahan ka." sincere kong pagkakasabi habang nakatitig sa mga mata ni Solenn, pero kataka-takang hinipo niya ang noo at leeg ko.
"Wala ka naman lagnat, pero bakit ganyan ka magsalita?" may pagtatakang tanong ni Solenn, tila napansin ko rin na parang nagiging clingy at sweet ako sakanya kaya agad akong dumistansya saka naupo sa upuan ko at hinarap na lamang ang pagkain.
"Kumain na lang tayo, lumalamig na 'yung pagkain." seryoso kong pagkakasabi, napansin ko naman ang bahagyang pag guhit ng matamis na ngiti sa labi ni Solenn na nagpabilis ng tibok ng puso ko. B-bakit ganito ang pakiramdam ko?
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...