CHAPTER 20

292 16 0
                                    

<St. Vincent Medical Hospital>

MAX POV

Agad narin ako bumalik sa hospital matapos ang pag uusap namin ni General Hermosa. Nakarating kasi sakanya na nasa hospital ako, he thought that something bad happened on me kaya agad niya akong pinatawag kanina sa kampo.

Papalapit na ako sa room ni Solenn ng makita kong nasa labas sila Staff Sgt. Reyes.

“Bakit kayo nandito? Akala ko ba babantayan niyo si Solenn habang wala ako?” pagtatakang tanong ko sa kanilang tatlo.

“Dumating kasi ang parents ni Ms. Solenn.” seryosong pagkakasabi ni Private First Class Lorenzo.“Oo nga pala Lieutenant, good news gising na si Ms. Solenn.” nakangiting saad niya.

Nang malamaman kong gising na si Solenn ay agad na nga akong pumasok sa silid niya.

“Wala akong pakialam Sammuel! Kung hindi naman pala matutuloy ang kasal, para saan pa at nagising ang anak natin?” rinig kong saad ng mommy ni Solenn sakanya, at nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mata ni Solenn. Sobrang nasaktan siya sa sinabi ng sarili niyang ina. Kahit naman siguro sino.

“Hindi mo kailangan pagsalitaan ng ganyan si Solenn. Magkano pa ba ang utang niyo? Kahit magkano pa 'yan, handa kong bayaran.” sabat ko dahilan upang makuha ko ang atensyon ng mga magulang ni Solenn.

“Who are you?!” sarcastic na tanong ng mommy ni Solenn sakin.

“I'm AFP First Lieutenant Max Lucio Hermosa and also your daughter's boyfriend.” seryosong pagpapakilala ko sa sarili ko. Hindi naman nakapagsalita ang mga magulang ni Solenn. Saka ako naglakad patungo sa direksyon ni Solenn, pinunasan ko ang luha sa pisngi niya gamit ang kamay ko saka ako ngumiti sakanya.

“Kagigising lang ni Solenn, alam niyo bang critical ang condition niya kanina? Hindi n'yo alam dahil mas mahalaga parin ang pera sainyo kaysa sa buhay ng anak n'yo. Kung pera lang naman pala ang makakapag patahimik sainyong mag-asawa, then name your price. Handa ako magbigay kahit magkano tigilan niyo lang ang masasakit na salitang binibitawan niyo sa anak niyo.” matigas na pagkakasabi ko.

<Sandoval's House>

MEGHAN POV

Kung saan saan ko na hinanap si Diana. Pinuntahan ko na ang mga lugar na posible niyang puntahan tulad ng park at mall pero hindi ko talaga siya makita. Kaya naman minabuti kong umuwe na muna dahil baka nasa bahay na siya. Pagdating ko dito sa bahay ay wala parin si Diana, wala rin si Mommy. Malamang nasa Casino na naman 'yun nagpapatalo sa sugal.

Wala pang ilang minuto matapos akong umuwe dito sa bahay ay narinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng gate ng bahay namin. Baka si Diana na 'yun, kaya naman agad akong lumabas upang salubungin siya. Ngunit laking gulat ko ng magkasama silang dalawa ni Zandro.

DIANA POV

“Ito ang bahay n'yo?” tila gulat na tanong sakin ni Zandro matapos niya akong ihatid dito sa bahay sakay ng BMW niya.

“Oo, tara na baba na tayo para makapag meryenda ka man lang. At ma-meet mo ang Ate ko.” saad ko kahit medyo masama pa ang loob ko sa Ate 'ko. Ito na yata ang first time in seven years na may ipapakilala akong ibang lalake kay Ate Meghan at kay Mommy.

Naunang bumaba ng kotse si Zandro saka niya 'ko pinagbuksan ng pintuan at inalalayan na bumaba.

Pagpasok palang sa gate ay nakita ko na si Ate Meghan. Nakita ko naman ang tila gulat na expression ng kanyang mukha ng makita ang lalakeng kasama 'ko. Bigla ko tuloy naalala ang pangalan ng nagmessage kay Ate. Pero hindi naman siguro sila iisa.

“Saan ka ba galing? Bakit hindi ka umuwe dito kagabi? Alam mo bang sobrang pinag-alala mo 'ko.” sermon sakin ni Ate, tila wala siyang pakialam kahit may bisita ako.

ZANDRO POV

Matapos kong magpumiit kay Diana na ihahatid ko na siya pauwe ay pumayag din siya. Ngunit nagulat ako ng tumigil kami sa tapat ng isang gate na kulay maroon. If I'm not mistaken, ito ang gate ng bahay ni Meghan. Dahil minsan na akong nakapunta dito noon matapos kami magkaroon ng transaksyon sa droga.

“Ito ang bahay n'yo?” pagtatakang tanong ko.

“Oo, tara na baba na tayo para makapag meryenda ka man lang. At ma-meet mo ang Ate ko.” nakangiting saad ni Diana. Ohshit!

Nauna akong bumaba ng kotse saka ko pinagbuksan ng pintuan si Diana at inalalayan na bumaba. Ngunit pagpasok palang ng gate ay bumungad na samin si Meghan.

“Saan ka ba galing? Bakit hindi ka umuwe dito kagabi? Alam mo bang sobrang pinag-alala mo 'ko.” may pag aalalang sermon ni Meghan sa kapatid niyang si Diana. Kakaiba din 'tong si Meghan, she's a Drug Queen when she's in Hacienda Aldana but she's also a loving and carrying older sister kapag nandito na siya sa bahay. I wonder if alam na ni Diana ang tungkol sa pagkatao ng ate niya.

“Sorry..kung nag alala ka. Pero hindi naman ako napano eh. Dahil kaya ko naman protektahan at alagaan ang sarili ko.” seryosong sagot ni Diana sa Ate niya.

“Diana can we talk?” mahinahong tanong ni Meghan kay Diana.

“Bakit, hindi pa ba tayo nag uusap sa lagay na 'to?” sarcastic na sagot ni Diana.

“In private..” saad ni Meghan. Tumingin naman sakin si Diana.

“Mag uusap lang kami saglit ng Ate ko. I'll be back.” paalam ni Diana saka ngumiti sakin tumango lamang ako sakanya.

<St. Vincent Medical Hospital>

SOLENN POV

“Bakit wala ka kanina? Saan ka nagpunta?” mahinahon kong tanong kay Max habang nasa tabi ko siya nagbabalat ng orange. Wala na sila Mommy at Daddy nag walk out dahil sa sinabi ni Max kanina.

“Kinausap lang ako ni General...I mean ng Dad ko.” nakangiting sagot niya saka sinubo sakin ang isang piraso ng orange.“Kailangan mong magpalakas dahil maraming nawalang dugo sa'yo kanina. Mabuti nalang match yung dugo natin. Parehas tayong AB+.” nakangiting saad ni Max. Anong ibig niyang sabihin na mabuti nalang match dugo namin?

“What do you mean?” pagtatakang tanong ko.

“Hindi lang puso ko ang nasa'yo. Pati narin dugo 'ko.” nakangising pagkakasabi ni Max.

“You mean..ikaw ang naging blood donor ko?” hindi ko makapaniwalang tanong. At tumango naman siya.

“Hindi mo dapat ginawa 'yun, baka maubusan ka ng dugo dahil sa'kin.” saad ko. Ngumisi naman siya saka pinisil ng mahina ang pisngi ko.

“Handa ako maubusan ng dugo, kung kapalit naman noon ay kaligtasan mo.” saad ni Max saka niya inilalapit ang mukha niya sakin at hinagkan ako sa labi.

“I love you.” saad ni Max. Hinaplos ko naman ang dalawang pisngi niya.

“I love you more..” nakangiting pagkakasabi ko at muli n'ya akong hinagkan.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon