<LaVienda Rest House>
MAX POV
Nakauwe na kaming dalawa ni Solenn dito sa rest house, enjoy naman dahil makalipas ang maraming taon ngayon ko nalang ulit naka-kwentuhan si Zandro na kaibigan ko. Nakita ko rin na madaling nagkapalagayan ng loob sila Solenn at Diana.
"Ang ganda pala talaga ni Diana 'no?" saad ni Solenn ng umupo siya sa tabi ko hawak ang mug na naglalaman ng gatas.
"Oo maganda siya, but you are more beautiful than her." proud kong sagot habang nakatitig ako kay Solenn. Humigop muna siya ng mainit na gatas bago niya pinatong ang mug sa coffee table at muling tumingin sakin.
"Max thank you.." saad niya.
"Thank you saan?" pagtataka ko naman.
"Dahil dumating ka sa buhay ko." sagot niya.
"I'm the one who should be thankful...."
[FLASHBACK]
Agad narin ako nagbalik sa opisina ko matapos kong makausap si Staff Sgt. Lopez, ngunit nagulat na lamang ako na may isang babae na nakasuot ng yellow floral dress ang biglang nagtakip sa bibig ko gamit ang kamay niya. Puro dusing ang kanyang mukha at magulo din ang kanyang buhok, maging ang damit niya ay may bahid din ng putik. Mabilis niyang pinatay ang ilaw sa loob ng opisina ko habang nakatingin siya sa bintana.
"Kala n'yo siguro hindi ko kayo matatakasan." nakangisi niyang pagkakasabi ngunit bigla naging seryoso ang kanyang mukha ng makita niya na ang paligid kung nasaan siya. Napatakip naman siya sa bibig niya at nanlalake ang mata sa pagkabigla ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa at muling tumingin sa mukha ko.
Nakalagay ang kaliwang kamay ko sa tagiliran ko kung saan nasukbit ang baril ko habang seryosong naglakad papalapit sakanya kaya agad siyang napaatras.
"Kung sakanila nakatakas ka, sakin hindi." seryoso kong pagkakasabi na may pananakot. Hindi naman siya agad nakapagsalita.
Isang katok mula sa pintuan ng opisina ko ang umagaw sa atensyon ko.
"First Lieutenant Hermosa, si Technical Sgt. Asoncion 'to, itatanong ko lang sana kung may napansin kang babae na naka yellow dress na dumaan dito." seryosong tanong ni Technical Sgt. Asoncion. Bumaling naman ang tingin ko sa babae na bakas sa mukha ang matinding takot at kaba. Umiling 'to na para bang may gusto ipahiwatig.
"Oo.." seryoso kong sagot. Nakita ko naman ang pagpatak ng luha sa mata ng babae na nasa harapan ko."...nakita ko siyang tumakbo papunta sa Gate 3..puntahan niyo doon. Baka andon pa 'yun." pagtutuloy ko habang seryosong nakatitig sa mukha ng babae.
[END OF FLASHBACK]
"....dahil dumating ka sa buhay ko sa hindi inaasahang pagkakataon. Yung unang pagkikita natin, isa sa 'yun sa hinding hindi ko malilimutan tagpo ng buhay ko." saad ko habang nakatitig ako sa mga mata ni Solenn na animoy bituin na nag niningning."Mahal na mahal kita Solenn. Mahal na mahal." sincere kong pagkakasabi ng hawakan ko ang pisngi ni Solenn.
"Mahal na mahal din kita." saad ni Solenn saka yumakap sakin.
[THREE DAYS LATER]
<Santiago's House>
DIANA POV
"Oh! saan ang lakad ng maganda kong kapatid?" nakangising tanong ni Ate Meghan sakin.
"I have a date." nakangiting sagot ko.
"Kailan ka ba yayain ng kasal niyang ka-date mo, anak?" sabat ni Mommy.
"Mommy naman!" saway ko.
"Biro lang 'nak, sige mag iingat ka sa date n'yo ni Zandro. Umuwe ng maaga hindi umaga." nakangising pagkakasabi ni Mommy. Oo nga pala, nagkaayos na kami ni Mommy kamakailan lang.
"Ate Meghan, alis na 'ko." paalam ko kay Ate Meghan saka bumesa sakanya.
"Ingat." saad ni Ate Meghan.
"Mom, alis na po ako." paalam ko naman kay Mommy, at humalik sa pisngi niya.
"Sige anak, mag-iingat ka ha." bilin ni Mommy at ngumiti lamang ako sakanya saka ako umalis.
Ginamit ko ang kotse ni Ate dahil coding ang kotse 'ko.
--
<Mall>
ZANDRO POV
"Magkano 'to Ms.?" tanong ko sa sales lady ng isang luxurious jewelry shop. Nandito ako dahil bibili ako ng singsing. Plano ko kasing i-surprise ngayon ng proposal si Diana.
"Php1,489,600 po Sir. Made of pure diamond po kasi ang singsing na 'yan." saad ng sales lady.
"Sige, kukunin ko yan." sagot ko saka ko nilabas ang black card sa wallet ko.
"Para sa girlfriend mo po ba 'to Sir?" tanong ng sales lady.
"Yes, sa girlfriend ko 'yan. Dahil yan ang gagamitin kong singsing sa proposal ko sakanya." nakangiting sagot ko.
"Naku napakaswerte naman po n'ya." saad ng sales lady.
"No, dahil ako ang mas swerte ng dumating siya sa buhay ko." nakangiting saad ko.
Matapos kong bumili ng singsing para kay Diana ay agad narin akong umalis upang magpunta sa meeting place namin.
Ilang saglit pa ay nagring na ang cellphone ko.
'Incoming call....My Diana'
--
<Jackson Heights>
DIANA POV
"Hello my lovely Diana.." malambing na bungad sakin ni Zandro ng sagutin niya ang tawag ko.
"Nandito na ako sa tapat ng Jackson Heights, nasaan kana?" tanong ko.
"Miss na agad ako ng girlfriend ko, don't worry mahal. On the way na 'ko." saad ni Zandro mula sa kabilang linya."I love you, Diana ko." saad ni Zandro mula sa kabilang linya na sobrang nagpakilig sakin.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...