CHAPTER 8

345 26 0
                                    

<Hacienda Aldana>

ZANDRO POV

“Hindi ka man lang ba kikilos para hanapin ang fiance mo?” seryosong tanong ni Dad sakin, bumuga muna ako ng usok bago ko sinagot ang tanong sakin ni Dad.

“Pinapahanap ko na siya sa mga tauhan ko. Sila na ang bahalang kumilos para sa'kin. Isa pa, wala kayong dapat ipag-alala. Dahil sakin parin naman ang bagsak ni Solenn. Wether she like it, or not.” sarcastic kong sagot saka muling humithit ng sigarilyo.

“Siguraduhin mo lang Zandro, dahil hindi ako papayag na maisahan tayo ng mga Santiago.” seryosong saad ni Dad, tumango na lamang ako kasabay ng pagbuga ng usok. Agad narin naman umalis si Dad sa harapan ko.

“Boss..” sambit ni Gregor na kararating lang at agad 'tong lumapit sakin.

“Anong balita?” seryoso kong tanong.

“May nakalap akong impormasyon. May nakita daw na tres-passing na babae sa Military Camp ilang kilometro mula rito. Hindi kaya ang babaeng 'yun ay si Ms. Solenn?” pagbabalita ni Gregor.

“Masyado ng malayo rito ang kampo ng mga sundalo. Imposibleng marating 'yun ni Solenn.” seryosong sagot ko.

“Pero Boss...yung araw na tumakas si Ms. Solenn, 'yun din ang araw na nakita nila ang babae doon sa kampo.” pagpapatuloy ni Gregor.

Kaya upang masigurong tama ang hinala ni Gregor, ay agad akong nagtungo sa kampo ng mga sundalo. May ilang kilometro mula dito sa Hacienda Aldana.

——

<Military Camp>

MAX POV

“*salute* First Lieutenant, may naghahanap sa'yo.” saad ni Staff Sgt. Reyes, agad ko naman tinigil ang ginagawa kong pag review sa ilang proyekto.

“Sino?” seryosong tanong ko na may pagtataka.

“Anak daw siya ni Don Patricio, Zandro daw ang ngalan.” sagot ni Staff Sgt. Reyes.

——

“Magandang araw, Tenyente.” nakangising pagbati sakin ni Zandro saka 'to sumaludo sakin.

“Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?” sarcastic kong tanong habang naririto kami sa opisina ko.

“Makapagsalita ka naman, para naman tayo hindi naging magkaibigan noon.” nakangising pagkakasabi ni Zandro sa sarkastikong tono ng boses.

Oo, dati kong kaibigan si Zandro isang matalik na kaibigan. Ngunit tila nawala ang pagkakaibigan naming dalawa ng magsundalo na 'ko. Wala narin akong naging balita pa sakanya. Ngunit nito lamang nakalipas na taon, nakarating sa'kin ang balita na si Zandro di umano ang Mafia Boss ng Aldana Mafia Organization. At bilang isang dati niyang matalik na kaibigan ay hindi ko agad 'yun pinaniwalaan. Kilala ko si Zandro una palang, siya 'yung tipo ng kaibigan na ituturing kang kapatid. Pagdating naman sa kabaitan, wala akong masabi sa ugali ni Zandro dahil likas siyang mabait at mabuting anak. Pero lahat ay nagbabago, even an angel can turn into a devil.

“May gusto lang akong malaman kaya ako nagpunta dito. Tungkol sa babaeng napadpad dito sa kampo niyo kahapon ng sabihin na natin pasado alas-otso ng gabi. Nasaan siya?” seryosong tanong ni Zandro. Si Solenn ang hinahanap niya.

“Walang babaeng napadpad dito, tulad ng iniisip mo.” seryosong sagot ko.“At kung meron man, dapat ko pa bang ipaalam sa'yo?” sarcastic kong tanong.

“Ganun ba? May hinahanap kasi akong babae. By the way, she's my fiance. Ito ang litrato niya. Baka sakaling mag cross ang landas niyo, tawagan mo nalang ako.” seryosong pagkakasabi ni Zandro sabay pakita ng wallet size picture ng isang magandang babae na nakasuot ng plain white dress at ang background ay sa isang beach resort—si Solenn.

“Maganda siya.” seryosong pagkakasabi ko ng tignan ko ang babae sa larawan.“Wag ka mag-alala, agad kong ipapaalam sa'yo kung sakaling makita ko siya.” pagsisinungaling ko.

“Aasahan ko yan, First Lieutenant Hermosa.” seryosong pagkakasabi ni Zandro at agad narin tumayo mula sa inuupuan niya saka 'to nagpaalam at lumabas ng opisina ko.

Matapos ang walang kwentang pag uusap namin ng dati kong kaibigan na si Zandro ay agad narin ago nag gayak dahil may usapan kami ni Solenn na sasabayan ko siya sa pananghalian. Isa pa, gusto ko rin itanong mismo kay Solenn kung totoo nga bang fiance siya ni Zandro at ang dahilan ng pagtakas niya mula sa Hacienda Aldana.

——

<LaVienda Rest House>

“Si Zandro, fiance mo ba talaga siya?” seryosong tanong ko kay Solenn habang nakatingin sa engagedment ring na suot niya.

“Oo..” nakayuko niyang sagot.

Kaya naman pala pinaghahanap ka ng mga tauhan niya, pati ako dinamay mo pa.” seryosong saad ko at agad tumayo mula sa kinauupan ko upang magwalk out sana.

“But I don't love him.” seryosong pagkakasabi ni Solenn kaya napatigil ako at nilingon siya na nanatiling nakaupo parin.“Ipinangbayad utang lang ako ng mga magulang ko sa anak ni Don Patricio na si Zandro, pero hindi ni katiting na pagmamahal ay wala ako nararamdaman para sakanya. Tumakas ako bago ang dapat sanang kasal namin, dahil hindi ko talaga kayang makaisang-dibdib ang lalakeng hindi ko naman talaga gusto.” pagpapatuloy pa ni Solenn kasabay ng pagpatak ng luha niya at muli siyang yumuko saka tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay niya.

Lumapit ako sakanya saka siya inabutan ng tissue, agad din naman niya 'yun kinuha at ipinunas sa pisngi niya na may luha.

SOLENN POV

“You can stay here, as long as you want.” nahinahon niyang pagkakasabi. Kaya naman napatingin ako sakanya.

“Hindi rin ako magtatagal dito, dahil ayaw ko rin naman na makaistorbo pa sa'yo o madamay ka pa sa oras na malaman ni Zandro kung nasaan ako. Pasensya kana kung, sobrang naging pabigat ako sa'yo.” naluluhang pagkakasabi ko ngunit nagulat na lamang ako ng punasan ni Max ang luha sa pisngi ko gamit ang kamay niya kaya napatitig ako sakanya.

“Pasensya kana sa kung anong nasabi ko sa'yo kanina. Pero pwede ka naman manatili dito hanggat gusto mo, dahil mas ligtas ka dito at mas may kakayahan akong protektahan ka.” sincere niyang pagkakasabi na habang nakatitig sa mga mata ko. Agad ko naman hinipo ang noo at leeg niya sa pag-aakalang nilalagnat niya. Kakaiba kasi mga sinasabi niya ngayon. Si Max ba 'tong kausap ko?

“Wala ka naman lagnat, pero bakit ganyan ka magsalita?” pagtataka ko. Hindi naman sumagot si Max at agad na umiwas sakin saka umupo sa upuan niya kanina.

“Kumain na lang tayo, lumalamig na 'yung pagkain.” seryoso niyang pagkakasabi.Ngumiti na lamang ako, may saltik talaga ang isang 'to.

——

FELIX POV

“May napapansin ba kayo kay First Lieutenant?” tanong ko kila Private First Class Lorenzo at Staff Sgt. Reyes.

“Wala naman, bakit?” sabay na sagot nilang dalawa.

“May mga mata ba talaga kayo? Hindi niyo ba talaga napapansin na madalas ngumingiting mag isa si First Lieutenant magmula ng makilala niya 'yung babae kahapon.” mahinang pagkakasabi ko sapat lang upang marinig nilang dalawa.

“Babae?” pagtataka ni Staff Sgt. Reyes.

“Oo, yung babaeng hinabol natin kagabi. Nakita ko siyang pumasok sa opisina ni First Lieutenant, pero itinangi niya 'yun kay Technical Sgt. Asoncion.” pagki-kwento ko.

“Talaga? Kaya pala kagabi din, nadatnan naman siya ni Technical Sgt. Bautista na nasa Gate 6. Sabi nagpapahangin daw, eh abot tenga ang ngiti.” saad naman ni Private First Class Lorenzo.

“Hindi kaya, inlove si Lieutenant doon sa babae?” conclusion ko agad naman kami nagtinginang tatlo.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon