SPECIAL CHAPTER

422 15 0
                                    

<Sandoval's House>

DIANA POV

It's been seven year since Zandro died in an accident. Oo masakit parin 'yung pagkawala niya ngunit habang lumilipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ay mas natatanggap ko ng sadya sigurong pinagtagpo lamang kami ngunit hindi tinadhanang magkasama hanggang sa huli.

“Ang blooming naman ng kapatid ko.” masayang bati sakin ni Ate Meghan ng puntahan niya ako sa silid ko. Matagal ng umalis si Ate Meghan sa ilegal n'yang gawain. Ngayon nga ay mag business partner kaming dalawa sa isang seafood restaurant.

“Hindi naman masyado Ate, medyo lang.” nakangiting saad ko, habang nakaharap sa salamin at sinusuklyan ko ang buhok ko. Lumapit naman sakin ng bahagya si Ate.

“Natutuwa ako na paunti-unti, nakaka-move on kana. Nagagawa mo ng ngumiti.” nakangiting saad ni Ate, ipinatong ko ang suklay sa ibabaw ng tukador. Saka ko hinarap si Ate Meghan.

“To be honest, pinipilit ko lang na maging masaya. Kasi alam kong 'yun din ang gusto ni Zandro. Siguro kong hindi siya nawala, baka tulad nila Max at Solenn ay may anak narin kami ngayon.” saad ko habang nakatingin ako sa singsing na nasa finger-ring ko. Yun ang singsing na binili pa ni Zandro before the tragic accident happened.

“I looking forward when that time comes na tuluyan ka ng maging masaya.” nakangiting saad ni Ate Meghan saka niya ako niyakap.

In another life, I still want to be his girl. Kahit masaktan ako ng paulit-ulit, I still want to be Zandro's girlfriend.

——

<Hermosa's House>

SOLENN POV

Pag gising ko ng umaga ay wala si Max sa tabi ko. Ang aga naman yata niyang umalis, 7:45AM palang naman. Bumangon ako upang tignan si Baby Catherine na 6months old palang sa kuna niya pero wala siya dito. Baka pinaarawan na ng Yaya niya.

Lumabas ako ng silid ko saka ako bumababa ng hagdan upang magtungo sa kusina, ang tahimik sa first floor ng bahay namin. Pinuntahan ko si Gab sa kwarto niya ngunit wala siya doon. Nasaan na ba mga tao dito?

Napansin ko ang stickey note na nakadikit sa malaking wedding picture frame namin ni Max sa sala at agad ko 'yun binasa.

'Good morning Mahal, magpunta ka sa garden. May surpresa kami sa'yo.'

Yan ang nilalaman ng sulat. Ang hilig talaga ni Max sa mga surpresa. Agad nga 'kong nagtungo sa hardin upang malaman kung ano surpresa ba 'yun.

MAX POV

Ngayon araw ay ang 7th Wedding Anniversary namin ng mahal kong asawa na si Solenn kaya naman naghanda ako ng surpresa para sakanya kasama ang dalawang anak namin na sina Gabriel at Catherine.

“Mommy!” masayang sigaw ni Gab kaya ako napalingon, nakita ko agad ang magandang mukha ni Solenn kahit wala pa siyang kaayos ayos at halatang kagigising lang.

Nakangiti naman akong lumapit sakanya hawak ang pitong piraso ng sunflower.

“Max..”

“Happy 7th Wedding Anniversary, Mahal kong asawa.” nakangiting pagbati ko sakanya. Nakita ko naman ang pagpatak ng luha sa mata niya.“Bakit ka umiiyak?” pag tataka ko ng punasan ko ang luha sa pisngi ni Solenn.

“Masaya lang ako, sobrang saya.” nakangiti ngunit naluluhang sagot ni Solenn saka niya ako niyakap, at niyakap ko rin siya habang hinahaplos ang buhok niya.

“Daddy, bakit umiiyak si Mommy?” may pag aalalang tanong ni Gabriel. Agad naman kumalas mula sa pagkakayakap sakin si Solenn saka siya nakangising kinalong si Gab at hinalikan 'to si pisngi.

“Masaya lang si mommy, tears of joy 'to baby ko.” nakangiting saad ni Solenn habang kalong niya si Gab.“Sobrang swerte kasi ni mommy sainyong tatlo ni Daddy. Sobrang thankful ako kasi dumating kayo sa buhay ko. Si Daddy, ikaw at si baby Catherine.” nakangiting saad ni Solenn saka siya tumingin sakin.

“Mas swerte din ako, dahil ikaw ang binigay ng diyos sakin bilang maging ina ng mga magiging anak ko. Mahal na mahal kita, Solenn.” sincere at malambing kong pagkakasabi kay Solenn.“From the day that you arrived, I had no idea you'd be my life. But when I looked into your eyes, I knew someday you'd be my wife.” dagdag ko pa saka ko siya hinagkan sa noo. Ganun din ang anak namin na si Gabriel.

“Congrats po sainyo Ma'am Solenn at Sir Max, stay strong po. Sobrang nakaka-inspired po ang love story n'yong dalawa. Akala ko po sa mga palabas lang nangyayari 'yun, pwede pala sa totoong buhay.” nakangiting pagbati ni Wendy, habang kalong-kalong ang bunso naming si Catherine.

——

SOLENN POV

Tila wala na akong mahihiling pa. Masaya ang pagsasama namin ni Max bilang mag asawa, malulusog ang anak naming sila Gabriel at Catherine at ok na ang relasyon ko sa mga magulang ko.

To my loving husband First Lieutenant Max Lucio Hermosa, thank you so much for everything. You're the best gift I'd ever recieved. To my kids, Gabriel and Catherine. You're the best blessing that God given to me. I love you.

END OF SPECIAL CHAPTER—


Sundan ang kwentong pag-ibig ni Diana Fey Sandoval sa “Believed in Love

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon