CHAPTER 15

299 17 0
                                    

<Military Camp>

FELIX POV

Nakita namin si First Lieutenant Hermosa na lumabas mula sa opisina niya. Siguro nagkausap na sila ni General Hermosa na siya rin n'yang ama. Kung kaya naman sinalubong namin siya upang makahingi rin ng despensa.

“*salute*” pagbibigay respeto ko kay First Lieutenant Hermosa at sumaludo rin siya sakin.“Permission to speak First Lieutenant.” pagpapatuloy ko. Tumango naman sakin si First Lieutenant Hermosa.“Gusto po sana namin humingi ng despensa sa nangyari kahapon. Hindi po dapat kami nagsalita ng ganun, hindi sana narinig ni Ms. Solenn.” sincere kong paghingi ng tawad. Isa isa naman kaming tinignan ng seryoso ni First Lieutenant.

“Wag niyo ng sisihin ang sarili niyo. Dahil kahit naman magsisi kayo ng sampong beses sa harapan ko, nangyari na.” seryosong pagkakasabi ni First Lieutenant ngunit bakas sa mata niya ang lungkot. Bahagya naman kami nagtinginan nila Private First Class Lorenzo at Staff Sgt. Reyes. Saka namin sabay sabay na niyakap si First Lieutenant. Ganun din kasi ang ginagawa niya samin noon kapag nalulungkot kami dahil sa homesick he offer a hug dahil nakaka wala daw 'yun ng lungkot.

“Ano bang ginagawa n'yo. Bumitaw nga kayo sakin.” seryosong pagkakasabi ni First Lieutenant kaya agad na kaming kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

“Alam kasi namin na malungkot ka ngayon Lieutenant. Kaya we gave you a hug.” saad ni Staff Sgt. Reyes.

<Santiago's House>

BEATRIZ POV

“Tumawag ang son-in-law natin, Sammuel. Bumalik na daw sa Hacienda Aldana ang anak nating si Solenn. Masayang pagbabalita ko sa asawa kong si Sammuel.

“Talaga? Mabuti naman kung ganun. Ibig sabihin, tuloy na tuloy na talaga ang kasal nilang dalawa ni Zandro. Ang laki din talaga ng pakinabang natin sa unica ija nina Angeline at Edgar Cuevas, sumalangit nawa ang kaluluwa ng dalawang 'yun.” nakangising pagkakasabi ni Sammuel.

Oo, hindi namin anak ni Sammuel si Solenn Britney o Kathalina Rose Cuevas. 26years ago, nagta-trabaho sa kompanya namin ang mga magulang ni Kathalina. Sekretarya ko ang kanyang ina na si Angeline habang personal bodyguard naman ng asawa ko ang kanyang ama na si Edgar. Hanggang sa magkaroon sila ng relasyon at nagbunga ito. Kaming mag asawa ang gumastos sa panganganak ni Angeline sa isang private hospital. Isang buwan matapos maisilang si Kathalina, naaksidente ang mga magulang ni Kathalina na nauwe sa pagkamatay. Magmula noon, inako na namin bilang anak si Kathalina dahil wala rin naman kaming anak ni Sammuel. Dumaan naman sa maayos na proseso ang pag adopt namin kay Kathalina, hanggang sa pangalanan na namin siyang Solenn Britney Santiago. Ngunit hindi 'yun alam ni Solenn, hindi niya alam na adopted daughter lang namin siya.

Kaya naman ng malugi ang kompanya, hindi na kami mag-asawa ng dalawang isip pa at kinagat na ang offer ni Don Patricio na ipakasal si Solenn sa unico ijo niyang si Zandro.

<Hacienda Aldana>

SOLENN POV

Wala ako magawa dito sa silid na pinagamit sakin ni Zandro kaya naman nilibot ko nalang ang tingin ko sa paligid. Hanggang sa makita ko ang isang kahon na gawa sa kahoy sa pinakasulok ng closet at dahil sa curious ako ay kinuha ko 'yun. Naupo ako sa gilid ng kama saka ko binuksan ang nilalaman ng kahon. Mga lumang litrato ang laman at isang bracelet? A friendship bracelet. Kinuha ko ang bracelet na 'yun kung saan may nakasukat sa maliit na kahoy na 'Best', it looks familiar..parang ganitong bracelet din ang nakita ko sa rest house ni Max ngunit may nakaukit naman na 'Friend'. Isa isa kong tinignan ang mga litrato, nanlake ang mga mata ko ng makita kung sino ang dalawang batang lalake na naka-school uniform. Si Zandro at Max, ibig sabihin..they are friends before?

Nagmamadali akong tinago ang kahon sa ilalim ng kama ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan.

“Come in..” saad ko saka bumukas ang pintuan at niluwa nito ang demonyong nagkatawaang tao na si Zandro. Nakangiti siya sakin at pakiramdam ko nginingitian ako ng demonyo.

“How's your feeling?” mahinahon niyang tanong na may pag aalala. Napansin ko rin ang paperbag na dala niya na may nakasulat na 'Givenchy' a luxurious french brand.

“Ok na 'ko. Hindi mo na kailangan na mag alala pa sakin.” seryosong sagot ko.

“Pwede ba naman na hindi ako mag alala sa bride to be 'ko?” malumanay na saad ni Zandro.“By the way, isuot mo 'to. Dahil magkakaroon ng party mamayang gabi. Ipapakilala na kita bilang soon to be wife 'ko. At bukas ng umaga, opisyal ka ng magiging asawa ko.” nakangiting saad ni Zandro. Wait..what?! Bukas ng umaga?!“Nagulat ka ba? Oo Solenn, bukas ng umaga na ang kasal natin. Ayaw kong patagalin pa dahil baka magbago pa ang isip mo.” pagpapatuloy ni Zandro. Hindi naman ako agad nakapagsalita.“Darating ang araw, Solenn. Matutunan mo rin akong mahalin.” nakangiting saad ni Zandro.

ZANDRO POV

“Si Max ba...matagal na kayong magkakilala?” seryosong tanong ni Solenn na pinagtaka ko. Ayaw ko na sana marinig ang pangalan 'yun dahil nanggigigil lang 'ko.

“Bakit mo naman naisip na itanong sakin 'yan?” seryosong tanong ko.

“I just found something. An old photo of you and Max, also a piece of bracelet.” saad ni Solenn.

[FLASHBACK]

“Ito sa'yo 'to. At ito naman para sakin.” nakangiting saad ko ng iabot ko kay Max ang kapares ng friendship bracelet na nasa'kin ang isa.

“Friendship bracelet?” pagtataka ni Max at tumango naman ako.

“Ibig sabihin kahit anong mangyari o kahit ilang taon pa ang lumipas. Mananatili ang pagkakaibigan nating dalawa.” nakangiting saad ko at ngumiti naman sakin si Max.

[END OF FLASHBACK]

“He used to be my friend. Not until he betrayed me.” seryosong sagot ko.

“He did that?” gulantang na tanong ni Solenn.

“Nang itago ka niya sa'kin Solenn. Magmula ng araw na 'yun, kinalimutan ko na ang pagkakaibigan namin.” seryosong sagot ko.“At saka pwede ba Solenn, wag mo na sanang mababanggit sakin ang pangalan ni Max. Ayaw ko ng mapag usapan pa natin siya ulit. Ikakasal na tayo, kaya sana iwasan mo ng isipin siya. Dahil nandito naman ako. Ako na mapapangasawa mo.” malumanay kong pagkakasabi ko. Tumango naman si Solenn ngunit ramdam ko parin na pinipilit lang niya ang sarili niya.

<Sandoval's House>

DIANA POV

“Kaysa nandito ka sa bahay. Bakit hindi mo puntahan si Max? Makipagbalikan ka sakanya ng matuloy ang kasal n'yong dalawa!” sermon sakin ni Mommy, kahit naka-earphone ako ay dinig na dinig ko ang boses niya. Ibinaba ko sa coffee table ang hawak kong libro at tinanggal ang isang earphone sa kabila kong tenga saka tumingin kay Mommy.

“Bakit ba atat atat kang matuloy ang kasal namin ni Max? Bakit hindi nalang kayo ni Tito Anthony ang magpakasal?” sarcastic na tanong ko kay Mommy akmang pagbubuhatan naman niya 'ko ng kamay pero tila may kung anong pumigil sakanya at hindi niya 'yun naituloy.“Oh! Bakit hindi mo ituloy? D'yan ka naman magaling diba? Ang saktan at kontrolin ako!” sarcastic kong pagkakasabi at tumaas narin ang tono ng boses ko.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon