CHAPTER 25

263 12 0
                                    

<Hermosa's Mansion>

SOLENN POV

Nandito kami ngayon ni Max sa bahay nila, gusto niya kasing ma-meet ko personally ang Dad niya na isang rin AFP General and gusto rin niyang ipaalam sa Dad niya na engaged na kami ng anak niyang si Max. Sobrang kabado ako, dahil siyempre first time kong makikilala ang Daddy niya na istura palang parang sobrang istrikto na. Mabuti nalang nasa tabi ko si Max.

“Dad, she's Solenn my fiance.” pagpapakilala ni Max sakin sa Daddy niya.

“Magandang araw po.” magalang na pagbati ko kay General Hermosa kahit kinakabahan na 'ko. Tinignan lamang niya ako ng seryoso.

“Engaged na pala kayong dalawa?” seryosong tanong ni General Hermosa sakin habang pinagmamasdan niya ako.

“Yes, we planned to get married as soon as possible.” agad na sagot ni Max kaya naman napatingin ako sakanya. Akala ko ba next year pa, bakit as soon as possible na.

“Anong full name mo iha?” seryosong tanong sakin ni General Hermosa.

“Solenn Britney Santiago po.” kinakabahan na sagot ko kaya agad akong hinawakan ni Max sa kamay.

Tumayo si General Hermosa mula sa inuupuan niya saka siya lumapit sa inuupan namin.

“Welcome to the family, Solenn.” nakangiting pagkakasabi ni General Hermosa saka niya nilahad ang kamay niya sakin na agad ko rin naman kinuha. OMGGGGGG is this real? He accepted me to be a part of their family.

“Thank you po, Gene----”

“Dad...yan na ang itatawag mo sakin magmula sa araw na 'to. Tutal sooner or later, dadalhin mo na ang apelyedo ng anak ko. Magiging Hermosa kana rin, magiging daughter-in-law narin kita. Kaya magsanay kanang tawagin akong Daddy or Dad.” nakangiting pagkakasabi ni Gen---I mean ni Dad.

“Yes, Dad. Thank you po ulit.” nakangiting sagot ko naman.

“Max, kapag naikasal na kayo. Bigyan n'yo na kaagad ako ng apo. Tumatanda na ang Daddy mo.” nakangising biro ni Daddy kay Max.

“Dad naman, turning 50's palang naman kayo. Kaso wag ka mag alala. Bibigyan naman talaga namin kayo ng apo..” nakangising saad ni Max.“Diba, Solenn?” baling ni Max sakin.

“Huh?”

“I said I love you.” nakangiting saad ni Max.

——

MAX POV

Pansamantala ko munang iniwan si Solenn na kausap ang mga kasambahay namin dito sa Mansion upang makausap ko naman si Dad.

“Dad, can we talk?” malumanay na tanong ko kay Dad ng puntahan ko siya sa opisina niya. Nasa ikalawang palapag 'yun ng Mansion.

“Sit down.” saad ni Dad at kaagad naman ako naupo sa couch ganun din siya sa kabilang couch naman.

“Dad, I just want to say thank you.” sincere kong pagkakasabi.

“You don't need to say thank you. Dahil bumabawe lang ako sa kung ano man ang pagkukulang ko sa'yo simula pa noong bata ka pa. Hindi naman lingid sa kaalaman mo na hindi ako naging mabuting ama sa'yo. Kaya ngayon, inuumpisahan ko ng itama ang mga pagkakamali 'ko at pagkululang ko sa'yo noon.” malumanay na sagot ni Dad.“Gusto ko rin humingi ng despensa sa'yo, kung ipinagkasundo kita sa anak ni Mirasol. Sana mapatawad mo pa 'ko anak.” saad ni Daddy at ramdam ko ang sinsiredad niya. Tumayo ako sa inuupan ko at lumapit kay Dad.

“Matagal na kitang napatawad Dad...matagal na.” nakangiting pagkakasabi ko. Tumayo si Dad sa kinauupan niya at saka ako mahigpit na niyakap.

——

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon