CHAPTER 12

313 19 0
                                    

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na akong bumaba ng military vehicles inilagay ko ang 45 Caliber kong baril sa tagiliran ko at habang nananatiling kampanti.

“May problema ba?” seryoso kong tanong kay Zandro ng magkaharap kaming dalawa.

“AFP First Lieutenant Max Lucio Hermosa.” sarcastic na tono ng pananalita ni Zandro habang pinalibutan naman ako ng mga tauhan niya na armado ng baril.“Alam mong ayaw ko sa lahat 'yung niloloko ako.” seryosong pagkakasabi ni Zandro.

“Diretsahin mo na 'ko, ayaw ko ng maraming paligoy-ligoy.” seryosong saad ko.

“May nakarating saking balita, na itinatago mo daw ang fiance ko? Ako pa talaga ang ta-traydurin mo rin Max?” panggigigil ni Zandro at agad akong tinutukan ng baril ngunit hindi naman ako nagpatinag.

“Oo, nasa pangangalaga ko nga si Solenn. At kung sa tingin mo hahayaan ko siyang makuha mo, nagkakamali ka Zandro. Kahit patayin mo pa 'ko ngayon, hinding hindi mo makukuha sakin si Solenn.” mariing pagkakasabi ko.

“Eh hayop pala 'to eh!” nanggigigil na saad ni Zandro at akmang kakalabitin ang gatilyo ng hawak niyang baril pero bago pa man n'ya 'yun makalabit ay agad ko ng naitaas ang kamay niya kaya naman naiputok niya ang baril niya sa ere. Pero mabilis na umalma ang mga kasama ni Zandro na tauhan niya at agad akong tinutukan ng mga hawak nilang baril.

Pinag aralan ko ang mga posisyon nila kaya ng makahanap ako ng tamang pagkakataon ay agad kong inumbagan ng suntok ang nasa likod ko saka ko inagaw ang baril niya kung saan naiputok ito sa hita ng isa sa mga tauhan ni Zandro.

Masyadong mabilis ang pangyayari, nakita ko nalang ang sarili ko na nakikipag suntukan, nakikipag balibagan at nakikipagbarilan  sa mga tauhan ni Zandro. Ilang saglit pa, bumulugta na sa kalsada ang ilang tauhan ni Zandro na mga sugatan at hindi na makatayo. Hindi naman ako immortal para hindi masugatan o makaramdam ng sakit, dahil nadaplisan din ako ng bala ng baril kanina sa braso.

——

CIELO POV

Papunta kami ngayon nila Private First Class Lorenzo at Private First Class Legarion sa East Park saka ng isang Military vehicle dahil may bibilhin kami doon. Dito kami sa Liwayway Road dumaan upang mas mapabilis, wala rin kasi masyadong dumadaan sa kalsadang 'to kaya hindi naman traffic. Puro kakahuyan din ang makikita sa paligid ng kalsada.

Ngunit malayo palang ay natanaw na namin ang military vehicle na madalas minamaho ni First Lieutenant Hermosa.

Akmang babarilin siya ng anak ni Don Patricio na si Zandro pero agad siyang binaril sa paa ni Private First Class Legarion.

Pagkatapos ay nagmamadali silang umalis sakay ng puting Grandia. Agad kaming bumaba ng military vehicles upang saklolohan si First Lieutenant Hermosa.

<LaVienda Rest House>

SOLENN POV

Sobrang kabado ako at hindi ko alam kung bakit. Kanina pa ako hindi mapakali. Maya maya pa narinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa may tapat ng gate ng rest house. Kaya naman nagmamadali akong lumabas ng pintuan upang salubungin si Max pero...

“A-anong nangyari?” nauutal kong tanong ng bumungad sakin si Max na nanghihina at dumudugo ang kaliwang braso niya, bakat din ang dugo sa suot niyang uniporme. Akay akay siya ng dalawang sundalo. Agad na pinasok si Max sa loob ng bahay saka 'to pinaupo sa sofa.“Ano ba kasing nangyari?!” tumaas na ang tono ng boses ko dahil sa labis na pag aalala.

“Don't worry, ok lang ako.” nakangiting saad ni Max saka inabot ang kanang kamay ko at hinawakan ito. Kasalukuyan naman ng ginagamot ng isang sundalo ang kaliwang braso niya.

“OK? Max hindi ka ok! Tignan mo nga 'yang itsura mo. Sino may gawa niyan sa'yo?! Saka, bakit hindi ka nagpadala sa hospital?!” panenermon ko. Bahagya naman sila nagtinginang apat.

“Aksidente lang 'to. Isa pa, hindi naman ako masyadong napuruhan. Nadaplisan lang ako ng bala kanina. Ayaw ko rin dalhin pa ako sa hospital dahil baka malaman pa 'to ni Dad.” mahinahong sagot ni Max.

“Bakit kasi hindi ka nag iingat?!” panenermon ko na may pag aalala habang hawak niya parin ang kanang kamay ko.

“Sorry...” sambit ni Max.

Makalipas ang ilang sandali, natapos ng gamotin ng isang sundalo ang braso ni Max. Binalot na rin ang braso niya bandage.

Napatingin ako sa wall clock, pasado alas-sais na pala ng gabi.

“D'yan lang muna kayo, maghahanda lang ako ng makakain.” saad ko at agad narin na nagtungo sa kusina.

——

MAX POV

“Lieutenant, bakit hindi mo sinabi kay Solenn 'yung totoo? Na kagagawan 'to ni Zandro.” mahinang pagkakasabi ni Staff Sgt. Reyes upang hindi marinig ni Solenn na nasa kusina lang.

“Pwede ba itikom mo yang bibig mo? Hindi dapat 'yun malaman ni Solenn. Ayaw kong mas madagdagan 'yung pag aalala niya.” saway ko.

“Bakit kasi hindi mo nalang ibalik si Solenn doon sa Zandro na 'yun. Pati tuloy ikaw Lieutenant, nadadamay sa dalawa.” saad naman ni Private First Class Lorenzo.

——

SOLENN POV

Nakalimutan kong itanong sa mga kasama ni Max kung anong gusto nilang kainin kaya naman bumalik ako. Pero napatigil ako sa paghakbang ng marinig kong mabanggit ng isa ang pangalan ni Zandro.

“Lieutenant, bakit hindi mo sinabi kay Solenn 'yung totoo? Na kagagawan 'to ni Zandro.”

“Pwede ba itikom mo yang bibig mo? Hindi dapat 'yun malaman ni Solenn. Ayaw kong mas madagdagan 'yung pag aalala niya.” saway ni Max.

“Bakit kasi hindi mo nalang ibalik si Solenn doon sa Zandro na 'yun. Pati tuloy ikaw Lieutenant, nadadamay sa dalawa.”

Si Zandro...siya ang nanakit kay Max.

——

MAX POV

Kasalukuyan na kami kumakain ng hapunan kasabay sila Staff Sgt. Reyes, Private First Class Lorenzo at Private First Class Legarion pero kapansin-pansin ang pananahimik ni Solenn.

“Ayos ka lang?” may pag aalalang tanong ko kay Solenn agad naman siya tumingin sakin, saka siya tumango. Pero matamlay parin siyang kumakain.“Tahimik ka kasi, nakakapanibago.” mahinahong pagkakasabi ko.

“Wala lang ako sa mood na magsalita.” seryosong sagot ni Solenn.

Naninibago talaga ako sa biglang pananahimik ni Solenn, usually kasi kapag nakakasabay ko siyang kumain ay maingay siya. Pero iniisip ko nalang na siguro ay nahihiya lang siya sa tatlong sundalong kasama ko.

——

Kinabukasan, nagising ako ng maaga upang ipagluto ng almusal si Solenn. Hindi kasi kami masyado nakapag usap ng maayos kagabi dahil tila umiiwas siya sakin.

Pinuntahan ko siya sa silid niya upang alamin kung gising na ba siya o hindi pa. Ngunit pagdating ko sa silid niya ay malinis at maayos ang kama niya, na tila ba walang natulog doon. Napansin ko rin ang papel sa ibabaw ng kama at agad ko 'yun binasa.

'Good Morning, pasensya na kung hindi na ako nakapag paalam pa sa'yo. Ang himbing pa kasi ng tulog mo at ayaw ko makaistorbo sa'yo. Istorbo na nga ako ng tinulungan mo 'ko makapagtago, iistorbohin ko pa ba pati pagtulog mo? Wag mo na 'kong hanapin, pero sinisiguro ko naman sa'yong nasa mabuti akong kalagayan. Pasensya kana kung dahil sakin gumulo ang buhay mo. Pero labis akong nagpapasalamat sa maikling panahon na nakasama kita. Alagaan mo sana lagi ang sarili mo.

Solenn'

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon