<Hacienda Aldana>
ZANDRO POV
Bukas sana ang nakatakdang kasal namin ng unica ija ni Sammuel na si Solenn, kung hindi niya sana ako tinakasan. Pasado alas-diyes na ng gabi ngunit hindi parin nahahanap ng mga tauhan ko si Solenn. Kaya naman inis na inis ako ngayon.
"So ano, tuluyan ka ng tinakasan ng bride-to-be mo? Akala ko ko ba sabi mo noon hinding hindi ka niya iiwan." sarcastic na saad ni Meghan hawak ang bote ng alak, tinignan ko naman siya ng masama bago ako magsalita.
"Ako parin ang end game ni Solenn, babalik at babalik parin siya sa'kin. Makikita mo." seryosong pagkakasabi ko.
"Talaga ba? As far as I know kasi, hindi ka naman pakakasalan ni Solenn dahil sa mahal ka niya. Gagawin niya 'yun dahil sa kasundan nila Don Patricio at ng ama niyang si Sammuel. Kaya anong sinasabi mong ikaw ang end game ni Solenn?" sarcastic na saad muli ni Meghan na lalo ng pag init sa ulo ko. Agad kong tinumba ang lamesa sa harapan ko kaya nagkabasag basag ang bote ng alak na nakapatong dito. Tumayo ako saka ako naglakad papalapit kay Meghan at tinutukan siya ng baril sa ulo.
"Kung hindi mo ititikom yang bibig mo, baka ako nalang magpatahimik sa'yo." pagbabanta ko habang nakatutok ang baril na hawak ko sa ulo niya.
"Kahit patayin mo pa 'ko, walang magbabago. Hindi parin magiging kayo ng Solenn mo." nakangisi nitong pagkakasabi saka ako tinalikuran. Hindi ko siya magawang patayin kahit kating kati na ang daliri kong kalabitin ang gatilyo dahil si Meghan ang suplayer ng mga drugs sa Aldana Mafia Org. at malaki ang pakinabangan ko sakanya.
--
<Military Camp>
SOLENN POV
Nakalagay ang kaliwang kamay niya sa tagiliran kung saan nasukbit ang baril niya habang seryosong naglakad papalapit sa'kin kaya agad akong napaatras.
"Kung sakanila nakatakas ka, sakin hindi." seryoso pagkakasabi niya na tila may pananakot. Hindi naman ako agad nakapagsalita.
Isang katok mula sa pintuan ng opisina niya ang umagaw sakanyang atensyon.
"First Lieutenant Hermosa, si Technical Sgt. Asoncion 'to, itatanong ko lang sana kung may napansin kang babae na naka yellow dress na dumaan dito." seryosong tanong ng boses lalake. Bumaling naman siya ng tingin sa'kin. Umiling ako sa'yo upang hindi niya ako ibuko. Sobrang kabado narin ako dahil natatakot akong ibalik nila ako kay Zandro na sigurado akong papatayin lang din ako.
"Oo.." seryoso niyang sagot, kaya agad ng pumatak ang luha ko dahil sa matinding takot.."...nakita ko siyang tumakbo papunta sa Gate 3..puntahan niyo doon. Baka andon pa 'yun." pagtutuloy niya habang nakatitig sakin. Kaya nakahinga ako ng maluwang.
"Maupo ka d'yan." seryoso niyang pagkakasabi sabay tingin sa sofa. Agad naman ako naupo ngunit nanginginig parin ang mga kamay ko. Tumalikod siya at tila may kinuha sa kanyang drawer saka 'to bumalik sa'kin bitbit ang alcohol at bulak.
Lumuhod siya sa harapan ko saka biglang binuhusan ng alcohol ang sugat at galos ko sa paa kaya napa-lower lipbite ako upang tiisin ang hapdi ng alcohol sa sugat ko. Bakit naman kasi kailangan ibuhos? Hindi ba pwedeng dampi dampi lang?
Hindi ako nagsasalita at pinagmamasdan lamang siya habang ginagamot ang sugat ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Should I say thank you ba? o sorry? I really don't know what to say.
"Sino ka ba talaga at anong ginagawa mo dito sa kampo ng mga sundalo? Miyembro ka ba ng NPA? Abbu Sayyaf? Terrorirst Group?" seryosong tanong niya sakin matapos niyang gamutin ang sugat ko.
"S-solenn Britney nga pala." nauutal kong pagpapakilala saka ko nilahad ang kamay ko. Tinignan niya ako ng seryoso at hindi man lang nakipag kamay sakin kaya agad ko ng binawe ang kamay ko."W-wala na kasi akong ibang mapupuntahan..H-hindi ko rin alam k-kung saan ako pupunta k-kaya..kaya ako napadpad d-dito." pagpapatuloy ko. Muli naman niya akong tinitigan saka siya tumayo.
"Saan ka nanggaling bago ka napadpad dito?" seryosong muli niyang tanong sakin.
"Hindi ko pwedeng sabihin kung saan ako galing." nakayukong sagot ko.
"Hindi? At bakit?" seryosong muling tanong niya sakin. Bakit nga ba? Anong dapat kong isagot? Hindi ko talaga pwede sabihin dahil paniguradong ibabalik niya 'ko doon. Ayaw ko pang mamatay.
"K-kasi.." nauutal kong saad at muli na naman nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba.
"Nakapatay ka ba?" seryosong tanong nito sakin agad naman akong umiling.
"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na pinaghahanap kana ng ibang sundalo dito sa kampo. Ngayon, kung sasabihin mo sakin ang totoong dahilan mo kung bakit ka napunta dito. Baka matulungan pa kita." mahinahon na pagkakasabi ni kaya unti unti kong inangat ang ulo ko at tumingin sakanya.
"Pwede bago ko sabihin sayo, may pagkain ka ba d'yan? Gutom na gutom na kasi talaga 'ko eh. Kanina pa kumukulo yung t'yan ko. I'm on a diet pero gustong gusto ko na talaga kumain." pakiusap ko, pakapalan nalang talaga ng mukha. Hindi nga ako mamamatay sa bala baka mamatay naman ako sa gutom.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...