LAST CHAPTER

456 18 1
                                    

<Jackson Heights>

DIANA POV

Makalipas pa ang ilang minuto ay nakita ko na ang kotse ni Zandro sa kabilang kalsada, tumigil ang kotse saka siya bumaba mula sa driver's seat. Nakita ko siyang may hawak na bouquet ng bulak na katamtaman lang ang liit at laki.

Nang makita niya ako mula sa kabilang kalsada ay masaya niya akong kinawayan. At ganun din ako sakanya. Agad siyang tumawid ng kalsada upang malapitan ako.

ZANDRO POV

Pagdating ko sa tapat ng Jackson Height kung saan ako iniintay ni Diana ay agad na akong bumaba ng kotse ko. Hindi kasi pwede i-parking 'yung kotse doon sa kabila dahil hindi naman pwede mag u-turn at one-side parking lang din pero pwedeng tumawid dahil may pedestrian line naman.

Pagbaba ko palang ng kotse ay nakita ko na agad ang mukha ni Diana na masayang nakangiti sakin. Kaya naman masaya ko rin siyang kinawayan.

Nang mapansin kong malayo pa ang kotseng paparating ay agad na akong tumawid, pero huli na ng makita ko ang truck na mabilis na papalapit sa kinaroroonan ko. Gustuhin ko man iwasan 'yun ay tila nakapako ang paa ko at hindi ko 'to magalaw. Naramdaman ko nalang ang malakas na pagtama ng kung anong matigas na bagay sa katawan ko. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa kalsada at ang pagdami ng tao sa paligid ko.

"Zandro!!"

At ang malakas na sigaw ni Diana ng tumakbo siya patungo sa kinaroroonan ko. Unti unti ng nandidilim ang paningin ko pero pinipilit kong wag ipikit ang mata ko dahil gusto ko pang pagmasdan ang mukha ni Diana kahit sa huling sandali.

DIANA POV

Napasigaw nalang ako ng biglang mabundol si Zandro ng paparating na 10-wheeler truck. Sa lakas ng impact nito ay agad na tumilapon ang katawan ni Zandro.

Nangiginig ang buong katawan ko habang naglalakad ako papalapit kay Zandro na duguan at nag aagaw buhay na nakahandusay sa kalsada.

"Zandro..." umiiyak kong sambit habang halos hindi siya matitigan ng matagal. "Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ko."Zandro wag mo 'kong iiwan please..lumaban ka ha. Wag mo 'kong iiwan." umiiyak na pakiusap ko habang nakaluhod ako sa harapan ni Zandro.

"I'm s-sorry..I..I can't...k-keep..my..my promise..but..but a-always..remember..that..that..I love you..so mu---" hindi na naituloy pa ni Zandro ang sasabihin matapos itong malagutan ng hininga.

"No..Zandro..No!!" malakas na sigaw ko at agad ng niyakap ang walang buhay na si Zandro.

"Hala diba siya yung bumili ng mamahalin na singsing kanina doon sa nadaanan nating Jewelry store para daw sa proposal niya sa girlfriend niya.." rinig kong saad ng babae na lalong dumurog sa puso ko.

--

<LaVienda Rest House>

SOLENN POV

"You ok?" may pag aalalang tanong ko kay Max ng bigla nalang siya matahimik habang nakatingin sa screen ng cellphone niya.

"Si Zandro..." saad niya na halos hindi niya maituloy.

"Oh! anong nangyari? Kamusta naman proposal niya kay Diana?" nakangising tanong ko.

"Wala na si Zandro.." matamlay na saad ni Max kasabay ng pagpatak ng luha niya.

"W-what do you mean?" nauutal na tanong ko dahil kinakabahan narin ako. Jusko wag naman sana dahil paano na si Diana. Tumingin sakin si Max at kitang kita ko ang lungkot sakanyang mga mata.

"Nasagasaan si Zandro, dead on the spot. Sa may Jackson Heights." malungkot na saad ni Max. At napatakip nalang ako ng bibig ko sa pagkabigla.

"Oh! God." sambit ko saka ko niyakap si Max. Ramdam ko ang init ng luha niya na dumadampi sa balat ko. Bakit naman kung kailan ok na ang lahat, saka pa nawala si Zandro.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon