<Sandoval's House>
MEGHAN POV
Nang kaming dalawa nalang ni Diana ang magkaharap doon na nagsimulang bumuhos ang emosyon ko. I really love my younger sister so much, kaya naman hindi ko talaga kaya kapag nagkakatampuhan kaming dalawa.
“I'm really sorry..“ halos hindi ko na maituloy ang sasabihin ko ng umagos na ang mga luha sa mata ko. I know what I did was wrong. But I did that in order for Diana to survive from a brain cancer.
Diana was only 12 years old ng magkaroon siya ng maliit na bukol sa utak niya, 16years old na ako ng mga panahon na 'yun. I met Mr. Chua in a cafe kung saan ako nagta-trabaho noon as a cashier. He offer me a job kung saan mabilid akong kikita ng pera, at dahil nga kailangan namin malaking halaga para sa pagpapa-opera ni Diana ay pikit mata akong kumapit sa patalim. Sa ibang bansa pa inoperahan si Diana gamit ang perang nanggaling sa pagbebenta ko ng iba't ibang klase ng Drugs. She don't have any idea na ako ang nagpagamot sakanya. Pinalabas ko nalang na may nag donate ng malaking pera samin dahil naaawa sakanya. Ayaw ko kasing kamuhian niya 'ko bilang ate niya. At age of 23, she went to France to study sa pag aakala niyang nakapasa siya bilang scholar ng isang sikat na unibersidad sa France. Little did she know na pera ko ang ginamit niyang tuition fee sa loob ng apat na taon.
“Diana, I'm so sorry..siguro nga ako na ang pinakamasamang ate para sa'yo dahil nagbebenta ako ng pinagbabawal na gamot. Pero ginawa ko lang naman 'yun dahil sayo kapatid ko..” naiiyak kong pagki-kwento.
DIANA POV
“Diana, I'm so sorry..siguro nga ako ang pinakamasamang ate para sa'yo dahil nagbebenta ako ng pinagbabawal na gamot. Pero ginawa ko lang naman 'yun dahil sayo kapatid ko..” naiiyak na saad ni Ate, na lalong nagpagulo sakin. Anong ibig niyang sabihin na dahil sakin? is she blamming me?!
“I don't understand..” saad ko.
“Pinasok ko ang trabahong alam kong wala ng pintuan palabas para lang madugtungan pa ang buhay mo noon.” naiiyak na pagki-kwento ni Ate.“Pero wala akong pinagsisihan. Dahil kahit naging Drug Queen man ako. Ang importante nabuhay ka, naka-survive ka.” pagpapatuloy ni Ate at agad na ring pumatak ang luha sa mata ko.“I'm so sorry Diana..” muling paghingi ng tawad sakin ni Ate at kaagad ko naman siyang niyakap, senyales na napatawad ko na ang ate Meghan ko..
“I'm so sorry too. I didn't know anything..I didn't know..” naiiyak ko rin na paghingi ng tawad kay Ate habang nakayakap sakanya. Forget and forgive!
——
ZANDRO POV
“Pasensya kana kung pinag intay kita ng matagal.” rinig kong malambing na boses ng isang babae. Kaya agad ako napalingon. Nakita ko si Diana na nakangiti sakin habang halata ang pamumugto ng kanyang mata.
“Umiyak ka ba?” may pag aalalang tanong ko. Saka ako lumapit sakanya upang sana punasan ang luha sa pisngi niya pero agad niyang hinarang ang kamay niya sa mukha niya.
“Ako ng bahala magpunas ng luha ko. Kaya ko naman eh.” nakangising pagkakasabi niya. She's really different from the other girl that I met before.“Saka, hindi mo kailangan mag-alala sakin. Natural lang naman sa babae ang umiyak.” saad niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya. Parang narinig ko na 'yun noon.
[FLASHBACK]
<France>
Abala ako sa pagkuha ng litrato sa napakagandang Eiffel Tower ng mapansin ko ang isang babae na nakaupo sa isang bench at umiiyak. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya.
“Miss..”
“You don't need to worry about me. Natural lang sa babae ang umiyak.” saad ng babae habang pinupunasan ang luha niya gamit ang tissue.
[END OF FLASHBACK]
“I guess we already met before..In France.” nakangiting saad ko, agad naman siyang napatitig sakin na para bang gulat na gulat.
“That's so impossible.” saad ni Diana habang umiiling pa.
“It's not. Look, we met again after so how many years. And who would thought that destiny is really possible.” nakangiting pagkakasabi ko na maging ako ay hindi rin makapaniwala. Tila alam ko ang sagot kung bakit hindi pinahihintulutan na makasal kami ni Solenn, dahil siguro muling magtatagpo ang landas namin ni Diana.
“It's just a coincidence.” nakataas ang isang kilay ni Diana habang sinasabi 'yun.
“No, it's called destiny.“ pagpupumilit 'ko.
DIANA POV
Maging ako ay hindi rin naman makapaniwala na siya ang lalakeng 'yun. Tila yata maliit ang mundo para samin dalawa ni Zandro, dahil makalipas ang maraming taon..sinong mag aakalang magkikita ulit kami. Pero destiny nga bang matatawag 'yun? o coincidence lang? Ano't ano pa man ang tawag sa pagkikita namin ulit, masaya akong nagkita ulit kami ni Zandro.
“Mamaya na 'yang kwentuhan n'yo. Mag meryenda muna kayo.” saad ni Ate na may dalang food tray. Saka niya 'to nilapag sa mesa dito sa may garden.
“Ah, Zandro older sister ko pala si Ate Meghan.” pagpapakilala ko kay Ate Meghan sa bago kong kaibigan na si Zandro. Ngunit tila iwas si Ate ng tignan sa mata si Zandro, tumango lamang si Ate at agad narin kami iniwan ni Zandro.
“Anong nangyari doon?” pagtatakang tanong ko habang sinusundan ko ng tingin si Ate Meghan na papasok na sa loob ng bahay. Nagulat naman ako ng hawakan ako ni Zandro sa kamay kaya agad ako napatingin sakanya.
“I need something to tell you Diana. Ayaw ko kasing maglihim pa..” seryosong pagkakasabi ni Zandro.“Isa akong Mafia Boss...ang Ate Meghan mo ang ka-transaction ko when it comes to drugs.” saad ni Zandro na kinagulat ko. “I'll understand if you'll going to hate me. Sinabi ko lang ang totoo 'cause you deserved to know the truth. And besides, ayaw kong sa iba mo pa malaman. Kung pwede naman na ako na mismo ang magsabe sa'yo habang maaga pa.” saad ni Zandro habang hawak parin ang kamay ko.
“Thank you for being honest. You know I'm inlove with a criminal.” nakangising pagkakasabi ko.“Just kidding..” pahabol ko sa huli kong sinabi..
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...