CHAPTER 6

399 27 0
                                    

<LaVienda Rest House>

MAX POV

“A-anong ginawa natin dito?” may pagtatakang tanong ni Solenn habang nililibot ang tingin sa rest house na pagmamay-ari ko.

“You'll stay here, mas ligtas ka dito.” seryosong pagkakasabi ko.

“You let me stay here?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Solenn.

“Temporary.” tipid kong sagot, at akmang tatalikod na sana...

“Aalis kana agad?” pagtatakang tanong ni Solenn.

“Kailangan ko ng bumalik sa kampo.” seryosong sagot ko.

“First Lieutenant, maraming salamat. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano kita mapapasalamat sa ginawa mong pagtulong sakin kanina. Akala ko talaga katapusan ko na eh. Mabuti nalang talaga at dumating ka. Maraming salamat ulit.” nakangiting pagkakasabi ni Solenn.

“Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, susundin mo ang mga sasabihin ko. Hindi ka lalabas ng bahay na 'to. Hindi naman sa hinihigpitan kita o kinukulong, pero para rin 'yun sa kaligtasan mo. Isipin mo nalang, kapag may nakakita sa'yo dito ng ibang tao. Pati ako mananagot, hindi ko talaga alam kung bakit kita tinutulungan.” seryosong pagkakasabi ko.

“Oo, susundin ko 'yan. Promise.” nakangiting saad ni Solenn at itinaas pa ang kanang kamay niya na para bang nanunumpa.

“Doon ang magiging silid mo, may mga damit ako isang cabinet doon na hindi ko na ginagamit. Yun na lang muna ang suotin mo pansamantala.” saad ko kasabay ng pagturo sa pintuan na kulay berde ang kulay ng pintura agad naman 'yun sinundan ng tingin ni Solenn.“At siya nga pala..ito ang telepono. I-dial mo ang 080507 kapag may kailangan ka, direkta 'yun sa opisina ko.” saad ko sabay hawak sa telepono na nakapatong sa tabi ng figure at lampshade. Tumango lamang si Solenn, pagkatapos ay agad narin akong umalis.

SOLENN POV

Napakaseryoso talagang tao nito ni Max, hindi man lang ngumingiti. Ano, porket mataas ang katungkulan niya sa AFP kailangan lagi ng naka fierce or poker face? Tsk.

Agad nga akong nagtungo sa silid na sinasabi ni Max, pagdating ko doon ay hinanap ko ang sinasabi niyang mga damit niya. Puro T-shirt pang sundalo na kapag sinuot ko ay mukhang over-sized sakin. Inamoy ko ang sarili ko, kakaiba na ang amoy ko. Kailangan ko na talagang maligo. Ay hala!!

“H-Hello...this is Solenn Britney speaking practice lang baka pwede pang call center..” natatawang pagkakasabi ko ng sagutin na ni Max ang tawag ko.

“Bakit ka tumawag?” seryosong tanong niya. Ay galit agad?! Sabi mo kanina kapag may kailangan ako tumawag lang ako.

“Nakita ko na yung mga damit na sinasabi mo. Ok naman kaysa naman sakin, ang kaso...w-wala pala akong undergarments na pamalit. Saka, pasabay nalang din ng Jergens Lottion, Dove soap, Dove Shampoo and Conditioner.” may pag aalinlangan kong sagot.

——

“Oh! Ayan na mga kailangan mo. Wag kana ulit sanang tumawag.” seryosong pagkakasabi ni Max na tila naiinis pa yata kasabay ng paglapag niya sa ibabaw ng lamesa ng paperbag.

“Salamat, saka wag ka mag alala. Hindi na ako mang-iistorbo sayo.” nakangising pagkakasabi ko.“S'ya nga pala, dito kaba kakain ng tanghalian o hapunan mamaya? Gusto mo ipagluto kita? Bilang pasasalamat nalang din, ano bang paborito mong ulam? Sinampalokang manok? Adobo? Tinola? Sinig---”

“Hindi na kailangan. Kung gusto mo magluto. Ikaw nalang din ang kumain. Wag mo na 'kong intayin kung darating ba 'ko o hindi. Kapag alam mong gabi na, matulog kana. Matulog ka ng maaga.” seryosong sagot ni Max. Malamang, matutulog talaga ako ng maaga eh wala naman TV o radyo dito. Boring pero, ok na rin at least safe ako.

“Hindi ka ba marunong ngumiti? O nakalimutan mo na kung paano ngumiti. Gusto turuan kita? Ganito la----”

“Wala ako sa mood na makipagbiruan sa'yo.” masungit na pagkakasabi ni Max at agad narin 'tong umalis. Nakaka-stress ka!

——

<Military Camp>

MAX POV

“*salute* Lieutenant, ayos ka lang? Nakangiti ka yata.” puna ni Technical Sgt. Bautista.

“Huh? Hindi ah.” pag deny ko at balik sa pagiging seryoso.

“Hindi? Eh kanina lang kita na gilagid mo eh. Siguro, nagkaayos na kayo ni Ms. Diana. Kailan ba ang kasal niyo ng fiance mo?” nakangising tanong ni Technical Sgt. Bautista.

Agad naman sumagi sa isip ko ang narinig kong sinabi ng tila naghahanap kay Solenn. Totoo nga kayang fiance ni Zandro si Solenn at tinakasan siya nito. Pero sa anong dahilan?

“Lieutenant, nakakapanibago ka. Parang lutang ka yata tapos nakangiti ka pa kanina. Sign ba 'yan na inlove na ang hottest AFP First Lieutenant ng 1st Infantry Division?” nakangising biro naman ni Staff Sgt. De Guzman, umiling na lamang ako.

——

Nandito ako sa opisina ko at hindi ako mapakali. Hindi ko alam, pero parang gusto kong tawagan si Solenn na ayaw ko. Nakatitig lamang ako sa telepono ng bigla itong mag-ring kaya dali dali ko 'tong sinagot.

“He----”

“Oh! Ang bilis mong sinagot ah. Iniintay mo 'yung tawag ko 'no?” saad ni Solenn sa kabilang linya at rinig ko ang mahina niyang tawa.

“Hindi. At bakit ko naman iintayin ang tawag mo? Diba sinabi ko naman sa----”

“Oo sinabi mo sakin na wag kitang istorbohin pero bago 'yun, sinabi mo rin na tumawag ako sa'yo kapag may kailangan ako hindi ba?” sarcastic na tono ng boses ni Solenn na animoy nang aasar.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon