CHAPTER 17

288 15 0
                                    

<Sandoval's House>

MEGHAN POV

Pasado alas-diyes na ng gabi ng makauwe ako sa bahay. And usual, wala na naman dito sa bahay si Mommy dahil nasa casino na naman 'yun. Patungo na ako sa kwarto ko ng salubungin ako ni Diana, nakita ko rin na hawak niya ang cellphone 'ko. Oh! shit!! Nalimutan ko pala yung cellphone ko dahil sa pagmamadali ko kanina.

“Diana, gising ka pala.” nakangiting pagbati ko sa kapatid ko.

“Oo, iniintay kasi kita.” seryoso niyang sagot saka lumapit sakin inabot ang cellphone ko.“You forgot this sa sobrang pagmamadali mo kaninang umalis.” saad niya.

“Oo nga eh, ngayon ko lang din naalala.” nakangising saad ko ng kunin ko ang cellphone ko, pero kinakahaban ako dahil baka alam na ni Diana ang totoo.

“Napano yang labi mo? Bakit may pasa ka? Sino may gawa niyan sa'yo?” magkakasunod na seryosong tanong ni Diana sakin.

“Ah wala 'to. Sige ah, punta na 'ko sa kwarto ko.” saad ko at akmang aalis na sana.

“Hanggang kailan ka maglilihim samin ni Mommy?” seryosong tanong ni Diana kaya napatigil ako.“Lagi mo sinasabi sakin noong bata pa 'ko na 'wag na 'wag akong magpapasilaw sa malaking halaga ng pera lalo na kung nanggaling naman 'to sa ilegal. At alam mo ba dahil doon, naging role model kita..tapos malalaman ko, suplayer ka pala ng drugs sa isang Mafia Organization. I'm so dissapointed.” saad ni Diana, haban nanggigilid ang luha sa mata niya.

“Diana...” naiiyak narin na sambit ko at akmang hahawakan ang kamay niya pero agad siyang umiwas sakin at agad na umalis.

Napaupo nalang ako kasabay ng sunod sunod na pag agos ng luha ko.

——

<Eastwood Avenue>

SOLENN POV

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Zandro. Kasalukuyan na akong nasa biyahe papuntang Cathedral sakay ng isang puting limousine, suot ang isang bridal gown na ginawa pa ng isang sikat na fashion designer France. Ngunit gaano pa man kamahal o kaganda ang suot kong wedding gown, hindi parin ako masaya. Dahil sobrang labag sa loob ko ang magpakasal kay Zandro.

<Military Camp>

MAX POV

“*salute* Lieutenant...si Ms. Solenn!” hinihingal na pagkakasabi ni Private First Class Legarion. Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko.

“Anong nangyari?!” mataas na tono ng boses ko dahil sa pag aalala.

“Ngayon ang kasal nilang dalawa ni Zandro, on the way na si Ms. Solenn papuntang simabahan!” sabat ni Staff Sgt. Reyes.

“H-hindi pwede!” sambit ko at agad na lumabas ng opisina ko, agad naman inabot sakin ni Private First Class Lorenzo ang susi ng maksalubong ko siya sa may pintuan, susi 'yun ng motor.

“Mas mapapabilis ka kung magmo-motor kana lang Lieutenant. Sa Eastwood Avenue dumaan ang sinasakyang puting limousine ni Ms. Solenn.” saad ni Private First Class Lorenzo.

“Salamat.” saad ko saka ko siya tinapik sa braso at agad na sinusian ang motor saka 'to mabilis na pinaandar. Kailangan kong maabutan si Solenn.

<Eastwood Avenue>

SOLENN POV

Nagulat na lamang ako ng biglang mag preno ang driver ng limousine na sinasakyan ko.

“Ano pong nangyari?” pagtatakang tanong ko.

“Ms. Solenn, may humarang po sa'tin.” saad ng driver.

“Humarang?” pag uulit ko at agad akong bumaba ng sasakyan.

Nakita ko ang isang motorsiklo sa unahan na nakaharang nga gitna ng kalsada. Sakay ng motorsiklo ang isang lalake na nakasuot ng uniporme pang sundalo. Bumaba siya at naglakad patungo sa direksyon ko. Doon na nga nag umpisang pumatak ang luha ko.

“Max..” sambit ko, ng makalapit na siya ay agad niya 'kong niyakap ng mahigpit. Pero mabilis akong kumalas sa pagkakayakap niya.“Anong ginagawa mo dito?” naiiyak na tanong ko.

“Hindi ko kayang ikasal ang babaeng mahal ko sa iba.” saad ni Max habang hawak ang kamay ko.“Sumama kana sakin Solenn.” pakiusap ni Max.

“Gustuhin ko man, pero hindi pwede...Max.” naiiyak kong sagot.

<Cathedral>

ZANDRO POV

Pasado alas-otso na ng umaga pero wala parin si Solenn. She's supposed to be here by now. Maya maya pa, lumapit sakin si Gregor at binulungan ako.

“Fuck!” sambit ko at nagmamadaling umalis matapos kong malaman na hinarang ni Max ang limousine na sinasakyan ni Solenn.

——

Malayo palang ay tanaw ko na sila Max at Solenn na magkayakap kaya naman nanggigigil akong bumaba ng kotse ko saka ko kinasa ang hawak kong baril. Uubusin ko ang balang 'to sa katawan ng hayop na si Max.

SOLENN POV

“Zandro..” sambit ko ng makita ko si Zandro na naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin ni Max, may hawak din siyang baril at akmang babarilin si Max kaya naman agad kong hinarang ang sarili ko.

MAX POV

Hawak ko ang mga kamay ni Solenn ng bigla nalang siya makipagpalit ng pwesto sakin at isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid kasabay nito ang pagbagsak ni Solenn na halos sumusuka na ng dugo.

“Solenn!” sigaw ko at sabay kaming napa-upo sa lapag habang yapos yapos si Solenn. Ang kaninang puting puti niyang damit ngayon ay namumula na dahil sa dugo. Nakita ko naman sa 'di kalayuan si Zandro na akmang tatakas na kaya agad kong binunot ang baril sa tagiliran ko at pinaputukan si Zandro at agad siyang tinamaan sa braso bago siya makasakay ng kotse na mabilis humarurot papalayo.

ZANDRO POV

Hindi ako nagdalawang isip na kalabitin ang gatilyo ng hawak kong baril habang nakatalikod si Max, pero nagulat nalang ako ng akuin ni Solenn ang balang dapat sana ay para kay Max. Agad siyang bumagsak pero mabilis siyang nasalo ni Max. Sa sobrang pagkabigla ay hindi kaagad ako nakagalaw.

“Boss tumakas na tayo!” sigaw ni Gregor. “Boss!” muli niyang tawag sakin. Saka lamang ako nabalikan ng ulirat at saka nagmamadaling tumakas pero isang putok muli ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid at ang balang 'yun ay tumama sa braso ko.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon