CHAPTER 13

308 21 0
                                    

<Military Camp>

JC POV

“Hindi kaya narinig tayo ni Ms. Solenn kahapon kaya ayon, iniwan niya si Lieutenant? Nakakakonsensya tuloy.” malungkot kong pagkakasabi.

“Ang ingay din kasi ng bunganga mo eh!” inis na sagot ni Staff Sgt. Reyes.

“Pare-parehas lang tayo may pagkakamali. Wag na tayo magsisihan.” sabat ni Private First Class Legarion.“Ang dapat natin gawin ay papano maibabalik si Ms. Solenn sa buhay ni First Lieutenant, ngayon panigurado ay nandoon na 'yun sa piling ni Zandro.” dagdag pa niya.

Napabuntong hininga na lamang ako.

——

<Sandoval's House>

DIANA POV

“What?! Are you out of your mind Diana? Bakit ka naman nakipaghiwalay kay Max?” tila inis na tanong ni Mommy sakin tumaas narin ang tono ng boses niya.

“Mom, please lower your voice. Hindi mo naman kailangan sigawan si Diana.” pagtatanggol sakin ni Ate Meghan.

“Kaya nagiging spoiled yang kapatid mo eh, kasi kinukonsente mo pa!” baling ni Mommy kay Ate Meghan.

“Could you please stop fighting?!” tumaas narin ang tono ng boses ko kaya agad silang tumahimik.“Desisyon ko 'yun ok?! Saka sino ba kasi nagpumilit sakin na maging fiance ni Max? Hindi ba't ikaw, Mommy? Kahit kailan, wala na akong nagawang desisyon para sa sarili ko. Ngayon na lang. Dahil mula pagkabata, kinokontrol mo na 'ko. Ano klase kang ina!” panunumbat ko na sinabayan pa ng pagwo-walkout.

——

<Hacienda Aldana>

ZANDRO POV

“Boss may naghahanap sa'yo.” saad ni Derio, agad ko naman tinigil ang paglalaro ko ng golf.

“Sino? Wala naman akong iniintay na bisita.” seryosong sagot ko.

“Si Ms. Solenn..” saad ni Derion kaya agad ako napatigil ng marinig ko ang pangalan ni Solenn na.

——

“Sabi ko na nga ba, hindi mo 'ko matitiis at babalik ka rin sakin.” nakangising pagkakasabi ko sa sarkastikong tono ng boses ng madatnan ko si Solenn sa balcony, agad niya naman akong nilingon.

“Did you hurt him?” seryosong tanong ni Solenn.

“Sino? Ah si Max ba? Hindi naman masyado, medyo lang. Pasalamat nga siya at binuhay ko pa siya.” nakangising pagkakasabi ko.

“Ako lang naman ang kailangan mo diba? Ngayon, nandito na ako. Maipapangako mo ba sakin na hinding hindi mo na sasaktan si Max?” seryosong pakiusap ni Solenn. Bahagya naman ako lumapit kay Solenn saka ko hinawakan ang magkabilang braso niya at sinsero siyang tinignan sakanyang mga mata.

“I promise..I won't hurt him, if you'll promise me that you won't leave me again.” saad ko, naluluha naman na tumango si Solenn saka ko siya niyakap.

SOLENN POV

Hindi ko man gustong bumalik kay Zandro, pero wala na akong pamimilian. Dahil kung hindi ko 'yun gagawin, lalo lamang pag iinitan ni Zandro si Max. At hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama ulit sakanya.

“I promise..I won't hurt him, if you'll promise me that you won't leave me again.” saad ni Zandro at naluluha naman akong tumango sakanya saka niya ako niyakap. Gusto ko siyang itulak pero kailangan ko ng panindigan ang desisyon ko alang-alang sa kaligtasan ni Max.

“Siguro nagugutom kana, doon na tayo sa dinning area para sabay na tayong mag-almusal.” nakangiting saad ni Zandro.

Naglalakad na kami papasok sa loob ng Hacienda ng salubungin kami ng isa sa mga tauhan niya, lumapit siya kay Zandro saka may binulong.

“Mauna kana sa loob, sweetheart. May kakausapin lang ako saglit. I love you.” nakangiting saad ni Zandro, hahagkan niya sana ako sa pisngi pero agad akong umiwas sakanya.

——

MAX POV

Malakas ang kutob ko na dito sa Hacienda Aldana nagpunta si Solenn kaya naman hindi ako nagdalawang isip na magtungo dito. Gusto ko siyang bawiin, nangangamba lamang ako sa kung anong pwedeng gawin sakanya ni Zandro. Hindi na si Zandro ang mabait na taong nakilala ko noon, nagbago na siya.

“Anong ginagawa mo dito?” maangas na tanong ni Zandro sakin.

“Nasaan si Solenn? Ilabas mo siya gusto ko siyang makausap!” matigas kong pagkakasabi.

“Hindi pa ba malinaw sa'yo Lieutenant? Iniwan ka na ni Solenn at bumalik siya sakin dahil gusto niyang matuloy ang kasal naming dalawa.” tila pagmamayabang pa ni Zandro na lalo kong ikinagalit. Imposible! Hindi 'yun gagawin ni Solenn.

“Hindi to----”

“What he said is right. Bumalik ako kay Zandro dahil gusto kong matuloy ang kasal namin.” napalingon ako sa babaeng nagsalita—si Solenn.

SOLENN POV

Matapos na umalis si Zandro, narinig ko naman ang boses ni Max. What he is doing here?! Nahihibang na ba siya?! Agad kong sinundan si Zandro upang masigurong boses nga ni Max ang narinig ko.

“Nasaan si Solenn? Ilabas mo siya gusto ko siyang makausap!” matigas na pagkakasabi ni Max.

“Hindi pa ba malinaw sa'yo Lieutenant? Iniwan ka na ni Solenn at bumalik siya sakin dahil gusto niyang matuloy ang kasal naming dalawa.” nakangisi namang pagkakasabi ni Zandro.

“Hindi to----”

“What he said is right. Bumalik ako kay Zandro dahil gusto kong matuloy ang kasal namin.” sabat ko at agad na napalingon si Max sakin.

“Sweetheart, mag uusap lang kami saglit ni Max.” mahinahon kong pagkakasabi kay Zandro, ngumisi naman si Zandro at hinagkan ako sa noo na tila iniinis si Max bago siya umalis. Agad naman akong hinatak sa braso ni Max pero agad akong nagpumiglas.

“Are you of your mind Soleen!” singhal ni Max sakin.

“I'm the one should ask you that stupid question, Max. Are you of your mind?!” sarcastic kong pagkakasabi.

“Umuwe na tayo.” seryosong pagkakasabi ni Max sabay hila sa kamay ko pero agad kong hinatak pabalik ang kamay ko. Kaya naman nagtataka siyang tumingin sakin.

“Umuwe ka ng mag isa. I'm not going with you. And please, wag kana rin sanang babalik dito.” mariing pagkakasabi habang pinipigilan ko ang emosyon ko. Pakiramdam ko kasi ano man sandali ay papatak na ang luha ko.

“Solenn..you don't need to do this. Alam ko kung anong dahilan kung bakit ka bumalik kay Zandro. It's because of me, right? Solenn..Handa akong mamatay para sa'yo..Handa kong tanggapin lahat ng bala na tatama sa katawan ko maprotekhan ka lang at wag ka lang mawala sakin.” sincere na pagkakasabi ni Max ng hawakan niya muli ang kamay ko at halos umiyak narin siya sa pagmamakaawa sakin na sumama ako sakanya. Agad ko naman tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko.

“Buo na ang desisyon ko Max, I will marry him. Kaya please, respetuhin mo naman sana ang desisyon ko. At sana ito na sana ang huling beses na magkikita tayo.” saad ko at agad ng tumalikod upang mag walk out habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.

“Hindi ko kayang mawala ka sa'kin Solenn...dahil mahal kita.” saad ni Max kaya agad akong napatigil saka ko siya nilingon. Agad siyang humakbang papalapit sakin at saka ako hinagkan sa labi. Sinubukan kong itulak siya pero hindi ko nagawa. Naramdaman ko nalang ang pag dampi ng luha ko sa pisngi ko.

I always try my best just to ignore my f*cking feelings towards him, but I end up loving him even more. 

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon