<Military Camp>
MAX POV
Pagdating sa kampo ay agad akong bumaba ng military vehicle kung saan sinalubong ako nila Private First Class Legarion, Private First Class Lorenzo at Staff Sgt. Reyes saka sumaludo sa'kin. Agad ko naman silang nginitian. Hindi narin naman sila iba sa'kin, dahil para ko naring silang nakababatang kapatid.
“Good mood ka yata ngayon Lieutenant, iba talaga kapag inlove.” nakangising pagkakasabi ni Private First Class Legarion, agad naman siyang siniko ni Staff Sgt. Reyes.
“Pinagsasabe n'yo?” sarcastic kong tanong habang nakakunot ang noo ko.
“Naku, si Lieutenant talaga indenial pa. Aminin mo na kasi samin, hindi kana man namin ibubuko kay Ms. Diana eh. Alam naman namin na una palang hindi mo na talaga gusto yung fiance mo.” pangbubuyo naman ni Private First Class Lorenzo sabay tawa agad naman siyang binatukan ni Staff Sgt. Reyes.
“Kayong dalawa, masyado n'yong hina-hot seat si Lieutenant.” saway ni Staff. Sgt. Reyes sa dalawa, sabay tingin sakin.“Pero Lieutenant, sino ba 'yung babaeng dahilan ng bawat pag ngiti mo? Yun ba 'yung babaeng biglang pumasok sa puso mo----este sa opisina mo?” nakangising pagkakasabi ni Staff Sgt. Reyes.
“Kumain na ba kayo?” seryosong tanong ko. Sabay sabay naman silang umiling.“Gutom lang 'yan.” sarcastic kong pagkakasabi at agad ng nagwalk-out.
Habang naglalakad ako patungo sa opisina ko ay hindi ko maiwasang sumagi sa isip ko si Solenn. At ang naganap kanina...
[FLASHBACK]
Nang matapos kumain ay tinulungan ko na si Solenn na magdala ng pinagkainan sa kusina.
“Ako na ang maghuhugas, doon kana lang sa sala.” mahinahon kong pagkakasabi. Agad naman tumingin sakin si Solenn saka niya nilapag ang mga plato sa lababo.
“Ikaw? Marunong kang maghugas? Sa itsura mong 'yan?” sarcastic na pagkakasabi ni Solenn at muling binaling ang tingin sa mga hugasin.“Ako ng bahala dito, bukod sa pagiging Chef, certified dishwasher din ako sa bahay namin noon kahit pa may mga kasambahay kami.” nakangiting pagkakasabi ni Solenn. Kaya hindi na lamang ako kumibo at pinagmasdan na lamang siya.
“Nasaan ba 'yun dishwashing liquid soap dito?” saad niya habang hinahanap sa gilid ng lababo ang dishwashing liquid soap.
“Nasa cabinet, tumingin ka taas.” saad ko. Agad naman siyang tumingala saka siya tumingkayad upang maabot ang liquid dishwashing soap na nasa cabinet. Pinipigilan ko naman ang pagtawa ko habang minamasdan siyang hirap na hirap sa pag abot ng liquid dishwashing soap sa cabinet. Lumapit naman ako upang tulungan siyang aabutin 'yun agad naman siyang napatitig sa'kin at ganun din ako sakanya. Hindi ko maintindihan, pero may kakaibang kilig akong naramdaman ng magtama ang mga mata naming dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ngayon ko lang 'to naramdaman. Agad na umiwas ng tingin sakin si Solenn, ngunit hindi ko inaalis ang tingin ko sakanya.
“Bakit hindi ka pa umaalis? Baka hinahanap kana sa kampo.” malumanay na tanong ni Solenn sakin habang naghuhugas siya ng plato. Isinandal ko naman ang sarili ko sa gilid ng labo saka ako ng crossed arm at tumingin sakanya.
“Rest house ko 'to, kaya mananatili ako hanggat gusto ko.” seryoso kong pagkakasabi.
“Naguguluhan talaga ako sa ugali mo. Minsan ok ka naman kausap, pero madalas ang sungit mo.” saad ni Solenn.
“Masasanay karin sa ugali ko.” saad ko saka ngumisi sakanya.
Matapos maghugas ay tinulungan ko na si Solenn na magsalansan ng mga hugasin. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa sala, sa totoo lang nag e-enjoy ako habang kasama ko siya ngayon hindi ko alam kung bakit.
“A-anong ginagawa mo?” pagtataka ko ng makita ko si Solenn na kumuha ng upuan at tinungtungan ito.
“Kalma ka lang, may kinukuha lang ako. May nakita kasi akong antigong gamit dito sa taas ng----AHHHH” saad ni Solenn matapos siyang madulas sa tinutungan niyang upuan mabuti nalang at mabilis ko siyang nasalo kung saan agad na nagdikit ang mga labi naming dalawa. Kaya naman wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. At ang paglapat ng mga labi namin dalawa ay nauwe sa matamis na halik.
[END OF FLASHBACK]
<LaVienda Rest House>
SOLENN POV
Nandito ako sa balcony, hinawakan ang labi ko. Pilit kong iniwawaksi sa isipan ko ang nangyari kaninang paghalik sakin ni Max pero hindi 'yun mawawala sa isip ko.
“That was an accident ok? That was an accident..” paulit ulit kong sambit habang nakapikit ako. Para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Arrrrggghhh!!
Maya maya pa ay narinig ko ang pag ring telepono kaya naman napapasok ako sa loob ng bahay at agad na tinungo ang telepono saka sinagot ang tawag.
“Hi..” rinig kong boses ni Max.
“Bakit ka napatawag?” pagtatakang tanong ko.
“Tungkol kanina------”
“Yun ba? W-wag mo na isipin 'yun. That was an accident.” nakangising pagkakasabi ko kasabay ng mahina at pilit na pagtawa.
“Yah, that was an accident. And I'm sorry for----”
“Apology accepted. Wag mo na isipin 'yun, aksidente lang naman 'yun eh. Diba?” saad ko habang pilit na tinatanim sa utak ko na aksidente nga lang 'yun at walang ibig sabihin o malisya.
——
MAX POV
Pasado alas-onse na ng gabi ng dumating dito sa LaVienda Rest House upang bisitahin si Solenn. May dala akong pagkain upang pasalubong sakanya sa pag aakalang gising pa siya sa mga oras na 'to, ngunit pagdating ko sa loob ng rest house ay tahimik sa loob at patay din ang ilaw sa sala. Binuksan ko nalang ito saka ako dumiretso sa kusina at nilapag sa mesa ang pagkain na dala ko. Dumiretso ako sa silid niya at mula sa pintuan ay nasilip ko ang mahimbing na natutulog na si Solenn.
Tahimik at maingat akong pumasok sa sa silid niya upang hindi siya magising. Nakabaluktot siya at walang kumot kaya kinuha ko ang kumot sa gilid niya saka 'to ikinumot sakanya. Agad naman niyang inayos ang higa niya at bumaling ng higa paharap sakin ngunit nananatili siyang tulog.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit ss labi ko habang minamasdan siyang matulog. Pasimple kong hinawi ang buhok na humaharang sa mala-anghel niyang mukha. Bago ako lumabas ng silid niya ay hinagkan ko siya sa noo.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...