MAX POV
Kaagad ko rin naman pinaghahinan ng tubig at pagkain si Solenn, walang pasubalit ay agad niyang nilantakan ang pagkain na nasa harapan niya. Nakaupo lamang ako sa couch habang pinagmamasdan siyang kumain. Gutom na gutom talaga siya at parang isang linggong hindi pinakain. Saan bang lupalop ng mundo nanggaling ang babaeng 'to? Kung sisipatin, makinis ang maputi niyang balat 'yun nga lang ay may mga galos na 'to maaaring nakuha niya sa kakatakbo. Hindi rin maitatanggi na maganda siya, mala-dyosa ang kanyang mukha.
Parehas kaming napatingin sa gawing pintuan ng makarinig kami ng tatlong beses na katok. Agad akong tumayo at hinawakan si Solenn sa kamay saka naghanap ng pwede niyang pag taguan.
DIANA POV
“Nasaan ang First Lieutenant n'yo?” mahinahon kong tanong sa isang sundalong nasalubong ko.
“Nasa office niya po Ms. Diana.” nakangiti namang saad ko.
“Si Ms. Diana Fey Sandoval ba 'yun? Nakauwe na pala siya ng Pilipinas.” rinig kong saad ng isang sundalo ng madaan ko sila.
“Oo nga, diba siya yung fiance ni First Lieutenant?” saad ng kausap niya.
“Oo siya nga, pero sa pagkakaalam ko wala naman gusto sakanya si First Lieutenant eh. Kung baga, one-sided-love lang ang nangyayari. Si Ms. Diana lang ang may gusto kay First Lieutenant. Maganda naman si Ms. Diana, sana kung sakin nalang siya.”
“Timang ka talaga, sa tingin mo ba papatulan ka ni Ms. Diana? Hindi!”
“Ang sakit mo naman magsalita, pero nagtataka lang ako. Kung si Ms. Diana lang ang may gusto kay First Lieutenant, paano sila naging mag fiance?”
Paano nga ba? Well, it's all because of my mom and his dad also who is a AFP General. His Dad wants me to be his son's future wife and tuwang tuwa naman ang mom ko na botong boto kay Max ever since we were in High School. Crush ko rin naman si Max noon, 'cause he's undeniable handsome. But since ng malaman kong nagsundalo siya tulad ng kanyang ama, unti unti nawala ang pagkagusto ko sakanya. But after a couple years na hindi namin pagkikita dahil nasa France ako, na-miss ko siya. Until I realize that I still love him.
Ngayon nga ay kakauwe ko lang dito sa Pilipinas galing France, halos limang oras palang ang nakakalipas mula ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ko sa airport ay agad na akong dumiretso dito sa Laguna upang makita si Max.
Pagdating sa pintuan office niya ay tatlong beses akong kumatok ngunit hindi n'ya agad 'to binuksan. Kaya naman kumatok muli ako ng isa pa. At isa pa..
“Diana?!” gulat na tanong sakin ni Max ng makita niya ako pagbukas ng pintuan. Aww my handsome fiance so cute.
“Long time no see, love.” nakangiting pagbati ko at akmang papasok ako pero hinarang niya ang katawan niya sa pintuan na pinagtaka ko naman.
“Sa labas na tayo mag usap..” seryosong pagkakasabi ni Max.
“Max, hindi mo man lang ba 'ko papaupuin? Look, kababa lang ng eroplanong sinasakyan ko pero agad na akong dumiretso dito. Tapos parang pinagtatabuyan mo 'ko?” sarcastic kong tanong.
Hindi kumibo si Max at hinawakan ako sa kamay saka ako hinila palabas ng pintuan.
SOLENN POV
Abala ako sa pagkain ko kanina ng may biglang kumatok sa pintuan, kaya naman agad kaming nagtinginan ni First Lieutenant Hermosa. Agad siyang naghanap ng pwede 'kong pagtaguan hanggang sa maisipan niyang itago ako sa ilalim ng working table niya.
“Diana?!” rinig kong boses ni First Lieutenant Hermosa ng buksan niya na ang pintuan. Sino si Diana? Yung nasa Wonder Woman?
“Long time no see, Love..” malambing na pagkakasabi ng babae. L-love?! Ibig sabihin taken na siya? May jowa na pala. Ay sana all.
“Sa labas na tayo mag usap.” seryosong pagkakasabi ni First Lieutenant Hermosa.
“Max, hindi mo man lang ba 'ko papaupuin? Look, kababa lang ng eroplanong sinasakyan ko pero agad na akong dumiretso dito. Tapos parang pinagtatabuyan mo 'ko?” sarcastic na tono ng pananalita ng babae---este ni Diana.
Pagkatapos ay hindi ko na rinig ang boses nilang dalawa at ang pagsara na lamang ng pintuan ng opisina ni First Lieutenant Hermosa ang narinig ko.
——
MAX POV
“I miss you...” nakangiting saad ni Diana at agad akong niyakap pero hindi ko siya niyakap pabalik at hinakawan siya sa magkabilang braso saka ako kumalas mula sa pagkakayakap niya.
“Pasado alas-onse na ng gabi, sana ipinagpabukas mo nalang 'yung pagpunta dito.” seryosong panenermon ko kay Diana.
“Namiss nga kasi kita, kaya ayon. Ginusto ko agad na puntahan ka dito.” nakangiting pagkakasabi ni Diana.“Bakit, hindi mo ba ako namiss?” malungkot niyang tanong.
“Umuwe kana, ipapahatid nalang ki----”
“Pinagtatabuyan mo 'ko? Max, pitong taon na tayong engaged. Hanggang ngayon ba naman, hindi mo parin akong natutunan na mahalin?” mahinahon na tanong ni Diana ngunit may lungkot sa kanyang mga mata.
“Diana...”
“Bakit ba hirap na hirap kang mahalin ako?” naluluhang tanong ni Diana.“Sana naman Max, kahit sandali lang maramdaman ko man lang na may fiance pala 'ko.” naluluhang pakiusap ni Diana.
——
SOLENN POV
Narinig ko ang muling pagbukas ng pintuan kaya agad na akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nakita ko ang mukha ni First Lieutenant Hermosa na parang nalugi ng sampong beses.
“Binisita ka ng girlfriend mo, dapat masaya ka.” nakangiting saad ko, tumingin lamang siya sakin ng seryoso.
“She's not my girlfriend.” seryosong sagot niya. Tsk hindi daw, eh rinig na rinig ko endearment nila 'Love' daw.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...