<Sandoval's Mansion>
DIANA POV
“Bakit naman ang lungkot ng kapatid ko? Hindi ba kayo nagkita ni Max?” mahinahon na tanong sakin ng older sister kong si Meghan then she sat beside me.
“Nagkita naman kami kaso..” malungkot kong saad na halos hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung dapat ko pa ba 'tong sabihin kay Ate Meghan o hindi na.
“Kaso ano?” tanong niya.
“Parang hindi naman siya masaya na nagkita kami ulit. Ewan ko ba Ate, pero mas lalo yata lumayo ang loob niya sakin magmula ng magtungo ako sa France.” malungkot kong sagot.
“Kahit naman hindi ka pa nagpupunta sa France, malayo naman talaga ang loob sa'yo ni Max. Engaged nga kayo for so how many years pero para ka lang din naman single.” saad ni Ate Meghan, kaya na-pahinga na lang ako ng malalim.
“What's with that deep breath, huh?” nakangising tanong ni Ate Meghan.
“Should I blame myself for loving someone who can't love me back?” mahinanon kong tanong, tumingin naman sakin si Ate Meghan na tila nakikisimpatya sa kalungkutan ko.
MEGHAN POV
Agad akong umuwe sa Mansion matapos kong malaman na nakauwe na ng Pilipinas ang bunso kong kapatid na si Diana. Dalawa lang naman kami magkapatid ni Diana, and she's the youngest. She loves me and I love her so much too, kaya naman ingat na ingat ako na malaman ng kapatid ko ang tungkol sa ilegal kong trabaho.
Pagdating ko sa Mansion nadatnan ko si Diana na tila malungkot na nakaupo sa sofa. Tinabihan ko siya at tinanong kung anong dahilan ng pagiging malungkot siya, usually naman kasi ay masayahin si Diana. She always smile even in the hardest times in her life, si Diana rin ang happy pill ko. Kaya naman ng makita ko siyang malungkot ay nanibago ako. Napag-alaman kong dahil pala kay Max, ang 7years niya ng fiance na isang AFP First Lieutenant.
“Should I blame myself for loving someone who can't love me back?” mahinahon niyang tanong na para bang ano mang sandali ay papatak na ang luha sa kanyang mata.
“Sis, there's nothing when it comes to love. So, you shouldn't blame yourself.” nakangiting pagkakasabi ko trying to comfort my lil' sis.
“Thank you, Ate. I miss you so much.” malambing na pagkakasabi ni Diana at agad niya akong niyakap.
“I miss you too, Lil' Sis.” saad ko ng yakapin ko siya.
——
<Santiago's House>
ZANDRO POV
“Anong ibig mong sabihin na hindi na matutuloy ang kasal ninyo ng anak namin?” may pagtatakang tanong ng ina ni Solenn na si Beatriz.
“Dahil tinakasan po ako ng anak niyo kagabi. Ang buong akala ko nga po ay umuwe siya dito sainyo.” mahinahon kung pagkakasabi ng may paggalang. Kailangan ko magpanggap na isa akong mabait at mabuting fiance para sa kanilang anak.
“Alam na ba ito ni Don Patricio?” sabat ni Sammuel.
“Sa ngayon hindi pa po, pero sigurado akong nagtataka na 'yun kung bakit alas-sais na ng umaga pero wala pa tayo sa simbahan.” mahinahon kong sagot habang pinipigilan ko ang sarili ko na makaramdam ng inis o galit.
“Saan naman kaya nagpunta si Solenn? Pasaway talagang bata 'yun. Sobrang tigas ng ulo. Balak pa yata tayong ipahiya sa mamanugangin natin.” inis na saad ni Beatriz.
“Wag ka mag alala iho, hindi matatapos ang linggo na 'to at maikakasal kayo ng anak naming si Solenn.” paninigurado ni Sammuel, nagtinginan naman kami ng isa sa mga tauhan ko na nagpapanggap bilang personal bodyguard ko, saka ako muling bumaling ng tingin kay Sammuel.
“Aasahan ko po 'yan. Papano, mauuna na po ako.” mahinahon kong pagkakasabi at agad narin tumayo sa'king inuupuan.
——
“Boss, bakit kaya hindi mo gamitin ang mga magulang ni Solenn para lumabas siya kung saan man siya nagtatago. Takutin mo si Solenn na papatayin mo ang mga magulang niya kapag hindi siya lumantad.” suhestiyon ni Oscar habang nasa loob kami ng sasakyan pabalik na sa Hacienda Aldana.
“Hindi ko 'yun pi-pwedeng gawin dahil lalo lamang lalayo sa'kin si Solenn. Masama na nga ang tingin niya sa'kin, daragdagan ko pa ba? Mag isip ka nga Oscar. Hindi puro alak, babae, drugs at sigarilyo nasa utak mo.” sarcastic kong sagot.
——
<LaVienda Rest House>
SOLENN POV
“A-anong ginagawa natin dito?” pagtataka ko ng dalhin ako ni Max sa isang rest house. Semi-bonggalo ang style ng bahay, sliding window na gawa sa kapis, maaliwas din ang loob ng bahay na napapaligiran ng mga paintings at figurines, sa labas naman ay ang mga naggagandahan na tanim na bulaklak.
“You'll stay here. Mas ligtas ka dito.” seryosong pagkakasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...