<Military Camp>
DIANA POV
“I bought something for you. An imported wine from Spain.” nakangiting saad ko sako binigay kay Max ang dala dala kong paperbag na naglalaman ng wine.
“Nag abala ka pa.” seryoso niyang pagkakasabi ngunit pinilit ko parin na ngumiti.
“Sige na, tanggapin mo na. Dahil baka ito narin ang huling beses na mangungulit ako sa'yo.” nakangiting saad ko habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.
“What do you mean?” pagtatakang tanong ni Max sakin. Ngumiti ako saka ko hinubad ang engagement ring na suot ko pagkatapos ay kinuha ko ang kamay ni Max at nilagay ang singsing sa palad niya.
“I think seven years is more than enough. Wala akong pinagsisisihan na minahal kita sa loob ng pitong taon, wala akong pinagsisisihan na nagpakatanga ako sa'yo kahit una palang pinaparamdam mo na sa'kin na hindi mo talaga ako gusto..I want you you to be happy with someone that you really love...and loves you too more than you do.” nakangiting pagkakasabi ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mata 'ko.“Thank you for the seven years, Max. You're now free to love her.” nakangiting saad ko.
[FLASHBACK]
“Good mood ka yata ngayon Lieutenant, iba talaga kapag inlove.” nakangising pagkakasabi ni Private First Class Legarion, agad naman siyang siniko ni Staff Sgt. Reyes.
“Pinagsasabe n'yo?” sarcastic na tanong ni Max.
“Naku, si Lieutenant talaga indenial pa. Aminin mo na kasi samin, hindi kana man namin ibubuko kay Ms. Diana eh. Alam naman namin na una palang hindi mo na talaga gusto yung fiance mo.” pangbubuyo naman ni Private First Class Lorenzo sabay tawa agad naman siyang binatukan ni Staff Sgt. Reyes.
“Kayong dalawa, masyado n'yong hina-hot seat si Lieutenant.” saway ni Staff. Sgt. Reyes sa dalawa, sabay tingin sakin.“Pero Lieutenant, sino ba 'yung babaeng dahilan ng bawat pag ngiti mo? Yun ba 'yung babaeng biglang pumasok sa puso mo----este sa opisina mo?” nakangising pagkakasabi ni Staff Sgt. Reyes.
Papunta sana ako kay Max ngunit napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang pangbubuyo ng tatlon sundalo na malapit kay Max na sila Staff Sgt. Reyes, Private First Class Lorenzo at Private First Class Legarion.
Matapos kong marinig 'yun ay agad na pumatak ang mga luha sa mata 'ko, pakiramdam ko ay sinasaksak ang puso ko ng paulit ulit, imbes na puntahan si Max ay minabuti ko nalang na umuwe na muna. Habang nagmamaneho nga ng kotse ay wala akong tigil sa pag iyak gusto kong humiyaw at sabihih lahat ng sakit nanararamdaman ko pero tila may kung anong pumipigil sa'kin na gawin 'yun.
——
<Sandoval's House>
“What happened on you?!” may pag aalalang tanong sakin ni Ate Meghan ng madatnan niya 'ko sa kwarto ko na umiiyak. Agad ko naman pinunasan ang luha sa pisngi ko saka siya nilingon at ngumiti.
“Napuwing lang ako Ate.” pagpapalusot ko, hindi nagsalita si Ate Meghan at bahagya lamang lumapit sakin at umupo sa gilid ng kama ko pagkatapos ay hinaplos niya ang ulo/buhok ko.
“Ngayon ka pa talaga magsisinungaling sa'kin, Diana?” malumanay na pagkakasabi ni Ate Meghan.“Tell me, what's wrong?” muli niyang tanong sakin.
“I'm planning to breaking up with him.” saad ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.
“B-but..why?!” gulantang na tanong ni Ate Meghan 'cause she knows how much I love Max.
“I want him to be happy Ate, and I know na hindi ako ang makakapagpasaya sakanya.” saad ko at pilit na ngumiti.“Pagod narin ako Ate, seven years is more than enough. Gusto ko narin maging masaya sa taong mahal din ako more than I do.” pagpapatuloy ko.
“Kung yan talaga ang desisyon mo, sino ba ako para tumutol. Pero ano nga ba ang dahilan? Bakit mo naisipan na hiwalayan nalang si Max? Pitong taon ka nagtiyaga sakanya, tapos bigla bigla ka nalang susuko?” mahinahong tanong ni Ate Megha.“May ibang babae ba 'yang Max na 'yan? Naku, malaman laman ko lang talaga kung sino ang dahilan kung bakit mas nanabang sa'yo si Max, lagot sakin ang babaeng 'yun.” seryosong pagkakasabi ni Ate Meghan, I dunno pero bigla ako nakaramdam ng takot sakanya. Iba kasi ang mga mata niya, animoy bagang nagliliyab sa galit.
[END OF FLASHBACK]
MAX POV
“I think seven years is more than enough. Wala akong pinagsisisihan na minahal kita sa loob ng pitong taon, wala akong pinagsisisihan na nagpakatanga ako sa'yo kahit una palang pinaparamdam mo na sa'kin na hindi mo talaga ako gusto..I want you you to be happy with someone that you really love...and loves you too more than you do.” nakangiting pagkakasabi ni Diana kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. At aamin ko, sobra akong nakaramdam ng guilt kaya naman agad kong hinawakan ang kamay ni Diana saka siya tumingin sakin.
“I'm sorry kung hindi ko naparamdam sa'yo yung pagmamahal na matagal mo ng gustong iparandam ko sa'yo....but I hope you find someone who deserves you. The one who deserves your love. Thank you for letting me go.” sincere kong pagkakasabi, naluluhang tumango naman sakin si Diana.
“For the last time..can I hug you?“ naluluhang tanong ni Diana sakin. Agad naman ako tumango sakanya at agad siyang niyakap. Ramdam ko ang init ng luha ni Diana na dumadampi sa balikat ko. Tinapik tapik ko naman ng mahina ang likod ni Diana, maya maya pa ay kumalas narin siya mula sa pagkakayakap.
——
<Hacienda Aldana>
ZANDRO POV
Kasalukuyan ako nagpapahirap ng isang tauhan matapos ako nitong traydurin sa pera at mga drugs, ng lapitan ako ng isa sa mga tauhan ko.
“Boss, mukhang hindi lang si Berting ang trumaydor sa'yo..” sarcastic na pagkakasabi ni Gregor.
“Anong ibig mong sabihin?” pagtatakang tanong ko, inabot ko naman ang latigong hawak ko sa isa ko pang tauhan na si Nelson.“Kayo ng bahala d'yan.” saad ko, agad naman tumango si Nelson.
“Si Ms. Solenn, nasa pangangalaga siya ng dati mong kaibigan na si First Lieutenant Hermosa.” pagbabalita ni Gregor at agad na nagpantig ang tenga ko sa nalaman ko.
“Ihanda niyo ang sasakyan, may susugurin tayo.” nakangisi kong pagkakasabi.
——
<Liwayway Road>
MAX POV
On the way na 'ko patungo sa LaVienda Rest House sakay ng isang Military vehicles ng mapansin ko mula sa side mirror ang isang itim na Grandia na tila sumusunod sakin. Wala pang ilang sandali ay agad ng nag overtake sakin ang itim na Grandia saka 'to humarang sa dadaanan ko kaya agad akong napa-preno.
Mula sa Grandia na itim na nasa unahan ko isang pamilya na lalake ang bumaba mula sa passenger seat—si Zandro. Tila masama ang kutob ko kaya agad kong hinawakan ang 45 Caliber kong baril.
——
<LaVienda Rest House>
Pasado alas-tres palang ng hapon, masyado pa maaga para magluto ng hapunan kaya naman naisipan kong maglinis nalang ng bahay. Abala ako sa pagpupunas ng mga figurine ng masagi ko ang picture frame ni Max at agad na bumagsak sa sahig. Basag basag ang salamin ng frame. Bigla naman ako nakaramdam ng matinding kaba.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...