CHAPTER 19

291 17 2
                                    

DIANA POV

“You're so cute.” nakangising saad niya.

“You're not funny.” inis kong sagot.

“Zandro, by the way.” nakangiting pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya sakin. Z-Zandro?!

[FLASHBACK]

Aksidente ko napindot ang message inbox ni Ate sa cellphone niya. Kung saan bumungad sakin ang conversation nilang dalawa ng nagngangalang 'Zandro'.

'300kg of Shabu, Cocaine and Party Drugs'

'Php7,786,007'

'Deal'

[END OF FLASHBACK]

Baka naman kapangalan lang. Hindi lang naman iisa ang may pangalan na Zandro sa buong mundo.

Ilang segundo ko muna siyang tinitigan bago ko kinuha ang kamay niya upang makipagkamay.

“Diana..” nakangiting saad ko matapos kong makipag kamay sakanya.

<St. Vincent Medical Hospital>

MAX POV

Halos dalawang oras narin ang nakakalipas magmula ng masalinan ng dugo si Solenn, pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagjgising. Nandito ako naka-upo malapit sa hospital bed niya, minamasdan ang mala-anghel na mukha ni Solenn habang hawak ang kanyang kamay.

“Lieutenant may tawag mula sa kampo. Hinahanap ka ni General. Kailangan n'yo daw mag usap.” pagbabalita sa'kin ni Staff Sgt. Reyes.

“Tell him I can't go by now...dahil hindi pa nagigising si Solenn.” saad ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa wala paring malay na si Solenn.

“Pero Lieu---” hindi na naituloy pa ni Staff Sgt. ang sasabihin niya ng tignan ko siya ng seryoso.

“Permission to speak Lieutenant, hindi naman po sa pakikialam. Pero baka po talaga importante ang sasabihin ni General Hermosa sainyo.” mahinahon na pagkakasabi ni Private First Class Lorenzo.“Wag po kayo mag alala Lieutenant, kami na pong bahala magbantay kay Ms. Solenn.” pagpapatuloy niya.

SOLENN POV

Unti unti kong dinilat ang aking mata. Nasa isang silid ako na puro puti ang makikita sa paligid. Nilibot ko pa ang tingin ko, at nakita ko ang tatlong lalake na nakaupo sa couch. Nakasuot sila ng standard collar cardigan sweater, stripped pattern crew-neck sweater habang ang isa naman ay naka simple white t-shirt. Sila 'yung tatlong sundalo na kasama noon na naghatid kay Max sa rest house.

“Oh!! gising kana Ms. Solenn!” masayang pagkakasabi ng lakakeng naka stripped pattern crew-neck sweater.“Oo nga pala, hindi pala ako nakapag pakilala sa'yo noong unang pagkikita natin. Para kasing wala ka sa mood. By the way, Staff Sgt. Cielo Reyes nga pala.” pagpapakilala niya sa sarili niya.“Then ito naman si Private First Class Felix Legarion” pagpapakilala niya sa lalakeng naka plain white t-shirt, agad naman 'to ngumiti sakin.“At ito naman si Private First Class JC Lorenzo, ang PH version daw ni Leonado Da Vince---este De Carpio pala.“ natatawang pagpapakilala niya sa lalakeng naka standard collar cardigan sweater. Ngumiti lamang ako sakanila habang hinahap ng mata ko si Max.

“Si First Lieutenant ba ang hinahanap mo? Umalis siya kani-kanilang. Pinatawag kasi siya ni General.” saad ni Felix.

“Ay saglit, tatawag pala ako ng Doctor para alam nilang nagising kana.” saad naman ni JC saka lumabas ng silid.

“Kamusta naman ang pakiramdam mo Ms. Solenn? Alam mo bang lahat kami ay nag-alala sa'yo.” saad ni Cielo.

“Salamat sa pag aalala n'yo.” saad ko. Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng ward ko at nakita kong iniluwa nito si Mommy at Daddy.

“Ano bang katangahan ang pumasok d'yan sa kokote mo at naisipan mong magpakamatay?!” agad na sermon sakin ni Mommy. Tinignan ko naman sila Felix at Cielo saka sinenyasan na lumabas muna. At kaagad din naman silang lumagas ng silid.

“I'm so sorry mom..dad...” malumanay na saad ko.

“Sorry?! Alam mo bang hindi na matutuloy ang kasal niyong dalawa ni Zandro dahil sa katangahan mo?! Oh! ngayon, saan na tayo kukuha ng pangbayad sa milyong milyong utang natin?!” galit na sermon sakin ni Mommy, ano? Tama ba ang narinig ko? Hindi na tuloy ang kasunduan?!

“H-hindi na tuloy?” pag uulit ko at gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.

“At masaya ka pa sa lagay na 'yan? Hindi na tuloy ang kasal dahil umatras na si Zandro at Don Patricio sa agreement. Ibig sabihin, hindi pa tayo makakaahon sa mga utang natin na milyon milyon.” inis na sagot ni Mommy. Bakit tila mas mahalaga pa sakanya ang agreement na 'yun kaysa sa buhay ko.

“Honey, pwede ba wag mo naman sigawan ang anak natin. Hindi pa siya fully recovered.” saad ni Daddy sa malumanay na boses habang nanggigilid na ang luha sa mata ko.

“Wala akong pakialam Sammuel! Kung hindi naman pala matutuloy ang kasal, para saan pa at nagising ang anak natin?” inis na saad ni Mommy dahilan upang tuluyan ng tumulo ang luha sa mata ko. Awts ang sakit naman no'n mommy. Alam mo bang nag 50/50 ako kanina.

“Hindi mo kailangan pagsalitaan ng ganyan si Solenn. Magkano pa ba ang utang niyo? Kahit magkano pa 'yan, handa kong bayaran.” biglang sabat ni Max na kararating lang.

He's wearing a plain black shirt and grey winter coat. Sa tindig niya ay mahahalata ang makisig niyang pangangatawan. Dahil sa biglaan niyang pagsabat ay agad siyang nilingon ni Mommy at Daddy.

“Who are you?!” sarcastic na tanong ni Mommy habang tinitignan niya si Max mula ulo hanggang paa.

“I'm AFP First Lieutenant Max Lucio Hermosa and also your daughter's boyfriend.” seryosong pagpapakilala ni Max sa sarili niya. Halos hindi naman makapagsalita si Mommy maging si Daddy. Naglakad si Max papalapit sa'kin saka pinunasan ang luha ko at ngumiti sakin.

“Kagigising lang ni Solenn, alam niyo bang critical ang condition niya kanina? Hindi n'yo alam dahil mas mahalaga parin ang pera sainyo kaysa sa buhay ng anak n'yo. Kung pera lang naman pala ang makakapag patahimik sainyong mag-asawa, then name your price. Handa ako magbigay kahit magkano tigilan niyo lang ang masasakit na salitang binibitawan niyo sa anak niyo.” matigas na pagkakasabi ni Max sa mga magulang ko na lalo naman nagpalambot sa puso ko.

Bawat salitang binibitawan ni Max ay sobrang nagpapakilig sakin. Nakatitig lamang ako sakanya habang patuloy ang tila panenermon niya sa mga magulang ko.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon