<St. Vincent Medical Hospital>
MAX POV
“*salute* First Lieutenant, anong nangyari? Kamusta na si Ms. Solenn?” pag aalalang tanong ni Staff Sgt. Reyes ng dumating sila dito sa Hospital kung saan isinugod ang nag aagaw buhay na si Solenn.
Hindi pa man ako nakakasagot ay lumabas na ang doctor mula sa ER.
“Doctor, kamusta si Solenn? Ok na ba siya?“ magkasunod na tanong ko na puno ng pag alala.
“Sad to say Lieutenant Hermosa, marami ang dugong nawala sa pasiyente kung kayat kinakailangan siyang masalinan ng dugo as soon as possible.” kalmadong pagpapaliwanag ng Doctor.
“So, what you're waiting for? Bakit hindi n'yo pa salinan ng dugo si Solenn? I'll pay her hospital bills. Kahit magkano pa 'yan!” tumaas na ang tono ng boses ko ng mga sandaling 'yun. Agad naman sila nagkatinginan ng nurse na katabi niya.
“Wala na pong available na dugo sa Blood Bank na mag ma-match sa dugo ng pasiyente.” mahinahon na saad ng Nurse.
“Anong blood type ni Solenn?” seryosong tanong ko.
“AB+ po.” sagot ng nurse.
“AB+ ako, pwede ba ako maging blood donor niya?” seryosong tanong ko.
“Lieutenant..” rinig kong tila pagpigil ni Private First Class Legarion.
“Opo, sumunod na lang po kayo sakin ng masimulan na po.” saad ng nurse.
——
<Hacienda Aldande>
ZANDRO POV
Matapos na matanggal ang bala sa braso ko ay minabuti kong mapag isa nalang dito sa silid ko hawak ang wallet size picture ni Solenn. Ayaw ko munang nakusap o kahit pa mang istorbo. Marami kasi akong napagtanto dahil sa nangyari kay Solenn, una na nga doon ay hindi mo talaga mapipilit ang isang tao na mahalin ka. Kahit kaya mong ibigay sakanya ang lahat ng naisin niya kung hindi ka talaga niya mahal, hindi ka talaga niya mahal. Nakita ko kung paano niya ibuwis ang sarili niyang alang alang kay Max, isang bagay na alam kong hindi niya gagawin sakin.
Maya maya pa, isang katok mula sa pintuan ng silid ko ang narinig ko.
“Bukas 'yan.” saad ko, narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ko at ang yabag papalapit sakin. Narito ako sa mag glass sliding window nakatayo habang tinatanaw ang malawak na Hacienda Aldana.
“This is all my fault..I'm so sorry son.” rinig kong boses ni Dad kasabay ng pagtapik sa balikat ko.“Kung hindi ko ginustong ipagkasundo kayo ni Solenn noon, hindi ka labis na masasaktan. Kung hindi rin kita pinilit na pasukin ang Mafia Org. hindi masisira ang pagkakaibigan niyo ni Max.” malumanay na pagkakasabi ni Dad, ramdam ko naman ang sinsiredad ng paghingi niya ng tawad sakin.
“Ginusto ko rin naman, kaya dapat ko parin sisihin ang sarili ko. Kasi may pagkakataon naman akong tumangi noon. Pero hindi ko ginawa.” saad ko at napangisi na lamang ako habang sinasariwa sa isipan ko ang kagaguhan ko noon.
“Hindi pa huli ang lahat para magbago ka, son. As long as you're still breathing.” nakangiting saad ni Dad at muli akong tinapik sa braso bago s'ya lumabas ng silid ko.
——
<Sandoval's House>
MEGHAN POV
“Wag mo ng tawagan ng tawagan ang kapatid mo. Baka kasama si Max, malay mo nakaisip na mali palang nakipaghiwalay siya.” saad ni Mommy ng mapansin niyang kanina ko pa dina-dial ang numero ni Diana pero cannot be reach parin siya. At aminado akong sobrang nag aalala na 'ko sa kapatid ko. Dahil magmula kagabi, hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwe.
“Pwede ba Mom, kahit ngayon lang. Maging concern ka man lang kay Diana. Hindi puro kasunduan 'yang nasa utak mo. Alam mo, mas ok pa talagang wala ka dito eh. Mas peaceful tignan ang paligid. Doon kana lang sa Casino tumira, kasama ng mga Amiga mong wala rin mabuting maidudulot sa'yo.” inis kong pagkakasabi saka ako tumayo mula sa inuupan ko.
“Meghan saan ka pupunta?” rinig kong sigaw ni mama. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Aalis ako upang hanapin si Diana.
——
<Williamsburg Bridge>
ZANDRO POV
Nandito ako sa isang tulay upang magkaroon man lang ng peace of mind. Matagal tagal ko rin 'tong hindi nagawa magmula ng maging Mafia Boss ako ng Aldana. Wala akong ibang kasama ngayon na bodyguard o tauhan dahil mas gusto kong mapag isa at siyempre makapag unwind.
Tahimik akong minamasdan ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid ng mapansin ko ang isang babae na akmang ihuhulog ang kanyang sarili kaya dali dali ko siyang pinuntahan saka ko siya hinawakan sa bewang niya at hinila palayo sa tulay, kung saan sabay kaming natumba sa semento. Nasa ibabaw ko siyang nakasubsub sa dibdib ko. Nang iangat niya ang ulo niya ay natulala ako sa taglay niyang ganda.
DIANA POV
Dahil sa nalaman ko ay minabuti kong hindi muna umuwe sa bahay. Nagpalipas ako ng gabi sa isang Hotel na malapit sa Eastwood Park. Pagsapit ng umaga naman ay naisipan ko maglakad lakad dito sa instagramable na Williamsburg Bridge.
Kasalukuyan akong nasa gilid ng tuloy ng mahulog ang bracelet ko na regalo pa sakin ni Dad noong nabubuhay pa siya, kaya naman kahit tila buwis buhay ay pilit kong inabot ang bracelet ko. Nagulat na lamang ako ng may humawak sa bewang ko at hilain ako palayo sa tulay. Sabay kaming bumagsak sa semento habang ako ay napasubsub sa dibdib niya ng iaangat ko ang ulo ko ay agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Agad akong tumayo ng mapagtanto ko ang histura naming dalawa.
“Ano bang problema mo!?” inis kong tanong sa lalake.
“Sa totoo lang marami. Pero mukhang mas marami kang problema sa'kin. Miss, kung stress kana sa buhay mo hindi sagot ang pagpapakamatay. Tandaan mo yan!” sermon niya sakin.
“At sino naman ang may sabing magpapakamatay ako? Kinukuha ko lang naman 'to.” sarcastic kong pagkakasabi sabay pakita ng bracelet.“Masiyado kang assuming.” mataray na pagkakasabi ko. Ngumisi lamang siya saka umiling.
“You're so cute.” saad niya.
“You're not funny.” inis kong pagkakasabi.
“Zandro, by the way.” nakangiting saad niya sabay lahad ng kamay niya sa'kin. Z-Zandro?
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...