[TWO DAYS LATER]
<LaVienda Rest House>
SOLENN POV
Makalipas lang ang halos dalawang araw na pananatili sa hospital ay nadischarge narin ako. Sinagot lahat ni Max ang hospital bills ko. At ngayon nga ay hinayaan niya akong dito manatili sa rest house niya para daw mas maalagaan niya ako ng mabuti.
“Wow! Tinolang manok!” saad ni Felix na kararating lang at akmang hihigop ng sabaw ng Tinolang manok na nasa mangkok at naka-patong sa lamesa pero mabilis na hinawakan ni Max ang kamay niya.“Aray aray aray!!” aring ing ni Felix habang nagpipigil ako ng tawa.
“Hindi para sa'yo ang pagkain na 'yan. Kay Solenn 'yan, dahil kailangan niya makabawe ng lakas.” seryosong pagkakasabi ni Max sabay bitaw sa kamay ni Felix.“Ano ba kasing ginawa n'yong tatlo dito?” seryosong tanong ni Max habang tinitignan sila Cielo, Felix at JC.
“Nabalitaan kasi namin na nadischarge na si Ms. Solenn, kaya ayon nag abag abag kami para makabili ng isang basket na prutas at dalhin sakanya.” nakangiting saad ni JC saka nilapag sa ibabaw ng mesa ang fruit basket na may ribbon pa na kulay asul. Nakaka-touch naman.
“Aww so sweet. Thank you so much sa effort niyo.” nakangiting pagkakasabi ko dahil sobrang na-touched talaga ako.
“Sweet? Dinalhan ka lang ng prutas sweet na 'yun para sa'yo? Ako pinaglutuan kita, inalagaan kita sa hospital, naging blood donor mo pa 'ko tapos hindi mo man lang ako sinabihang sweet.” saad ni Max na animoy batang nagtatampo. Agad naman kaming nagtinginan ni Felix, JC at Cielo na bakas sa mukha na nagulat sa naging reaction ni Max. Tumayo naman ako sa inuupan ko at saka pinaharap sakin ang mukha ni Max.
“Baby, you're the sweetest man I'd ever met.” nakangiting pagkakasabi ko. Napansin ko naman na nagpipigil ng tawa sila Felix.
“Talaga?” tila may pagdududa pang tanong ni Max, nakangiti naman akong tumango sakanya. Ngumiti naman sakin ni Max at hinagkan ako sa noo.
“Since naririto na rin naman kayong tatlo, sabayan niyo nalang kaming kumain ng pananghalian.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Totoo ba 'yan Ms. Solenn?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Cielo.
“Don't call me Ms. Solenn, pwede naman Solenn nalang o kaya Britney.” nakangiting saad ko.
“Ok...Solenn.” saad ni Felix.
Nauna akong sinandukan ng kanin ni Max saka ako nilagyan ng ulam sa plato ko. Napansin ko naman sila Felix, Cielo at JC na tila nakaabang din na sandukan sila ng kanin at ulam.
“Bakit?” seryosong tanong ni Max sa tatlo. Ipinakita naman nila ang mga plato nilang wala pang kanin.“Magsandok kayo ng sarili n'yo.” seryosong pagkakasabi ni Max. Ay apaka sungit naman ng baby ko.
——
<Sandoval's House>
MEGHAN POV
“Ikaw Zandro kilala kita, wag na wag mong paiiyakin o sasaktan 'tong kapatid ko. Kasi kahit Mafia Boss ka pa, once na sinaktan mo 'tong si Diana ibang usapan na 'yun. Baka mapatay kita.” seryosong pagbabanta ko kay Zandro habang kaharap si Diana. Narinig ko kasi ang pag amin ni Zandro kay Diana sa totoong pagkatao niya. That was the first time na naging honest si Zandro sa isang babae. Narinig ko rin kanina na nagkakilala na pala silang dalawa noon sa France, I think that was ten years ago.
“Ate..” mahinang saad ni Diana na animoy sinasaway ako.
“Nagpapakatotoo lang din ako Diana, kapag talaga sinaktan ka ng lalakeng 'to malilintikan talaga 'to sa'kin.” seryosong pagbabanta ko habang nakatingin kay Zandro.
“Wag ka mag alala Meghan. Dahil kayo kong magbago para sa kapatid mo. Kaya kong talikuran ang masamang gawin na tila naging bahagi na ng buhay ko para sa kapatid mo.” saad ni Zandro ramdam ko naman ang sinsiredad niya.
DIANA POV
“Nagpapakatotoo lang din ako Diana, kapag talaga sinaktan ka ng lalakeng 'to malilintikan talaga 'to sa'kin.” seryosong pagbabanta ni Ate Meghan habang nakatingin kay Zandro.
“Wag ka mag alala Meghan. Dahil kayo kong magbago para sa kapatid mo. Kaya kong talikuran ang masamang gawin na tila naging bahagi na ng buhay ko para sa kapatid mo.” sagot naman ni Zandro kaya agad ako napatingin sakanya at tumingin din siya sakin. Naku Zandro wag kang ganyan! Marupok ako.
[FLASHBACK]
“What is your ideal man?” nakangising tanong sakin ni Ate habang hawak ang slumbook niya.
“To be honest, I really like bad boy. Mafia Boss?” natatawang sagot ko.
“Mafia Boss? seriously?!” hindi makapaniwalang tanong ni Ate sakin.
“'cause I'm inlove with a criminal.” nakangising saad ko.
[END OF FLASHBACK]
——
<LaVienda Rest House>
MAX POV
Nakita ko si Solenn na nasa balcony nagpapahangin kaya naman agad ko siyang nilapitan at niyakap siya mula sa likod saka ko nilapat ang baba ko sa balikat niya, habang ang kamay ko ay nakapulupot sa bewang niya.
“How's your feeling?” malambing kong tanong sakanya.
“Much better now, 'cause you're here beside me.” malambing din na sagot ni Solenn saka siya humarap sakin, ngunit nananatiling nakalapat ang kamay ko sa bewang niya.“Max..” sambit niya sa pangalan ko.
“Hmm?”
“Do you think, babalik pa 'yung pagkakaibigan n'yo ni Zandro? I found out that the of you used to be friends before.” malumanay na saad ni Solenn.
“After what he did to you, I don't think so.” seryosong sagot ko.
“Pero Max, narinig mo naman 'yung sinabi ni Mommy last day diba? Umatras na siya sa agreement nila ng mommy at daddy ko. Hindi na tuloy ang arranged marriage naming dalawa.” mahinahong paliwanag ni Solenn.“Wag mo sanang hayaan na tuluyang lamunin ng galit yang puso mo. Hindi ko alam kung ano ang naging puno't dulo ng tampuhan niyo bago pa man ako dumating sa buhay mo, pero forgive and forget lang solusyon d'yan. Hindi na kayo pabata ni Zandro, be matured enough. I can be a border between love and hate. Gusto ko kayo ulit makitang magkasundo ni Zandro just like before...” saad ni Solenn.“Gusto ko ulit makita kayong ganito ka-close, tulad ng nasa larawan na 'to.” pagpapatuloy ni Solenn saka nilabas ang isang larawan. Ang lumang litrato namin ni Zandro noong mga bata pa kami.
“Saan mo nakuha 'to?” pagtataka ko.
“Nakita ko yan habang nandoon pa ako sa Hacienda Aldana. Nakalagay yan sa isang kahon kasama ng friendship bracelet n'yo. Siguro nga hindi na kayo madalas na nag uusap gaya ng dati, pero kaibigan parin ang turing niya sa'yo Max. Kung ako man ang isa sa naging dahilan ng pag aaway n'yo, gusto ko rin maging dahilan ng muling pagkakasundo n'yo.” nakangiting saad ni Solenn, hindi ako nagsalita at niyakap lamang siya.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...