SOLENN POV
“But mom!!” pagtanggi ko matapos na sabihin sa akin ni mommy na ipapakasal nila ako sa kaisa-isang anak ni Don Patricio na si Zandro.
“Solenn, h'wag ka ng mag-inarte pa. Kapag natuloy ang kasal ninyo ni Zandro. Mababayaran na namin ng daddy mo ang milyong-milyong utang natin,” aniya ni Mommy, habang ini-impake ang mga gamit ko.
“Kung hindi kayo nalulong sa pagka-casino ni Daddy, hindi naman tayo mababaon sa utang eh. Tapos ako pa 'yung gagawin niyong pangbayad?”
“Anak, wag ka ng komontra sa desisyon namin ng mommy mo. Isa pa, siguro naman akong magkakasundo kayo ni Zandro at---”
“Magkakasundo? eh hindi ko pa nakikita ang taong 'yan kahit anino niya.” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Akala ko ba gusto mong makatulong samin ng daddy mo na mabayaran ang mga utang nat--”
“Oo sinabi ko 'yun, pero wala akong natatandaang sinabi kong ipangbayad niyo 'ko!” mataas na tono ng boses ko at padabog akong lumabas ng kwarto.
“Solenn, saan ka pupunta?!” pagtawag sakin ni Mommy ngunit hindi ko na siya inintindi at saka ako nagmamadaling bumaba ng hagdan.
Pagdating sa sala, nadatnan ko ang dalawang lalake na nakaupo sa sofa. Ang isa ay maedad na at sa tingin ko ay nasa 70's na, siya ay si Don Patricio. At ang kasama niyang lalake na siguro ay hindi nalalayo sa edad ko, marahil siya ay si Zandro. Hindi ko maipagkakailang gwapo siya, ngunit gayon pa man ayaw kong makasal sa lalakeng hindi ko pa lubusang kilala.
“Ikaw ba si Solenn? ang aking soon to be wife?” nakangising tanong ni Zandro sakin.
“Hindi ako si Solenn, kasambahay lang ako dito.” sarcastic na pagkakasabi ko, paalis na sana ako ng muli siyang magsalita.
“Napakagandang kasambahay mo naman pala.” saad niya.
“Oh! Don Patricio at Señorito Zandro, naririto na pala kayo. Siya nga pala, ito ang aming anak na si Solenn.” pagpapakilala sakin ni Mommy. Sa tono palang ng boses ni mommy, halatang plastic na.
“Wag niyo na po akong tawaging Señorito, Zandro nalang po. Mommy.” nakangising saad ni Zandro ng lumapit siya kay Mommy. Saka siya bumaling ng tingin sakin, kaya agad ko siyang tinaasan ng isang kilay.
“Naku iho, nakakatuwa ka talaga. Oh siya, ikaw ng bahala sa anak ko. Solenn, wag kang mag alala ayos lang kami ng da---”
“Ayos? magiging ayos talaga kayo. Ipang-bayad utang niyo ba naman ako eh.” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Soleen!”
“Hindi ko pa lubusang kilala ang lakakeng 'to. Tapos gusto niyo agad akong ipakasal sakanya? nag-iisip pa ba kayo? palibhasa puro pera lang ang nasa isip niyo!” mataas na tono ng boses ko ngunit isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko.
“Hindi mo na kami iginalang ng daddy mo!” pagngingitngit sakin ni Mommy matapos niya akong sampalin.
“Kung hindi pa handa si Solenn, wag natin pilitin.” malumanay na saad ni Zandro.
“H-Hindi, Zandro. Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal niyo ng anak ko. Kaya sa ayaw man niya o sa gusto, matutuloy ang kasal!” saad ni Mommy.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...