<Hacienda Aldana>
MEGHAN POV
Pasado alas-sais ng gabi ng dumating ako sa Hacienda Aldana, kung saan sinalubong ako ni Gregor.
“Buti naman Meghan, dumating kana. Kanina pa iniintay ni Boss.” bungad sakin ni Gregor ng bumaba ako ng kotse.
“Totoo bang bumalik na si Solenn?” tanong ko.
“Oo, ayon nga siya oh!” saad ni Gregor sabay turo sa babang nasa balcony. She's wearing blue split flutter sleeve and white A-Line skirt.
“That's good then. Mabuti naman at binalikan niya na si Zandro.” saad ko habang hindi inaalis ang tingin ko kay Solenn.
“Hindi naman babalik sana yang si Ms. Solenn kung hindi binantaan ni Boss Zandro si Max.” nakangising saad ni Gregor kaya agad akong tumingin sa kanya.“Si Max kasi ang tumulong kay Ms. Solenn na makapagtago.” pagpapatuloy ni Gregor. Nang marinig ko 'yun ay tila nagpantig ang tenga ko. Siya pala ang dahilan kaya tuluyan nanabang si Max sa kapatid ko.
SOLENN POV
Nandito ako sa balcony, lumalanghap ng sariwang hangin. Habang nasa isipan ko si Max. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kamusta kaya ang sugat niya? Kumakain kaya siya sa tamang oras?
“Welcome back, Solenn.” rinig kong boses ng isang babae kaya agad akong lumingon sa likod ko. How did she know my name?“Hi, I'm Meghan. Business partner ng fiance mong si Zandro.” pagpapakilala niya sa sarili niya sabay lahad ng kamay niya. Who cares? Tinignan ko lang siya ng seryoso ngunit hindi ko inabot ang kamay niya, kaya naman binawe niya na agad 'yun.“Wag kang matakot sakin Solenn, hindi naman ako nananakmal.” nakangising saad ng babae na nagngangalang Meghan.
“Pasensya kana, ang hirap kasi magtiwala.” sarcastic kong pagkakasabi.
“Talaga ba? Kaya pala nagtiwala ka agad kay Max?” sarcastic na tanong ni Meghan sakin. He knows Max?
“Kung ikokompara naman kay Zandro, mas katiwa-tiwala naman si Max.” depensa ko.
“Ok, no comment. Oh by the way, pinapunta pala ako dito ni Zandro sunduin ka. May supresa kasi siya sa'yo.” nakangiting saad ni Meghan at wala ako ibang nagawa kundi ang sumama sakanya.
——
ZANDRO POV
“Vincent, nakita mo ba si Solenn?” seryosong tanong ko sa tauhan kong nasalubong ko sa labas.
“Kasama siya ni Meghan, Boss.” sagot ni Vincent. Dumating na si Meghan? At bakit sila magkasama?
“Bakit sila magkasama?” pagtatakang tanong ko.
“Hindi ko alam Boss, pero papunta yata sila sa HQ.” saad ni Vincent kaya nagduda na 'ko. Anong gagawin nila doon? At bakit siya kailangan dalhin doon ni Meghan?!
Agad akong umalis at tinungo ang HQ na ilang lakad lang mula dito. Ano bang pinaplano ng Meghan na 'yun?!
——
SOLENN POV
Pumasok kami sa isang pintuan, ewan ko ba pero hindi ako komportable. Nauuna akong maglakad habang nasa likuran ko si Meghan.
“Bakit tayo nandito?” pagtatakang tanong ko saka ako lumingon sa likod ko. Nakita kong tumigil din sa paghakbang si Meghan saka siya ngumisi sakin. She's creepy..
Hindi nagsalita si Meghan at agad akong tinutukan sa ulo ng hawak niyang Caliber 45.
“Put that gun down!” rinig kong boses ng isang lalake nanggaling sa likod—si Zandro. Agad naman lumingon si Meghan. Habang ako ay nanginginig parin dahil sa takot. Agad naman ibinaba ni Meghan ang hawak niyang baril na kanina ay nakatutok sakin. Saka ako agad na pinuntahan ni Zandro.
“Are you ok? Did she hurt you?!” may pag aalalang tanong ni Zandro habang sinisipat ang braso at magkabilang pisngi ko. Agad naman akong umiling.
“Mag usap tayo mamaya.” seryosong pagkakasabi ni Zandro kay Meghan, saka ni Zandro hinawakan ang kamay ko at agad lumabas ng pintuan. Para bang may sariling pag iisip ang mga paa ko at sumusunod 'to sa bawat hakbang ni Zandro.
ZANDRO POV
“Bitawan mo na ang kamay ko.” seryosong utos ni Solenn kaya naman agad akong bumitaw mula sa pagkakahawak sa kamay niya.“Stop acting like you care. For sure, you planned all of this. Para ano? Magmukhang mabait ka sa panangin 'ko? Alam kahit lumagok ka pa ng holy water, demonyo ka parin.” sarcastic na pagkakasabi ni Solenn at agad na nagwalk out.
——
MEGHAN POV
“Zand---” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko matapos akong sikmuraan ni Zandro dahilan upang mamilipit ako sa sakin. Hindi pa s'ya nakontento at sinampal ako ng ubod ng lakas napasubsub ako sa sahig.
“Subukan mo lang na ulitin ang ginawa mo kanina kay Solenn, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka!” panggigigil na pagbabanta ni Zandro sakin at ngumisi lamang ako sakanya.
“Ang dami mong satsat, bakit hindi mo ituloy? Go! kill me!” paghahamon ko kay Zandro.
“Wag ka mag alala, mapapatay din kita. Pero hindi pa sa ngayon, dahil marami pa akong kailangan sa'yo.” huling salitang binitawan ni Zandro before he left.
——
<Sandoval's House>
DIANA POV
Dahil sa inis ko kay Mommy at minabuti kong magkulong nalang sa kwarto ko. Gusto ko ng kausap kaya naisipan kong tawagan si Ate Meghan, pero napalingon ako sa gawing kanan ko ng marinig ko ang pagriring ng cellphone ni Ate Meghan. Naiwan niya pala ang cellphone niya dahil siguro sa pagmamadali niya. Kinuha ko ang cellphone ni Ate at inopen 'to. Hindi kasi sakin pinapahawak ni Ate ang cellphone niya, kaya naman sobrang curious ako sa kung ano bang meron sa cellphone niya na hindi ko pwede makita. Aksidente ko napindot ang message inbox ni Ate sa cellphone niya. Kung saan bumungad sakin ang conversation nilang dalawa ng nagngangalang 'Zandro'.
'300kg of Shabu, Cocaine and Party Drugs'
'Php7,786,007'
'Deal'
“A-ano 'to? B-bakit?!...” napatakip na lamang ako ng bibig ko. Habang namumuo na ang luha sa mata ko agad ko narin nabitawan ang cellphone ni Ate sa pagkabigla.
BINABASA MO ANG
The Border Between Love and Hate
ActionUpang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patricio na si Zandro sa pag aakalang 'yun ang makakatulong sa kanila. Ngunit lingid sa kaalaman ni Sole...