CHAPTER 10

355 24 0
                                    

SOLENN POV

Ang tumagos na sikat ng araw mula sa kapis na bintana sa kwarto ang siyang nagpagising sakin.

“Rise and shine..” saad ko kasabay ng pag uunat at hikab. Hanggang sa matulala nalang ako matapos kong maalala ang panaginip ko kagabi, hinagkan daw ako ni Max sa noo. Jusko pati ba naman sa panaginip ko hindi n'ya 'ko nilulubayan.

Agad na 'kong bumangon saka niligpit ang hinigaan ko saka ako dumiretso sa banyo upang makapaligo. After I take a bath, nagtungo na ako sa kusina upang makapaghanda ng almusal. Ako lang naman mag isa dito eh, ok na siguro kahit kape nalang at 'yung tinapay doon sa ref. o pwede naman mag fried rice nalang ako.

Pag dating sa kusina, nagulantang ako ng makita ko si Max na nagluluto ng almusal.

“K-kanina ka pa dito?” pagtatakang tanong ko.

“Oh! gising kana pala, good morning.” nakangiting pagbati niya. OMG he's sick again!“Kararating ko lang.” pagpapatuloy niya. Agad ko naman siya tinignan mula ulo hanggang paa. Weird...bakit iisa lang 'yung suot ni Max ngayon at ng makita ko siya sa panaginip 'ko.

MAX POV

Alas-singko palang ng umaga ay gumising na 'ko upang paghandaan ng almusal si Solenn. Para pag gising niya, kakain na lang siya. Kasalukuyan ako nag gigisa ng sibuyas at bawang ng marinig ko ang boses ni Solenn kaya agad akong lumingon.

“K-kanina ka pa dito?” nagtatakang tanong niya.

“Oh! good morning, gising kana pala.” nakangiting pagbati ko.“Kararating ko lang.” pagsisinungaling ko, agad naman niya ako tinignan mula oo hanggang paa na animoy nagtataka.“Why?” nagtatakang tanong ko rin.

“Sigurado ka bang kararating mo lang? Wala ka ba dito sa bahay kagabi?” tila naguguluhan niyang tanong.

“Ano naman ang gagawin ko dito kagabi?” seryosong tanong ko.

“W-wala. Akala ko lang kasi dumating ka kagabi. But never mind.” nakangising saad ni Solenn.“Anong niluluto mo? Ang bango ah.” tanong niya saka lumapit sa niluluto ko kaya medyo umiwas ako ng kunti habang pinagmamasdan siya.“Bakit nga pala ang aga mo magpunta dito? Mag a-alas sais palang ng umaga ah.” nagtatakang muling tanong ni Solenn sakin. Ano ba dapat kung isagot na hindi niya 'ko mabubuko?

“M-may dinaan lang ako sa kabilang bayan. Tapos naisipan ko ng magpunta dito. Tulog ka pa kaya hindi na kita ginising. Kaya naisipan ko nalang paglutuan ka ng almusal.” palusot ko na sana makalusot.

“Ah ganun ba, eh sinong dinaanan mo? Yung fiance mo ba? Yung nagpunta noon sa kampo?” maintrigang tanong ni Solenn. Pinatay ko muna ang apoy ng kalan bago ko sinagot ang tanong niya.

“Si Diana ba ang tinutukoy mo?” tanong ko.

“Bakit, may iba ka pa bang fiance bukod sakanya?” sarcastic na tanong ni Solenn.

“Maybe she's my fiance. But I don't like nor love him. She's like a younger sister for me. For almost 7years of being engaged, hindi ko siya natutunang mahalin. Mabait naman si Diana at girlfriend material din, kaso hindi talaga siya yung tipo kong babae.” pagki-kwento ko.

“How could it be possible na 7years kayong engaged pero hindi mo siya mahal? Like seriously? Hindi ka man ka man lang ba nakakaramdam nat konsensya o awa sa kanya?” saad ni Solenn. Umiling naman ako.“Idiot.” sambit niya.

“Mga magulang ko at magulang lang naman niya ang may gusto na yayain kong pakasalan si Diana. Kahit naman ever since ay bilang nakababatang kapatid lang ang turing ko sakanya. Tulad sa'yo, pumayag ka na maging fiance karin ni Zandro kahit wala kang nararamdaman sakanya.” mahinahon kong paliwanag at hindi na nakasagot pang muli si Solenn.“Hindi naman kasi kayang turuan ang puso kung sino ang dapat nating mahalin. Magugulat ka nalang isang araw hindi na siya maalis sa isipan mo, tapos kapag naiisip mo siya bigla kana lang mapapangiti. Yun pala umiibig kana.” saad ko habang nakatitig sa mga mata ni Solenn na animoy nangungusap.

SOLENN POV

“Hindi naman kasi kayang turuan ang puso kung sino ang dapat nating mahalin. Magugulat ka nalang isang araw hindi na siya maalis sa isipan mo, tapos kapag naiisip mo siya bigla kana lang mapapangiti. Yun pala umiibig kana.” saad ni Max habang nakatitig sakin. Pakiramdam ko habang nakatitig siya sa mga mata ko ay bumabagal ang takbo ng oras, agad ko na lamang iniwas ang tingin ko. Mahirap na, baka ma-fall ako sa taong 'to.

“Mas mabuti siguro kung kumain nalang tayo ng niluto mo. Gutom narin ako.” pag-segway ko saka ako ngumiti sakanya. Agad naman siyang tumango.

——

Habang kumakain kami ay palihim ko siyang tinitignan kapag hindi siya nakatingin sakin. Habang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat ma-fall sakanya. Dahil wala rin naman 'yun patutunguhan. It's either siya ang masasaktan sa huli o ako, kaya mas mabuting ngayon palang pigilan ko na ang sarili kong mahulog sakanya. Isa pa, parehas kaming dalawang engaged na...engaged sa taong hindi namin mahal. Ako bilang pangbayad utang ng mga magulang ko, habang si Max naman ay dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang at ng magulang ng babae.

Siguro ang pagkakaiba lang namin ay parehas naming hindi mahal ni Zandro ang isa't isa, samantalang si Max...alam kong mahal na mahal siya ni Diana, hindi naman 'yun magtitiyaga ng pitong taong engaged kung hindi talaga mahal ni Diana si Max. Ngunit tulad nga ng sinabi ni Max, hindi naman talaga natuturuan ang puso na magmahal dahil kusa mo 'tong mararamdaman sa isang tao.

<Military Camp>

DIANA POV

Nagtungo ako dito sa kampo upang bisitahin ang fiance kong si Max, dala ang isang wine. Medyo mahilig kasi si Max sa mga imported na wine na gawa pa sa Spain.

“Where's Max?“ tanong ko sa tatlong sundalong nakasalubong ko, agad naman sila nagtinginan.

“Umalis si Lieutenant.” saad ng isa mga ito.

“Where did he go?” mahinahon kong tanong.

“Ah pasensya na Ms. Diana, hindi rin kasi namin alam. Pero baka pabalik na rin yun dito..” saad ng isa.“Oh! ayan na pala si Lieutenant eh.” nakangising pagpapatuloy niya sabay turo sa kararating lang na Military vehicle at agad ko 'yun sinundan ng tingin. Maya maya ay bumaba narin siya ng sasakyan at agad sumaludo sakanya ang tatlong sundalong nakausap ko.

MAX POV

Pagpasok palang ng main gate ng kampo ay nakita ko na si Diana na kausap sila Private First Class Lorenzo. At ng bumaba na sa military vehicle ay agad silang sumaludo sakin, nakita ko naman si Diana na nakangiting naglalakad papalapit sa'kin bitbit ang isang tila paperbag na lalagyan ng wine.

“Hi love...” nakangiting pagbati ni Diana saka 'to humalik sa pisngi ko.

“What are you doing here?” seryosong tanong ko.

“I just miss my handsome fiance so I came here to see you. Sounds sweet right?” nakangiting saad ni Diana.

The Border Between Love and HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon