MNGS 6

1.7K 61 0
                                    

"I WANT you to give me Tristan!"

Bigla akong napatayo nang isang magandang babae ang lumitaw sa harapan ko. Mahaba ang kulay pula niyang buhok at may pagka-tsinita ang mga naka-blue contact lens na mga mata. Kilala ko siya pero hindi niya ako kilala. Isa siyang popular na modelo ng isang magazine.

"B-Bakit? Sa 'yo ba si Tristan?" wala sa sarili kong tanong.

"I beg your pardon?" kunot-noong sabi niya.

"Uhm..." Naumid bigla ang dila ko. Ano ba namang klaseng tanong iyon? Hindi na tuloy ako makapagsalita sa harapan niya.

"Hi. I'm Zahara Hizon," pagpapakilala niya. Kahit hindi naman niya sabihin kung sino siya ay makikilala ko pa rin siya. Na-front page na siya ng ilang ulit sa magazine.

"You're his secretary?" Dumapo ang mga mata niya sa damit ko. Masikip na puting longsleeve blouse at mahabang palda ang suot ko ngayon.

Ngumisi siya. Ano kaya ang nasa isip niya at parang nakakainsulto ang ngisi niya?

"There you are!"

Kararating lang ni Tristan at may dala itong dalawang cup of coffee. He's wearing a mint green polo and dark pants. Simple as he is pero kaya pa ring pakabugin ang puso ko. Lumunok ako at nag-iba ng tingin. Nakasisilaw ang kaguwapuhan niya.

"Was that for me? Why, you're so sweet Tristan." Tumunog ang mga takong ng sapatos ni Zahara nang makalapit siya kay Tristan sabay kuha ng kape.

"Well..." Tumingin sa akin si Tristan.

Inibang direksyon ko ang tingin. I took my notepad and opened a blank page. Isinulat ko roon ang pangalan ng babaeng bigla na lang pumasok sa opisina ng Head Architect. Hindi ko naman maaaring pigilin dahil ayon na rin kay Tristan, he doesn't follow his schedules and he accepts personal visitors anytime. A visitor who's sexy and sophisticated as Zahara Hizon. Sino'ng makatatanggi sa ganyang bisita?

Narinig ko ulit ang mga tunog. Hindi ko maintindihan pero medyo naiirita ako sa mataas na takong ng sapatos ni Zahara. Maingay sa tainga ko.

Hindi ko maiwasan na marinig ang pag-uusap ng dalawa. By the time I've finish typing a one page document, I already knew something was going on between them. Ayaw ko man maramdaman, pero naninibugho ako. Hindi ko dapat ikinukumpara ang sarili sa mga babae ni Tristan. Wala naman ako sa kalingkingan nila. Zahara can make him laugh. Nagagawa rin niyang hawakan ang braso ni Tristan at hilahin palabas ng opisina.

Sumandal ako sa silya ko paglabas nila para kumain sa labas. Feeling ko ay ngayon lang ako nakahinga ng maayos. Masyado silang sweet. Kaya naninikip ang dibdib ko at hindi dapat ito.

Buong maghapon ay hindi ko alam kung ano ang iaakto habang nasa paligid sina Tristan at Zahara. Lalo na at ipinaalala sa akin ni Tristan kahapon kung gaano ako nagkandarapa noon sa kanya.

Pumikit ako sandali upang tanggalin sa isip si Tristan. Magdadalawang araw pa lang ako rito sa loob ng opisina niya pero pakiramdam ko ay hindi na 'ko tatagal. Bakit kasi siya pa ang naging boss ko?

Hindi na ako nagpaalam kay Tristan nang sumapit ang alas-singko ng hapon. Busy rin naman sila. Umuwi ako na pagod ang isip at katawan. Doble pa kaysa noong si Mr. Horacio ang boss ko.

Isinuksok ko ang susi sa seradura ng pinto sa apartment ko at nagulat dahil nakabukas na iyon. Pinasok yata ako ng magnanakaw. O baka nakalimutan ko lamang i-lock ang pinto bago ako umalis kaninang umaga?

I gently pushed the door and my jaw dropped in an instant. There's a stranger lying on my grey couch. Hindi ko kilala ang lalaki. Pero nang makita ko si Julie na may dalang tray at sa kabilang kamay ay bote ng beer, alam ko na kung bakit ganoon ang senaryong nadatnan ko.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon