MNGS 11

1.7K 50 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong gumayak. Hindi pa tumitilaok ang manok ay nasa biyahe na ako. I really need this job and I don't want to be late again. I have to repay the —quote and quote— million dollar transaction we lost and that is by being Tristan's Personal Aide.

In and out of his office.

I could still remember what he said. I don't know the exact details but, there's this fear.

Natatakot akong mapalapit sa kanya. I need to accept this so-called promotion. Bukod sa wala naman akong ibang choice, iyon ay dahil gusto ko rin. Gusto ng isip ko. Ng katawan ko. Kahit alam kong maaari na naman akong mahulog sa kanya.

Wala na rin naman akong magagawa. Kung sana puwede akong makiusap sa Mr. Salazar na iyon.

Tumunog ang hudyat sa elevator at agad akong lumabas para tunguhin ang opisina. Tahimik ang buong silid pagdating ko. Nasa kani-kanila nang cubicle ang mga kasamahan ko. Si Kai lang ang tumango at kumaway sa akin bago ako tuluyang pumasok sa silid ni Tristan. Nagtataka marahil sila kung bakit nandito pa ako hanggang ngayon.

Nakasubsob sa harap ng kanyang laptop si Tristan pagpasok ko. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ano ba? Secretary lang naman ako!

Magtatanghali na ngunit isang beses pa lamang akong inutusan ni Tristan. Iyon ay ang gawan siya ng coffee. Nasa harapan naman niya ngayon ang mga blue print. Kunot ang kanyang noo at pandalas ang pagta-type sa keyboard ng kanyang laptop. Hindi rin dumarating si Zahara. I wanted to talk to him about yesterday but he's too busy.

Tatayo na sana ako para mag-order ng lunch niya nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Lumabas ang number ni Julie kaya nagtaka ako. Ilang ulit pang nag-vibrate iyon ngunit hindi ko pa rin sinasagot.

"You're just staring at your phone, Lyna," Tristan said. Hindi ko napansin na nakamasid na siya sa akin at nakatigil siya sa ginagawa. Kinalma ko ang sarili. Nagtama kasi ang aming mga mata pero mabilis akong nakaiwas.

Pinindot ko ang ekis kaya tumigil ang paggalaw ng phone. Ano na naman ba kasi ang gusto ni Julie? Hindi naman ako sapat para sa kanya. Iyon ang sabi niya, 'di ba?

Inayos ko ang bag para bumaba at makabili na ng pagkain namin ni Tristan nang muling mag-vibrate ang phone. Muli ko lang iyon na sinulyapan at saka isinukbit ang shoulder bag ko. Nagmadali ako. Hindi man lang nag-break si Tristan at siguradong gutom na siya.

"Labas lang ako, Sir," paalam ko.

Umangat ang tingin ni Tristan. Salubong ang mga kilay niya nang tingnan ako. His job as the Head Architect must be stressing him so much.

"Mabilis lang," sabi ko ulit. Tinalikuran ko na siya dahil hindi pa rin tumitigil ang phone.

Tiniis kong huwag sagutin si Julie. Sa halip ay pinatay ko na lang ang cellphone ko. Nakokonsensiya man ako pero nasaktan kasi ako sa sinabi niya. Wala man lang akong halaga sa kanya. Mas gusto pa niyang sumama sa France na iyon na kakakilala lang naman niya. Kailangan ko siyang tiisin kahit ngayon lang. Maisip man lang niya na nasaksaktan din ako na anak niya.

Natagalan ako sa pagbili ng pagkain namin ni Tristan. Lumabas pa kasi ako instead na sa canteen bumili ng pang-lunch namin. Mahaba ang pila sa Chinese Restaurant na pinuntahan ko at saka niluto pa ang mga pagkain.

Pumasok ako nang elevator at pinindot ang numero ng floor kung saan ang opisina ni Tristan. Namataan ko si Kai papasok ng lobby at kumakaway sa akin. As a courtesy, pinindot ko ang elevator door control para hintayin siya.

"Hi Lyna," bati niya agad sa akin. Sa kamay niya ay dalawang cup of coffee na nakalagay sa carrier habang sa isang kamay naman ay malaking paper bag na may tatak ng pangalan ng isang food store.

Ngumiti lang ako at binigyan siya ng espasyo. Gumalaw ang suot niyang lanyard at sumabit sa butones ng suot niyang polo.

Tahimik lang kami. Alam ko naman na pinag-uusapan nila ako. Palagi naman, eh. Ngayon pang wala na si Daria. Wala na akong kakampi. Ayoko rin na magkunwari na okay ako sa kahit sino sa kanila.

Ilang floor na lang nang magsalita si Kai. "Uh, Lyna..." Tumikhim muna siya. "Sama ka mamaya? Dine out kasama sina Andrea?"

Sandali akong nag-isip. Hindi ko alam kung nakikipaglapit ba talaga siya sa akin o naaawa lamang? Inayos ko ang suot na salamin.

"Sige. Check ko schedule ko," sabi ko sa kanya.

"Join ka na. Para kumpleto tayo."

Matagal na rin naman akong hindi lumalabas. Bahay-opisina lang ako palagi. Pero paano kung tumawag si Blue?

Ipinilig ko ang ulo. This is not the time to think about my other job. Napatingin ako sa suot niyang ID. Sinundan niya ang mga mata ko.

"Puwedeng pakiayos?" nakangising tanong niya.

Ngumuso ako. Hindi naman kami close para utusan ako.

"Please?" sabi niya ulit. Ipinakita niya sa akin ang mga dala sa magkabilang mga kamay.

I scoffed. Ayusin ko na lang para wala nang mahaba pang usapan. Ngiting-ngiti siya habang hawak ko ang ID niya. Nasa ganoon kaming ayos nang bumukas ang elevator.

Saktong nakatayo roon si Tristan. Nakita niya kami at agad nanliit ang kanyang mga mata.

Tila napaso akong nabitiwan ang lanyard sa leeg ni Kai. Nakaayos na iyon pati na ang butones niya.

Akala ko ay sasakay si Tristan sa elevator kaya naroon siya. Pero bigla niya kaming tinalikuran. Mabibilis at malalaki ang mga hakbang niya.

Awtomatikong napatakbo rin ako para sundan siya. I heard Kai called me pero iniwan ko na siya at dumiretso sa opisina ng Head Architect.

Pagpasok ko roon ay wala sa kanyang desk si Tristan. I looked around and saw the open door at the pantry. Siguradong nandoon siya.

Umiinom ng tubig si Tristan pagpasok ko ng pantry. Mabilis akong kumuha ng mga pinggan upang ihain ang binili kong lunch para sa aming dalawa. Naramdaman ko ang mga mata niya na pinanonood ako. Bigla tuloy akong na-conscious lalo na at napakaliit lamang ng espasyo sa loob ng pantry.

Tumalikod ako upang kumuha ng mga kubyertos nang bigla na lamang niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Agad na kumabog ang dibdib ko. Mainit ang palad ni Tristan at may dala itong kilabot na dumaloy sa mga ugat ko.

"S-Sir?" Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Pakiramdam ko ay tumatagos ang mga tingin niya sa buo kong kaluluwa.

"I hate to say this but..." Humigpit ang hawak niya sa akin. "Huwag mong haluan ng personal na bagay ang pagtatrabaho. Courtship, or any indecent behaviors are not allowed inside my office." Binitiwan niya ang kamay ko.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumabas at iniwan akong nalilito.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon