MNGS 35

1.1K 45 2
                                    

OWEN Dalmasio was thrown into prison. Marami pala siyang kaso. Patong-patong na. At nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ako napaniwala ng hayop na iyon. Sinaktan niya si Julie. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Inilabas na rin mula sa ospital si Julie. Ginamot ang mga sugat niya at binigyan ng mga reseta. Sa makalawa ay pupunta siya sa Psychiatrists upang magpa-therapy. Lahat iyon ay gastos ni Tristan.

Nagpapahinga na sa kuwarto si Julie nang matagpuan ko si Tristan na naghihintay pa rin sa sala. Nasa kanyang mga bulsa ang mga kamay niya. Pinanonood niya ang larawan naming pamilya na nakasabit sa dingding.

"Hindi ko alam kung paano magpapasalamat, S-Sir..." May bumara sa lalamunan ko. Napakalaki na ng utang ko sa kanya.

"Tayong dalawa lang dito, Lyna." Nilingon niya ako. Kasama namin siya nang mag-report kami sa pulis, sa ospital hanggang pabalik dito sa apartment ko. Hiyang-hiya ako sa nakita niyang gulo ng pamilya ko. God, how can I face him like this?

Kinagat ko ang labi ko nang tanggalin niya sa kanyang bulsa ang mga kamay at makita ko ang nakabenda niyang daliri. Nagkasugat siya dahil sa pagtatanggol sa amin. Paano kaya kung hindi niya ako sinundan? Baka pareho kaming napahamak ni Julie.

"T-Tristan..." Lumunok muna ako. "Sabihin mo lang kung may kailangan kang ipagawa. Kahit ano, gagawin ko. Makabayad lang sa mga kabutihan mo sa aming mag-ina..."

Yumuko ako. Pinipigilan ko naman subalit makulit ang mga luha ko. Umagos na lang sila kahit ayaw ko sanang makita iyon ni Tristan.

"Your not just my employee, Lyna. Bakit iba pa rin ang tingin mo sa 'kin?"

Hindi ako nakapagsalita. Ano nga ba ang relasyon naming dalawa? Boss ko siya. Pero nahalikan na niya ako. Tinutulungan niya ako. Nandito siya ngayon. Dinamayan ako, ipinagtanggol at hindi iniwan. Paano ako ngayon makaaahon sa mga utang na loob ko sa kanya? At paano na hindi tuluyang mahulog sa kanya?

"Sa susunod, huwag mo na 'kong tatakasan. Kung may problema ka, hindi mo kailangang solohin iyon."

"Nakakahiya ang nakita mo..." Halos hubad ako, at si Julie...

Lalo akong naiyak. Suminghot na ako dahil hindi ko na mapigilan.

Huli na para magprotesta. Bigla niya akong kinabig sa kanyang dibdib. Sumalubong sa akin ang kanyang bango. Naramdaman ko ang init niya. Gusto ko siyang sisihin kung bakit siya ganito. Dahil kahit sinong babae ay magkakagusto talaga sa kanya. Lahat ng katangiang hanap ko ay taglay niya.

"Stop crying. You're safe now," he whispered.

Hinaplos ng kanyang mga salita ang puso ko. I finally know this isn't just a feeling of admiration. Not that I'm infatuated with him. Alam ko, mas higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon.

"S-Salamat Tristan. M-Masusuklian ko rin ang lahat ng ito..." Hinayaan ko ang mga kamay ko na yakapin siya. Hinayaan ko na yakapin niya ako ng mahigpit.

I heard his soft laughter that touched my heart. "You can keep the change, Lyna."

I hugged him tighter. Suminghot ulit ako.

"But I might ask you something in the future that you have no other choice but to say, yes."

Tumawa ako kahit tigmak pa rin ng luha. Ilang sandali kaming ganoon ang ayos. Hindi niya ako iniwan hanggang makalma ang kalooban ko.

I stayed with Julie. Hindi ko siya maaaring iwan. Pagod pa rin ang isip at katawan ko hanggang dumating ang araw ng therapy ni Julie. The doctor recommended her to stay in the institution for some more test. Hindi ko alam kung hanggang kailan iyon kaya sobrang sumasakit ang dibdib ko kapag naaalala ko nang maghiwalay kami ni Julie. She assured me that she'll be fine. Hindi ko pa rin matanggap na pagdadaanan niya ito. Kasalanan ko. Sana ay nabantayan ko siya. Sana ay hindi ito nangyari sa kanya.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon