MNGS 29

1.1K 51 2
                                    

DINIG na dinig sa buong silid ang lagitik ng mga daliri ko sa keyboard. Buong maghapon akong nagtrabaho. Maging si Tristan ay tutok sa ginagawa nila ni Zandro. Pumasok pa nga si Kai at Ferrer para ayusin ang mga pinagagawa ni Tristan. May malaking project silang dini-design kaya halos wala ng panahong mag-break.

Nalipasan na rin ako ng gutom. Tubig lang ang naging laman ng tiyan ko. Wala rin naman akong gana dahil lutang ang isip ko pagkatapos ng mga sinabi ni Tristan.

Hanggang mag-aalas tres ng hapon nang may napansin akong naglagay ng burger at softdrinks sa table ko. Napatigil ako sa pag-e-encode at nag-angat ng tingin. Saktong tumalikod si Tristan at bumalik sa puwesto niya saka tinapik si Zandro na kumakain na rin ng burger niya. Kinindatan pa ako ni Zandro at pati si Ferrer ay nakangisi.

What is this? Peace offering? Is this his way of accepting my apology? Tumalon ang puso ko. Gusto kong magpasalamat sa simpleng gesture na iyon pero naumid ang dila ko. Ugh! Bakit napakadaling lumambot ng puso ko pagdating kay Tristan?

Isang oras pa ang nagdaan nang lumabas sina Zandro dahil may iniutos si Tristan. Nanatili si Kai sa dati ay bakanteng work station at may ginawang design doon na pamaya't-maya ang pag-che-check ng Head Architect.

I saw Tristan went to the pantry. Ewan ko pero parang nakahinga ako ng maluwag pagtalikod niya. Kanina ko pa yata pinipigil ang paghinga ko.

Napansin iyon ni Kai. "Busy day, Lyna?"

Nilingon ko siya. "Oo nga," sabi ko. Bahagya akong napasandal sa upuan ko.

"May bagong bukas na resto sa tapat, ah. Na-try mo na?" tanong niya.

Umiling lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

"Gusto mong subukan? Labas tayo mamaya?"

Napatingin ako kay Kai. Itinigil niya ang ginagawa at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Naniniwala ako sa 'yo, alam mo ba?" Hinagod niya ang kanyang buhok.

Hindi ako kumibo at hinintay siyang ipaliwanag ang ibig sabihin.

"Naniniwala ako sa 'yong wala kang gusto kay Sir. Alam kong wala kang oras sa mga kagaya niya na... alam mo na. Maraming babae. Gusto mo sa mga loyal na lalaki. Tama ako 'di ba?"

Napatanga ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan galing iyon. Dapat ko ba siyang sagutin?

"I get it now, Lyna. You have insecurity issues. Parati ka na lang umiiwas sa mga tao. Hindi ko kilala 'yong lalaki na nasa cellphone mo pero alam ko, siya ang dahilan kaya ganyan ka."

I blink my eyes several times. Kai was nosing around in my personal life. How did he get to know about Dave? Imposibleng sinabi iyon ni Daria sa kanya.

"Pumayag ka na. Labas tayo. Isa pa, miss na kitang kausap. Mas gusto kong makinig sa mga kagaya mong may sense kaysa kina Andrea."

"Kai, wala kasi—" Wala kasi akong panahon sa katulad mong may pagkapakialamero! Iyon ang gusto kong idugtong sana pero may pumutol sa sasabihin ko.

"Lyna is busy, Mr Fuentes. You're impeding her job."

Napasinghap ako sa kinauupuan. Nagkamali pa nga iyong pindot ko sa mouse kaya nag-close ang isang tab.

"Ah, sorry Sir," napapahiyang sabi ni Kai. "May tinatanong lang ako kay Lyna."

Napatingin ako kay Tristan. He did not say anything but frowned. He went back to his station and continued working.

Ilang minuto siyang parang hindi mapakali sa ginagawa. May nilukot at itinapon pa nga siyang mga tracing paper.

"Sir, kunin ko lang iyong overlay plan," paalam ni Kai.

Nakita kong tumayo si Kai at saka lumabas.

Padabog akong nilapitan ni Tristan. Ang lakas pa nga ng pagkakalapag ng palad niya sa table ko. Galit pa rin siya sa akin.

"Is Mr. Fuentes courting you?" he interrogated.

"Huh? No, Sir. Hindi." I shook my head in panic.

"You really are a good liar."

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon