MNGS 17

1.3K 46 0
                                    

WHEN I arrived home last night to find my mother slouching on the couch —with her haggard and worried face— I feel like my heart was torn into million pieces. Naawa ako sa kanya. Sobra siyang nag-aalala para kay Owen. Nagdesisyon ako na hanapin ang abogadong nanakot kay Owen sa club kagabi.

Muli kong binasa ang nakasulat sa calling card upang masigurong nasa tamang address ako pagbaba ng taxi. Pinili kong tulungan si Owen para kay Julie. Aalamin ko kung paano sila napasok sa gulo. Alam ko naman na kailan lang sila nagkakilala. Ngunit may nagtutulak sa akin na sumugal. Bahala na.

Isang gusali ng law firm ang nasa harapan ko ngayon. I need to talk to a certain Atty. Irvin Arellano. Gagawan ko ng paraan kung paano makababayad dito. Puwede naman sigurong installment? Makikiusap ako huwag lang makulong si Julie.

"I'm looking for Atty. Arellano?" sabi ko sa babaeng receptionist sa lobby.

"May appointment ka, Miss?"

Umiling ako. "Sorry, wala. Baka lang puwede ko siyang makausap kahit two minutes lang?" pakiusap ko.

Nagtaas siya ng kilay. "Busy palagi ang schedule ni Atty. Arellano. Sino ka para isingit sa mga oras niya?"

Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa pagkapahiya. But I still insisted. "My name is Lyna Vergara. Kaibigan ko si Owen Dalmasio. Nandito ako para makipag-areglo sana," paliwanag ko. Napayuko na naman ako at hindi makatingin ng diretso sa kausap. Umiral na naman ang kawalan ko ng tiwala sa sarili lalo na kapag napapahiya ng ganito.

"Sige maghintay ka muna. Susubukan ko. Pero huwag kang umasa," aniyang pinasadahan ng tingin ang hitsura ko. Maayos naman ang suot kong kulay rosas na blusa. Longsleeve pa rin na tinernohan ng itim at mahabang palda.

"Salamat, miss." Naghintay ako. Naupo sa bakanteng silya para sa mga bisita.

Ilang minuto ang nakalipas at nakita kong nataranta ang babaeng receptionist nang makita ang lalaking lumabas mula sa elevator.

"A-Attorney. I'm sorry po. Nagpupumilit po kasi siya na kausapin kayo—"

Itinaas ng lalaki ang kamay upang patigilin ang babae sa pagsasalita. He immediately walked towards me.

"Ms. Lyna Vergara?" ani ng lalaking tinawag na Attorney. Simple lang ang suot nitong kulay gatas na polo shirt at maong pants. Hindi aakalain na isa itong kapita-pitagang abogado.

Tumayo ako. "Yes. I'm Lyna Vergara."

Hinagod niya ang buhok. Naglahad ng kamay at saka matamis na ngumiti. Guwapo ito at matangkad. Bata pa para maging abogado. Tingin ko ay hindi sila nalalayo ni Tristan ng edad. But this man couldn't make my heart jump like Tristan can do.

"I'm Irvin Arellano. Nice to meet you, Ms. Vergara." Mahigpit ang hawak niya sa nanlalamig kong mga kamay. "Can I ask you out?"

"Huh?" Nagulat ako sa tanong niya. Tumingin ako sa receptionist na nakarinig ng tanong na iyon. Her jaw dropped.

"But if you're busy, I can re-sched a date with you."

Lalong napatanga ang receptionist. Pakiramdam ko ay pinagti-trip-an niya ako. Ano'ng klaseng abogado ba siya?

"I-I'm sorry, Attorney. Pero nandito ako para makipag-ayos tungkol kay Owen Dalmasio."

Tumaas ang mga kilay niya saka binitiwan ang kamay ko. "Are you related with that man?" Inilagay niya sa magkabilang bulsa ang mga kamay.

Umiling ako. "Kaibigan ko siya."

Tumagilid ang ulo niya. "Really? Kaibigan?"

Umiwas ako ng tingin. Paano ko ba ipaliliwanag sa kanya ang sitwasyon ko?

"To tell you the truth, Ms. Vergara... The Owen Dalmasio that I heard wasn't a very good man to befriend. He had so many accomplices with his dishonest dealings. Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

Tumango ako at niyakap ang sarili. Pakiramdam ko ay may umihip na hangin dahil nagsisinungaling ako. I hate lying. Natuto lamang akong magsinungaling dahil sa lihim na trabaho ko.

"Well then, you have to speak with my boss."

"Boss?" nagtataka kong tanong.

"Yes. Sa kanya may malaking utang si Owen Dalmasio. Sa kanya ka makipag-usap."

"S-Sino siya? Saan ko siya matatagpuan? Ayokong makulong si—" Julie. Iyon ang gusto kong sabihin pero nagpigil ako.

"Ayaw mo siyang makulong?"

Tumango ako.

"Ganoon siya kaimportante sa 'yo?" nagdududa niyang tanong. Tumango akong muli.

"F*ck the man! He's a loser," bulong niya. Nadinig ko iyon pero nagkunwari akong sa iba nakatingin. "Anyway, puntahan mo na lang si Ro— I mean ang boss ko sa Raffles Building. Top floor."

Iyon ang pinakasikat na Condominium Residences dito sa Maynila. Malaking tao pala ang nakabangga nina Julie at Owen. Ngayon pa lang ay mukhang talo na kami.

Nakita yata ni Attorney ang pagkaaligaga ko kaya tinapik niya ng malumanay ang balikat ko.

"Just a piece of advice, Ms. Vergara. Do as the boss says, and he'll surely let your friend go."

Tumango na lang ako at saka nagpasalamat sa kanya. Nagpahatid ako sa taxi papunta sa Raffles Building. Kanina pa pala ako kinakausap ng driver pero hindi ko siya naririnig. Nakatingin lamang ako sa online bank account ko.

"Nandito na tayo, Miss," sabi ni Manong. Ibinulsa ko ang hawak na cellphone. Binayaran ko ang driver at saka bumaba ng taxi.

Bumuntonghininga ako bago tumapak sa marangyang gusali. Ngayon lamang ako tatapak dito. Mga prominenteng tao lamang ang naninirahan sa gusaling ito dahil sobrang mahal. Inilibot ko ang mga mata sa paligid. It was indeed a grandiose place. From the creamy and shiny, made of marble floors to the elegant ceiling with a chandelier at the centre. Makikita rin ang mga mamahaling painting at wall decors na bumagay sa eleganteng lobby.

Hindi na ako dumaan sa reception area. Ayoko nang muling pagmasdan ng mga tao na tila sinasabing hindi ako nababagay rito. I know it's true. I cannot compete with all this people.

I went straight to the elevator. Sinabi naman ni Atty. Arellano na sa top floor ang boss niya. At ito lang daw ang umookupa ng buong floor na iyon. He must be some politician or rich and famous business man. Ngayon pa lang ay nanlalamig na ang mga kamay ko.

Papalabas na ako ng elevator nang tumunog ang cellphone ko. Si Julie ang tumatawag.

"Hello, Lyna. Ano na? Napakiusapan mo ba? Pupuntahan ko na ba si Owen para sa magandang balita?"

"Julie, kararating ko lang dito." Napapikit ako. "Ipagdasal mo na lang ako. Mayaman ang binangga ninyo."

Bumuntonghininga siya. "Sorry, anak. Pati ikaw ay dinamay ko sa problema namin ni Owen," sabi niya.

"Sige na. Tatawag na lang ako."

Pinindot ko ang end call at nilakasan ang loob. Paglabas ko ng elevator ay tila napunta ako sa ibang dimensyon. Marangya ang carpeted na sahig na halos kakulay ang dingding. Mix of grey and brown with a touch of black. Ang mga bilugang ilaw ay bumagay at nagbigay ng tamang liwanag sa madilim na pasilyo. There was only one door on that floor. The number on the door was gold like the colour of the digital door lock with pin numbers.

Nang matapat ako sa pintuan ay hindi ko malaman kung kakatok ako o kung mag-do-doorbell. I chose the latter and heard a footstep. Naramdaman ko ang buga ng malamig na centralized aircon kaya tumalikod ako mula sa pinto at niyakap ang sarili.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at muntik na akong matumba pag-ikot ko nang mapagsino ang lalaking nakasuot lang ng boxer shorts niya.

"T-Tristan?"

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon