MNGS 1

2.3K 62 4
                                    

My Naive Girl Stalker ©
by Mar Mojica ®
Mabibili na po sa Shopee - Immac Store

~~~

KINALABIT ako ni Daria na nasa tabi ko. "Lyna, iyong palda mo..." bulong niya.

Muli ko pang hinawakan ang screen kung saan naroon ang picture naming dalawa ni Dave Benjamin bago ko pinindot ang cellphone. Itinago ko iyon sa aking bulsa at dumapo ang mga mata ko sa aking suot na palda. Natastas pa yata. Kung kailan naman! Nagmadali akong naghanap ng perdible upang ayusin ang sarili.

Dahil sa pagkataranta, I accidentally pricked my index finger when I tried to fix my black skirt with a pin. Sinipsip ko ang lumabas na dugo mula sa aking daliri.

Nakapila kami ng mga kasamahan ko rito sa opisina. Sasalubungin namin ang bagong Head Architect na papalit kay Mr. Horacio. Usap-usapan na kamag-anak ng may-ari ang papalit sa dati naming boss.

I deeply sighed when I recalled these past few days. With the numerous emails from my inbox coming from our new boss, I didn't know which one to do first.

Tinanggal ko ang salamin sa mga mata upang punasan iyon. Umingay ang paligid, hudyat na dumating na ang mga hinihintay. Nasa kahulihan ako sa pila at papunta sa direksyon namin ang mga paparating na mga arkitekto at inhinyenro pati na ang mga Manager. Kilala ko na ang ilan sa kanila. I've been with the company for a year now. Being the Secretary of Mr. Horacio was quite rewarding. He's kind and considerate to his subordinates. Siya ang mismong nagturo sa akin ng mga bagay-bagay patungkol dito sa kumpanya. Kaya isa siya sa mga dahilan kung bakit minahal ko na ang simpleng trabaho ko. Sayang nga dahil kailangan na niyang magretiro.

Hindi ako hinusgahan ni Mr. Horacio kahit dalawang taon lang ang tinapos kong kurso. High school pa lang ako nang mabiyuda si Julie, ang Inay ko. And yes, it was unbearable. I also couldn't accept the fact that my father died and left us. Umawat lang ito sa isang away sa iskinitang kinalakihan ko noon. Pero ang ama ko ang nasaksak at tumagos iyon sa puso niya. Halos isumpa ko ang tarantadong pumatay sa aking ama na hanggang ngayon ay naghihimas na ng rehas.

Hindi tuloy ako agad nakatapos ng pag-aaral. Kahit gaano ako katalino kung wala namang pera para makapag-aral at pangtustos sa pang-araw-araw, balewala pa rin.

Pagkamatay ni Itay ay namasukan si Julie bilang serbidora sa isang karinderya. Habang ako ay nagsimula nang magtrabaho sa pabrika sa edad na desisiyete.

Pagkaraan ng dalawang taon ay nakapagpatuloy ako ng pag-aaral at nakapagtapos ng High school. Sinikap ko rin na tapusin ang dalawang taong pag-aaral sa TESDA ng Computer Secretarial.

Laking pasasalamat ko nang tanggapin ako ni Mr. Horacio bilang sektetarya niya. It's a multinational architectural firm. Kahit simpleng empleyado lamang ako rito ay pinagbubuti ko ang lahat ng ginagawa. Kaya iniingatan ko na huwag magkamali. Kailangan ko ang trabahong ito. Sana naman ay katulad ni Mr. Horacio ang papalit sa kanya.

Muli kong isinuot ang salamin sa mata at saka bahagyang hinawi ang buhok sa noo. Sinipat ko ang mga dumating. My heart suddenly beats so quick. Tila pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking kasama ng mga matataas ang posisyon dito sa kumpanya.

No, must have been some peck in my eyes. Kinurap-kurap ko ang mga mata at muling tinanggal ang salamin upang hipan iyon. The moisture from my breath clouded my vision when I wore it again. Kaya hindi ko napansin na may tumapat na sa aking kinatatayuan.

Someone extended a hand. Awtomatikong tinanggap ko iyon habang unti-unting lumilinaw ang aking paningin.

"Good morning, Sir," I said.

I raised my head to meet the tall man. Agad na sumikdo ang puso ko. Ang kamay ko ay namawis bigla lalo na at mahigpit ang pagkakahawak rito.

Hindi ako maaaring magkamali. The man has an expressive and attractive deep brown eyes. Matangos ang ilong niya at bahagyang nakaangat ang gilid ng may kapulahang labi. Ang lalaking akala ko ay hindi na makikita kailanman. My first kiss. The man I've been stalking when I was in high school. Ang lalaking kinababaliwan ko noong kabataan ko.

Yes. The one and only, Tristan Romulo.

 The one and only, Tristan Romulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon