MNGS 7

1.6K 46 0
                                    

RELIABLE and punctual. Iyan ang mga sinasabi palagi ni Mr. Horacio para ilarawan ako. Walang butas na makikita ang dating Head Architect pagdating sa trabaho ko. Kaya nagtaka ang mga kasamahan ko sa opisina, because I was late today.

"Anyare sa 'yo, girl?" usisa ni Andrea sa akin.

Hindi ako sumagot. Hindi ako nagkukuwento patungkol sa personal na buhay ko. I value my privacy. At isa pa, itong si Andrea ay may pagkatsismosa.

"Mabuti pa, puntahan mo na si Architect. Kanina ka pa niya hinahanap."

Nahilot ko ang aking sentido. Ngayon pa na si Tristan na ang boss ko. Iniyak ko lang naman kasi buong magdamag ang sama ng loob ko kay Julie.

Julie. Iyan lang ang gusto niyang itawag ko sa kanya simula nang mamatay si Itay. Ayaw niyang marinig ang tawagin ko siyang Inay kagaya noon. Why? Because she said that she's single again. Not a widow. Not a mother. Kaya lalong sumasakit ang dibdib ko kapag nakikita kong may kasama siyang lalaki na kung saan niya pinulot. She has no time to spend with me. Ilalaan niya iyon sa mga lalaki niya. Para siyang pakawalang dalaga o isang ibon na nakawala sa hawla.

Huminga muna ako ng malalim bago ko itinulak ang pinto. The Head Architect has his own private office. Covered with white, Venetian blinds and fully air-conditioned.

My breathing accelerated in an instant. Salubong kasi ang mga kilay ni Tristan at saktong tumutok sa akin. Ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang bagong gupit at basa pa niyang buhok. Bumagay sa kanya ang suot na black suit.

Napaatras ako ng isang hakbang nang pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. His forehead creased a little more.

"You're very late, Ms. Vergarra," he emphasized. Nakatingin na siya sa mukha ko.

The tension in all my muscles was building up. Napayuko muna ako bago nakasagot. "I-I'm sorry." Pinagsalikop ko ang mga kamay.

"According to your records, you were never late. Although I said I don't follow schedules, tardiness isn't an excuse." Tumayo siya at napaatras na naman ako. Pakiramdam ko kasi ay naging napakaliit ng espasyo sa aming pagitan.

Hindi naman ako nilapitan ni Tristan. Sa halip ay sumandal siya sa mesa habang nakahalukipkip.

"Kailangan mong masanay na ako na ang boss mo, Lyna. And please look at me when I'm talking."

Napalunok ako sa matigas na tono ng utos niya. Umangat ang aking ulo at nilakasan ang loob na salubungin ang tingin ni Tristan. Nahuli ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya bago iyon agad na naglaho.

"Why are you late?" seryosong tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Ang malilikot kong mga mata ay nasa abuhing carpet nakatutok.

"I'm asking... in a nice way. So give me an answer. Don't forget that I'm your boss," he insisted.

"I... I overslept." Wala akong maisip na ibang dahilan. Personal ko nang buhay ang inuusisa ni Tristan.

"Really?" Parang hindi siya naniniwala sa sagot ko. "Could it be that you were awake the whole night because of me?"

Umawang nang bahagya ang bibig ko. "W-What...?"

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon