MNGS 5

2K 56 2
                                    

PINAHID ko ng mga daliri ang pawis na tumulo mula sa aking noo. The traffic was killing me. Nagmamadali pa naman ako dahil nais kong mauna kay Tristan sa opisina. Mabuti na lang at mabilis akong tumakbo.

Narinig ko na ang mga bulungan mula sa malayo. I can sense his presence. Parang pabango na kahit malayo ay kaya kong maamoy.

Speaking of pabango, mabilis kong kinuha mula sa aking purple pouch bag ang lavender perfume. Ini-spray ko iyon sa sarili at maging sa artificial lavender flowerettes na nasa ibabaw ng table ko. The scent of lavender not just entice me. It gives me a sense of strength and capability. Kung sana ay totoong bulaklak ang nasa mesa ko ay baka mas maging matapang ako. It's my magic potion to hide my insecurities and lack of confidence. Kaso lang ay napakamahal ng bulaklak ng lavender kaya nagtitiyaga na lang ako sa mga pabango at scented oil na siyang pampatulog ko na rin sa gabi.

May mga kasamahan akong napatayo kaya pati tuloy ako ay nahawa. Siniguro kong walang gusot ang suot na blusang puti pati na ang mahaba at itim na palda. Diretso akong tumayo at nang ilang dipa na lamang ang layo ni Tristan ay napayuko na ako. The familiar feeling I couldn't fight when he's near me. Ano ba ang gagawin ko para maging stable ang tibok ng puso ko?

"Good morning," seryosong bati ni Tristan sa lahat. Hindi ko malaman kung saan titingin. My hands were trembling. Palagi na lang akong ganito kapag kinakabahan. Umiiral ang kawalan ko ng tiwala sa sarili. If I can only be Mariposa.

"I need my Secretary in my office."

Napatalon ako sa huli niyang sinabi. "S-Sir?" Nag-angat ako ng tingin. Nasalubong ko ang kulay tsokolateng mga mata ni Tristan. Tila palaso iyon na dumiretso sa aking puso.

"If my memory is correct, you're my Secretary. I sent you my emails. Am I right?" Lumabas ang biloy sa magkabilang pisngi ni Tristan.

Lalong nanlambot ang mga tuhod ko. Those were my weakness. The way Tristan smile, the way he could melt my heart when both of his dimples greet me.

"Y-Yes, sir," sagot ko.

Tumaas ang gilid ng labi niya. "Then come inside my office." Tumalikod siya at hindi ko mapigilang pagmasdan ang pang-upo ni Tristan. Napalunok ako. Everything about him turns me upside down. The same old feelings I had for him.

Stop Lyna! Stop! Makailang ulit kong pinagsabihan ang sarili. Not now. Not ever.

"Hoy Lyna!"

Napatalon akong muli nang kalabitin ako ni Andrea na kaopisina ko. Katabi lang ng table niya ang cubicle ko.

"Huh?"

"Pinapatawag ka ni Sir Tristan sa office niya. Hindi mo ba narinig?" Nakakaloko ang tingin niya.

"Narinig ko."

"Oh eh, ano pa'ng ginagawa mo? Punta na," tulak niya sa akin.

Kinuha ko ang notes at ballpen ko. I have to get a grip. A competent secretary will not back out anytime, anywhere when the boss needs her. I have to be professional even if Tristan is taking my breath away.

Tatlong beses akong kumatok sa pinto bago ko pinihit ang seradura. Nakaupo si Tristan sa Director's chair niya. One of his elbow was rested on the table while his fingers played with his lips. Napatingin tuloy ako sa labi niya. But I looked away in a micro-second. Baka kasi isipin niyang pinapangarap ko ang labi niya kahit sa oras ng trabaho.

"Sit down." Itinuro niya ang silya sa harap ng mesa.

Humakbang ako at nagtaka dahil nagawa kong umupo nang hindi natutumba.

"To make it clear, I don't believe on fixed schedules. Kung may appointment ako, unahin mo ang mga importante. I'm not into the first come, first serve basis."

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon