MNGS 44

1.2K 43 3
                                    

ANG akala ko ay didiretso na kami sa Villa ng mga Romulo. But Tristan said he has to get something from the office before we go to their Villa.

Nakasunod lamang ako sa kanya habang ramdam ko ang katahimikan ng buong paligid. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Dave. Napatiim-bagang ako. Dahil ganitong-ganito ang nga tinginan namin noong kami pa. Tumayo siya at bumaling kay Tristan.

"Good morning, Sir," seryosong bati niya. Hindi siya pinansin ni Tristan. Susunod sana ako subalit pagpasok ni Tristan sa kanyang silid ay agad akong hinarangan ni Dave.

"We have to talk, Lyna..." seryosong sabi niya.

Nalito ako. Mayroon pa ba kaming dapat pag-usapan? "D-Dave please, this is not the time to—"

"Lyna, please. Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakakausap..." Bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napapitlag ako na tila napaso.

"Hoy pare, bitiwan mo si Lyna..." Dumako ang mga mata ko sa nagsalita. Si Zandro iyon na pinapagitnaan nina Kai at Ferrer. Pawang may mga dalang bulaklak na magkakaiba ang uri. But no lavenders.

"Kabago-bago mo lamang dito, pinopormahan mo na si Lyna?" Masama ang ipinukol na pagtitig ni Ferrer kay Dave.

Kumunot lamang ang noo ni Dave at hindi pa rin ako binitiwan.

"Lyna, sabihin mo lang. Hindi ako magdadalawang-isip na manakit ng tao kahit pa matanggal ako rito."

Gusto kong matawa o mainis sa sinabing iyon ni Kai. As if he has the right to tell that after what he did to me.

Hinawakan ko ang kamay ni Dave at ako na mismo ang nagtanggal niyon mula sa braso ko. "Wala tayong dapat pag-usapan, Mr. Benjamin. If you have questions with regards to your job here, ask your fellow Architects and not the Secretary."

Bumuka ang bibig ni Dave na tila hindi makapaniwala. Hindi ko na sinulyapan ang tatlo at tumalikod na ako agad.

I should feel like an average-looking turn into a beautiful woman and now crave by men. But I feel uncomfortable than ever. Alam kong nagkaganoon lamang sina Kai pagkatapos kong baguhin ang sarili ko. Hindi ako tanga para hindi malaman ang tunay nilang pakay sa akin.

Malakas ang pagpinid ng pintuan nang iwan ko sila. Hindi ko tuloy namalayan na nakatitig pala sa akin si Tristan pagpasok ko ng kanyang opisina. Nagtataka marahil dahil sa nakita niyang inis sa hitsura ko. But he did not say anything. He appeared very busy taking things from his drawer.

Sandali akong umupo sa silya ko. My body was still sore all over. My head was still blank, trying to figure out what happened between me and Tristan. 'Tapos ay dumating si Dave sa panahon na hindi ko inaasahan. Sinundan pa ng panibagong problema nina Kai, Ferrer at Zandro.

Hinilot ko ang aking noo at napapikit. Pagkatapos ng problema ko kay Julie, heto na naman ako sa mga panibagong kakaharapin. Paano ko rin haharapin si Lola Claudia? Paano ko pakikisamahan si Tristan?

"Lyna, are you done?"

Nagulat ako sa boses ni Tristan. Nakatayo na siya sa tabi ng pintuan. I stood abruptly and followed him. Ewan ko ba kung bakit kusa na lamang sumusunod ang mga paa ko sa mga utos niya.

"Don't tell me, you're already sick? And you want to back out with what you told me that you will do anything?" he asked with his strong voice.

Saan na naman nanggaling iyon? I exhaled roughly. "I am not backing out from anything," I emphasised. Iniba ko ang tingin dahil hindi ko masalubong ang makahulugan niyang mga mata.

"Then let's go. Lola Claudia is waiting for us."

***

Masasabing isang magarang country house ang Villa ng mga Romulo. Pagpasok pa lamang ng sasakyan sa napakalawak na garahe ay mamamangha na ang kahit sino. Mataas ang abuhing pader. Luntian ang paligid gawa ng mga bagong gupit na damo at halamang iba't-iba ang uri. May fountain sa gitna na walang tigil ang pagtagas ng tubig habang sinasalo ng bilugang puti at nililok na bato.

"We're here," Tristan announced.

I could feel my hands getting cold. Pinagsalikop ko ang aking mga palad upang maibsan ang kaba.

"To Lola Claudia, you are my girlfriend..." he said while turning around the fountain.

Habang ano naman ako sa 'yo, Tristan? Ibig ko sanang itanong subalit nagpigil ako. Dahil alam ko naman kung ano nga ba ako rito. His Personal Aide who owe him. Bound to be used. I bit my lips and looked outside the window.

I almost jump when I felt a heat on my shoulder. Itinaas pala ni Tristan ang tirante ng suot kong blusa. Bumagsak iyon sa balikat ko nang hindi ko namamalayan.

Nagkatinginan kami. Matagal. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko dahil sa matalim niyang pagtitig. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko, habang napalunok naman ako. Sinasabi ng utak ko na lumayo, but he was like a magnet. Hypnotic. Irrisistible.

"Stop this..." he mumbled.

"S-Stop what?" Pareho kaming hindi kumikilos at nakatitig lamang sa isa't-isa. Pakiramdam ko, ang dalawang beses naming pagniniig ay kulang pa.

"Flirting," he accused.

"I am not," I whispered.

"You are."

I bit my lower lip, trying to remove the lump in my throat.

"That. Stop that," sabi na naman niya habang nakatutok ang mga mata sa labi ko.

Pinakawalan ko ang labi ko at bahagyang bumuka ang bibig. Biglang nag-init ang aking mga mata. Hindi ako maaaring umiyak. Hindi ko dapat ipakita sa kanya ang sakit at kahinaan na nararamdaman ko ngayon. The fact that I was here, pretending I was okay with this... Magpapanggap. Gagamitin niya. Lahat ng ito ay gagawin ko dahil sa mga atraso ko sa kanya.

Ugh, Lyna! It's not just because you owe him. Your heart is a fool falling for Tristan Romulo.

"F*ck!"

Nabigla ako nang kabigin niya ang batok ko palapit sa kanya. He kissed me harshly. Nagbabadya na ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. Kasabay ng paghalik niya ang kamay na gumapang sa dibdib ko. Pinasisiklab niyang muli ang buo kong pagkatao at kapag hindi ako nakawala rito ay tuluyan na akong matutupok.

The car engine still roars. My heart also roar like thunder inside my chest. Umangat ang kamay ko sa malambot niyang buhok. Did I hear him groan? I probably misheard. Halos mapaigtad ako sa gulat nang madiinan niya ang busina na naglikha ng napakalakas na ingay.

Umangat-lumubog ang hitsura ng kanyang dibdib sa paghingal. I felt somone was watching us. Hindi nga ako nagkamali. Nag-aabang sa entrance ng Villa si Lola Claudia. She was intently staring at us before she turned around.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon