MNGS 9

1.5K 49 1
                                    

PANAY pa rin kabog ng dibdib ko. Hindi ako makatingin kay Tristan. Balik na kami rito sa opisina niya. Umalis na rin si Zahara.

"So what do you think is the best thing to do?" Humalukipkip si Tristan at sumandal sa table niya habang nakatayo at ako ay yumuko na lang.

"W-Wala akong perang maibabayad—"

"I'm not asking about money," putol ni Tristan sa sinasabi ko. "Ang tanong ko ay kung ano ang gagawin mo para tigilan ka ng mga tsismoso at tsismosa sa labas."

"Huh?" Tumingin ako sa kanya.

"Hindi ka pa rin ba nagbabago, Lyna?Hindi ka pa rin ba marunong lumaban hanggang ngayon? Or..." His eyes narrowed. "That's just how you want them to see you?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.

"Sympathy. Pretending to be weak. Artificial behaviour. To gain more attention."

"W-What?" Ganoon ba ang tingin niya sa akin?

"You were like that since we were young."

Nakagat ko ang labi at napayuko na lang. When we were younger, I took pity of myself dahil siya ang nagustuhan ko. Dahil ako lang ang hindi niya pinapansin noon. Lahat ng babae ay nginingitian niya. Lahat magaganda. Matatalino. Dahil wala akong ganoon, nagtiyaga akong magtago makita lamang siya kahit sa malayo.

"Now, sit down Lyna and we'll talk about your job here."

Nangangatal ang mga paa ko nang maupo ako sa harapan ng mesa niya. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya.

"Kung iniisip mo paano natin malulusutan si Salazar, kalimutan mo na. Gago ang isang iyon but I can handle him. I won't fire you."

Nag-angat ako ng tingin. Kahit nakaupo kaming pareho ay kailangan ko pa rin siyang tingalain dahil sa tangkad niya.

"T-Thank you, Sir." Muli akong yumuko. I felt so small. Isa pa, hindi ko matagalan ang mga titig niya.

"But that doesn't mean I'll excuse you for your clumsiness."

"I know, Sir." Lumunok ako, nag-iisip kung paano sasabihin sa kanya na handa ako whatever consequences he may give.

Pinagsalikop niya ang mga kamay habang nakatitig sa akin. Inangat ko ang tingin at nakita ko ang matalim na titig niya.

"I won't fire or ask you to pay. But—" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Tumutok ang mga mata ko roon. Lumunok akong muli dahil parang nalalasahan ko ang lasa ng labi niya. Ugh, Lyna! This is not the right time.

"Do you want a kiss, Lyna?"

Muntik na akong mahulog mula sa silya. "W-What?" I asked, startled.

"You're fantasizing about my lips, I can see."

Yumuko agad ako. "N-No Sir," pagmamaang-maangan ko.

Sa gilid ng mga mata ay nakita kong pinaglaruan niya ng daliri ang labi. Bumaba na naman doon ang mga mata ko. Gusto kong sabunutan ang sarili. I'm being obvious. Alam niya ang tumatakbo sa utak ko. That I want his lips. I want his kiss. Kung puwede ko lang sampalin ang sarili ko sa mga oras na ito. Nawawala ako sa kung ano na nga ba ang pinag-uusapan namin.

Tulad noong High School ako ang pakiramdam ko. Mas mukhang maigting lang ngayon. I could imagine lots of dirty thoughts. I'm a virtual goddess, remember?

"As I was saying..." he cleared his throat. "I have to fix things to make up with Salazar. So, instead of firing you, I'll promote you Ms. Vergara..."

"P-Promote, Sir?" Naguluhan ako. Did I hear it correctly? He's not only not firing me but promote me. Parang gusto kong umiyak sa tuwa. Kahit ano'ng posisyon nga ay tatanggapin ko huwag lang akong mawalan ng trabaho.

"Yes. As my Personal Aide."

"S-Sir?"

"You'll work for me in and out of my office. Everyday, no holidays. No leaves. And most especially, no excuses."

Kinurap-kurap ko ang mga mata. "S-Sir? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Bahagya siyang dumukwang sa harapan ko kaya napaatras ang likod ko.

"Malinaw ang sinabi ko, Lyna. Work for me day and night. 24 hours, 7 days a week. And I... will give you what you need."

His eyes seemed dark while looking at me. Kung ako nga ang tunay na virtual goddess, nakikita sa mga mata ni Tristan ang pagnanasa.

But no. Mali ang nakita ko. Pinaglalaruan lamang ako ng isip ko. Kasi nga, gusto ko pa rin siya hanggang ngayon. It's not desire that I see in his eyes. Hindi tama ang tumatakbo sa isip ko. Wala akong karapatang mag-isip ng ganito.

"T-Tristan..." I muttered.

Gumalaw ang ulo niya.

Ugh! I called him by his first name by mistake.

"I mean, Sir..." pagtatama ko.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. God! Nasisiraan na yata talaga ako. Pakiramdam ko kasi ay ibig niya rin akong halikan.

"Yes, Lyna?" he whispered.

"I... I don't know what to say." Ugh! I look so stupid now, I know.

Bumalik siya sa kanyang puwesto kanina. Sumandal sa silya niya. "A thank you would be nice," he said. Tumaas muli ang gilid ng labi niya.

***

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon