MNGS 16

1.3K 42 0
                                    


THE lights were dazzling my sleepy eyes, but the noise was enough to keep me awake. Nandito ako sa pinakasulok ng club. Dumiretso ako rito mula sa opisina. Pagod ang isip ko pati na ang buo kong katawan. Ngunit heto pa rin ako at pilit ginigising ang sarili mula sa isa na namang masamang panaginip. Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Julie na pumunta rito. And now that I'm here —feeling awkward and out of place— I just want to run away and hide.

Bouncer daw sa club na ito ang Owen na iyon. Pinagtanong ko siya kanina sa waiter pero wala pa raw ito. Iniisip ko tuloy kung baka nasayang lamang ang pagparito ko.

Naihilamos ko ang palad sa buo kong mukha. Dala ko ang mga ATM pati na mga credit cards. May kaunti rin akong naipon na cash kaya pati iyon ay dinala ko na rin.

Hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit ako nagpapauto ng ganito kay Julie at maging sa mga nakakarelasyon niya. Mahalaga siya sa akin o baka tanga lang ako. Kung ano man ang lintik na pinagkakautangan nila, sisiguraduhin kong hindi masasayang ang perang pinaghirapan ko. And when I find out that she's lying, I swear hinding-hindi na ako maniniwala sa kanya kahit kailan.

Inumpog ko ang noo sa mesang nasa harapan ko. Ugh! Sino ba ang niloloko ko? Alam naman ng lahat na kahit pagbali-baligtarin ang mundo ay hindi ko pa rin matitiis si Julie. Ni hindi ko masabi sa kanya na may kailangan din akong ayusin sa opisina. Mawawala ako at hindi ko na siya mababantayan. Iyon naman ang gusto niya, 'di ba? Iyong wala nang makikialam sa kanya. Kaya sigurado ako na mahihirapan na akong lalong pigilin siya sa mga gusto niyang gawin sa kanyang buhay. At dobleng pahirap dahil kailangan ko ring tikisin ang nararamdaman ko kay Tristan kapag nagsimula na ako.

My head turned around when I heard a commotion nearby. Mukhang may isang lasing na pinagkakaguluhan. Tumayo ako. Baka naroon ang Owen na sinasabi ni Inay dahil bouncer daw iyon dito.

"Owen, tama na! Lasing na lasing ka na." Pigil ng isang waiter ang lalaking may kalakihan ang katawan. Nasa late thirties na siya marahil. Hawak niya ang bote ng whiskey at nakapinta ang guhitang mga tattoo sa buong mga braso.

Hindi ako nagdalawang-isip at nilapitan sila. Gaya ni Itay ay ayokong umawat sa kahit na anong away. Pero wala, eh. Kailangan kong maging matapang.

"Owen Dalmasio!" sigaw ko. Napatingin sa akin ang waiter na umaawat sa kanya.

"Kamag-anak ka ni Owen, Miss?"

Bumaling sa akin si Owen. Nanliit ang kanyang mata. Ilang segundo pa at ngumisi ito. Kahit susuray-suray ay nagawa niyang manghila ng silya. "Dito ka, princess," sabi niya.

Lumunok ako. Kinilabutan ako sa ngisi niya. 'Di hamak na mas may edad siya kaysa kay France. Hindi makatingin sa akin ng diretso si France noon. Pero ang isang ito ay marunong makipagtitigan.

Umupo ako sa silyang nilaan niya para sa akin. Pinanood lang kami ng ilang mga nakasaksi pero pag-upo ko ay nagkanya-kanya na ang mga tao sa kung anoman ang mga ginagawa nila.

"Tama si Julie. Maganda ka sa personal." Sobrang dami ng mga babae rito na ang iikli ng suot at kuntodo kolorete ang mga mukha. Tapos sasabihin niyang maganda ako sa kabila ng itim at makapal na jacket pati maong na pantalon na suot ko? Hindi ba niya nakikita ang makapal na salamin sa mata ko? Iniinsulto niya ako.

"Paano mo ako nakilala?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa mukha ko.

"Walang prinsesang kagaya mo ang maglalakas-loob na pumunta rito at sigawan ako." Natawa siya. "Tama siya. Matapang ka nga. Nagmana ka sa kanya."

"Hindi ako nagmana sa kanya!" matigas na sabi ko, kaya natigilan kaming pareho. Dahil ang totoo, duwag ako. Pinipilit ko lang maging matapang para kay Julie. Siya na lang ang natitira sa akin.

"Kung narito ka para kumprontahin ako, nagsasayang ka lang ng oras. Wala rito si Julie. Nakipaghiwalay na ako sa kanya."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Hiwalay?

"Sinabihan ko na siya. Ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko. Mahal ko si Julie. Pero pangako, hindi ko kayo guguluhing mag-ina." Nakayuko siya at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga palad.

"Bakit ka ba nagkautang? Kayo ni... Inay?" seryoso kong tanong.

"Hindi mo na kailangan pang malaman. Handa akong pagbayaran sa preso ang utang ko."

"Sinabi na sa akin ni Julie— ni Inay. Nandito ako para tumulong," pagdidiin ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ilang ulit siyang umiling. "Minalas kami sa negosyo. Naisahan kami ng mga kasosyo sana namin. Malaki ang utang ko sa mayamang negosyante kaya gusto nila kaming ipapreso. Ganoon talaga. Pero labas na rito si Julie. At hindi ko kailangan ng isang katulad mo para tulungan ako."

"Bakit? Ano ba ang katulad ko?" matigas kong tanong.

Mapait siyang ngumiti. "Isa kang prinsesa. Ako? Isang hamak lang na bouncer. Hindi ako bagay sa tulong mo."

"Owen!" Sabay kaming napatingin sa tumawag sa kanya. "May naghahanap sa 'yo—" Hindi pa man natatapos ng waiter ang sinsabi nito ay napahiyaw na ako. May tatlong lalaking sumuntok kay Owen. Sapol sa mukha, sa ilong at panga. Nahulog siya sa silya. Nagtakbuhan na rin ang ilang mga tao upang makaiwas sa gulo.

Isa sa mga sumuntok na lalaki ang nagtapon sa nakahilatang si Owen ng maliit na papel. "Numero 'yan ni Sir. Hihintayin niya ang tawag mo. Bukas." Pagkasabi ng mga salitang iyon ay tumalikod na ang tatlong lalaki.

Mabilis kong kinuha ang papel. It was a calling card from a lawyer. Alam ko na ang dapat kong gawin.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon