MNGS 37

1.3K 53 5
                                    

MULING tumawag si Hudson nang sumunod na gabi. I satisfied his fantasy. He's imagining two women in bed and he's making love to both of them. Iyon ang palaging tema ng kanyang imahinasyon.

"Oh, I love your voice, Mariposa. I wish I could see you. Alam kong maganda ka. Sexy. Hot..."

Kung alam lamang niya kung paano ako manamit.

"Dress sexy, Mariposa. You have to show who you are. Show those men what kind of body you have..."

Natawa ako sa sinabi niya. "Goodbye, Hudson..." paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis nang pinatay ang tawag.

Nakaharap ako sa salamin at tinitigan ang sarili. Naglaro sa isip ko ang sinabi ng Hudson na iyon.

Kung gayahin ko kaya si Zahara? Kung paano siya kumilos at manamit? Papansinin kaya ako ni Tristan? Hindi ba ako kakayan-kayanin nina Andrea at Kelly kapag nag-lipstick din ako at make-up kagaya nila? Hindi kaya mas lalo akong bastusin nina Ferrer at Zandro? At si Kai. Ngayon ay nasa opisina na siya. Natapos na ang official business niya sa site.

Mahina ang loob ko. Madali akong matakot. Ayaw kong lumaban kapag inaapi ako. Ngunit hindi ko mapalalampas ang ginawa at ipinagkalat ni Kai dahilan upang bumaba ang tingin sa akin nina Zandro at Ferrer.

I woke up earlier than usual. Nag-iwan ako ng note at idinikit ko sa fridge para sa paggising ni Tristan ay mabasa niya. Hindi pa ako sanay sa contact lens kaya parang naluluha pa ang mga mata ko. I tried to stand straight as possible. I felt ridiculously embarassed. O marahil ay hindi lang ako nasanay. Mabuti nga at may mga libreng tutorials sa Internet kaya naging maayos naman ang kinalabasan ng hitsura ko.

Dumaan muna ako ng cofee shop at bumili ng dalawang hot espresso para sa aming dalawa ni Tristan. I tried to calm myself and prepare whatever the outcome may be. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang gawin ito. Marahil ay totoo ang sabi ng iba na pinatitibay rin ang tao dahil sa mga pinagdadaanan niya. I can be stronger too.

Pagdating ko sa opisina at saktong nandoon na ang mga kasamahan ko maliban kay Kai at Tristan. Hindi ako agad napansin nina Andrea at Kelly dahil na rin busy sila sa kani-kanilang mga cellphone. Ngunit sina Zandro at Ferrer ay nanlaki ang mga mata.

"M-Miss, may appointment ka?" tanong ni Ferrer.

"Si Architect Tristan ba? Wala pa siya, miss," sabi ni Zandro.

Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang sa silid ni Tristan. Wala pa si Kai na siyang pakay ko kaya wala akong balak makipag-usap sa kanila ngayon. Napatiim-bagang ako dahil sa mga legs ko ng nakalitaw sila agad tumutok.

Pagpasok ko ay inilagay ko ang kape sa table ni Tristan at dala ko naman ang isa sa mesa ko.

Narinig ko ang boses ni Andrea. "Sino iyon? Bakit n'yo pinapasok? Wala pa ba si Lyna?"

Nangunot ang noo ko. Hindi ba ako nakilala ni Andrea? Pinalis ko na lamang iyon at saka binuksan ang Inbox ko para magsimula nang magtrabaho.

"Architect, may bisita po kayo. Wala pa si Lyna kaya kung sino-sino tuloy ang nasa office n'yo." Boses iyon ni Kelly. Binukas niya ang pintuan ngunit hindi siya nakatingin sa akin.

Tristan is here. Agad akong tumayo. Ilang ulit kong hinila pababa ang maikling paldang suot ko. Hindi talaga ako sanay.

Halos mapanganga si Tristan. Lumandas ang mga mata niya sa nakataas kong buhok. Wala akong suot na salamin kaya nakalitaw ang buo kong mukha. The lavender contact lens helped me covered the choco-black color of my eyes. Naglagay din ako ng kaunting pampapula sa pisngi at labi.

His eyes landed on my exposed collarbone. Off-shoulder ang bestidang kulay lila na suot ko. May laso itong puti na masikip na nakatali sa baywang ko. Bumaba pa ang tingin niya sa nakalitaw kong mga hita at tuhod. Bahagya akong tumangkad sa suot kong ballroom dance blue shoes.

Parang gusto ko na yatang magtago dahil sa mga titig niyang hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Tila huminto ang oras at ang naririnig ko na lamang ay ang eratikong pagtibok ng puso ko.

"Lyna?" It was Kai. He's behind Tristan. Hindi ko siya agad napansin at nasa likod din niya ang iba pa naming kasamahan.

"Si Lyna nga!" Napatakip ng bibig si Andrea.

"Sh*t! Hindi kita nakilala. Ang ganda mo, Lyna," Kelly gushed.

Zandro and Ferrer still look stunned. Subalit hindi sila ang nasa isip ko kung hindi si Tristan. Bakit wala siyang sinasabi?

"Sobrang ganda mo, Lyna," mahinang sabi ni Kai. Titig na titig siya sa mukha ko.

Humakbang si Tristan palapit pero may isa pang nilalang na sumilip sa may pintuan.

"Hello. Good morning. Ako po iyong bagong Junior Architect na ipinadala ng agency," the man said.

Tumaas ang mga balahibo ko pagkarinig sa boses na iyon. Katulad ng isang may silab na kandila na ngayon ay unti-unti akong tinutunaw.

Wala sa loob na binigyan ni Andrea ng espasyo ang may-ari ng boses. Napatanga agad si Andrea at sigurado akong nabighani siya sa bagong dating na guwapong lalaki. The man turned his head and his eyes hit upon me.

"Lyna?" he whispered. His face turned from appalling to being astonished. "Lyna!" Tinakbo niya ang aming pagitan.

Nakita kong napahinto si Tristan habang nagtataka ang iba.

The man embraced me without warning. "God, I miss you, Lyna," he announced.

Parang piniga ang puso ko. Gusto kong umiyak ngunit kailangan kong pigilin anoman ang damdamin ko ngayon.

Tinapik ko ang likod niya na nakayakap pa rin sa akin.

"Hello, Dave."

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon