MNGS 45

1.1K 44 4
                                    

Ang unang palapag ay magarbo sa paningin. Simula sa mamahaling mga larawan hanggang sa antic na mga display sa bawat sulok. Ang mga luma subalit halatang matitibay na muwebles na niyari bilang center at side table ay pinatungan ng sinulsing sinulid upang maging takip ng mga iyon.

Mahigpit ang paghawak ni Tristan sa kamay ko. He was like a responsible and loving boyfriend ready to protect me against anyone.

"Lola!" masaya niyang bati. Halos hilahin niya ako upang mapalapit kami kay Lola Claudia. At her age, she still looks elegant yet simple and respectable. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Mabait sa akin noon si Principal Claudia Milano. Maraming natatakot sa kanya dahil sila rin ang nagmamay-ari ng eskuwelahan na pinapasukan ko noon. Hindi ko alam na Lola siya ni Tristan.

"Tristan." Ngumiti siya at bumaling sa akin. "Lyna..."

Yumukod ako. "Good afternoon po, Ma'am."

"Stop being too formal, Lyna," magiliw ang tinig ni Tristan. Parang kapani-paniwala. He could be cheerful, playful and funny and after a second could be a monster and an arrogant, jerk.

Umamo ang mga mata ni Lola Claudia. She took my hand from Tristan. "Halika hija at ipakikita ko sa 'yo ang kabuuan ng Villa."

Nilingon ko si Tristan. I saw a genuine smile from his lips that my heart skip a beat. Ipinasok niya sa loob ng bulsa ng pantalon ang mga kamay bago ako tinanguan.

The villa has several warm lights and spacious living room. May pintuan karugtong ng dining area papunta sa asul na swimming pool. Nang iangat ko ang ulo ay natagpuan ko ang malaking terrace sa ikalawang palapag. Ipinakita rin ni Lola Claudia ang hardin at doon ay may naka-set up na mahabang dulang at mga upuan. Sa gitna ng mesa ay mga prutas at nakahandang sari-saring ulam. Naisip ko tuloy kung may iba pa ba silang bisita at mukhang maraming pagkain.

Hindi nga ako nagkamali dahil hindi ko inaasahan ang paglitaw ni Zahara. Her black dress was so sophisticated and her curves were shown in different places. She was sexy compared to me wearing only a plain spaghetti strap, mauve, knee-high dress. Magmumukha akong bata kung itatabi sa kanya.

Hindi niya ako pinansin nang lapitan niya si Lola Claudia. "Hello, Lola. Where is Tristan?" Hinalikan niya sa pisngi si Lola. Halatang pabalik-balik na siya rito at sanay na sa lugar.

"He's probably inside his room, Zahara," sagot ni Lola Claudia.

"I see. I'll go check on him inside his room." She flipped her long hair, trying not to make eye contact with me.

"Siyangapala, kilala mo na si Lyna, hindi ba?" tanong ni Lola. Nanghila ito ng dalawang silya.

"Oh. Tristan's nympho secretary?" Kumuha siya ng isang pirasong ubas at saka dinala sa bibig. "Of course, I know her." Inirapan niya ako at saka mabilis na umalis.

Yumuko ako nang maalala ang nakakaiskandalong tagpo. Hindi ko masisisi si Zahara kung ganoon ang tingin niya sa akin. Kung suot ko lamang ang salamin ko sa mga mata, maitatago ko sana ang pagpula ng pisngi ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Lola Claudia sa aking balikat. "Gutom ka na ba, hija?"

"P-Po?" nahihiyang tanong ko.

"Nagpaluto ako ng paella. Gumawa rin si Manang ng kakanin. O baka may gusto ka pa bang ipahain? Ipahahanda ko kay Manang..."

Umangat nang sabay ang mga kamay ko. "N-Naku, Ma'am... I mean, Lola, huwag na po..."

Lumandas ang mga mata ko sa nakahaing mga pagkain. Dilaw na dilaw ang kulay ng paella. Umuusok ang papaitan at maging ang nakabalot sa dahon ng saging na inihaw na manok ay sobra-sobra na. Ngayon lamang ako naimbitahan sa isang pagtitipon na ganito karami ang pagkain.

Kinurap-kurap ko ang mga mata nang tumawa si Lola Claudia. Napagmasdan ko tuloy ang mga gitla sa kanyang noo. Ang nakapusod at kinulayan ng kayumangging buhok upang itago ang mga puti, ang kanyang maawtoridad na mga mata pati na ang nakatawang labi na hindi ko maipaliwanag kung bakit tila may lungkot pa rin.

"Kumusta ka na nga ba, Lyna? Iyong totoo. Nasaan na ang inay mo ngayon? Nakapag-asawa ba siyang muli?" Lola Claudia wiped the water from the side of her eye.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanya na nang mawala si Itay ay kung sino-sino na ang nakasama ni Inay. Muntik pa siyang masadlak sa putikan kung hindi lamang kami tinulungan ng kanyang apo. I don't think Tristan have told her about it.

"M-Maayos naman po si Inay," sabi kong bahagyang nakatungo.

"Mabuti naman kung ganoon. Minsan ay isama mo rin siya rito. May mga bakanteng silid sa itaas kaya puwede kayong dumito kahit ilang araw pa. Kung gusto niya ay isasama ko siya sa eskuwelahan..." Kumislap ang mga mata niya. "Puwede siyang magturo roon kung gusto niya. Para may pagkaabalahan siya kapag dito na kayo nakatira bago man lang ako magkaapo sa tuhod..."

"P-Po?" Halos mapamulagat ako. "Apo po sa tuhod?"

"Hindi ba ikaw ang kasintahan ni Tristan? Pasasaan ba at magkakaapo na rin ako sa tuhod. I just wish it will happen sooner. I can see your kids laughing and running in every corner of this villa."

I wasn't able to answer. I couldn't even react. She's dreaming of something that will never happen.

"May bisita pala tayo, mama." A woman with hair shaped into ringlets appeared. Pormal ang anyo nito at itim din ang suot na pinalamutian ng maliliit na pilak na bato. Hawig ito kay Tristan. Is she Tristan's mom? I suddenly felt uneasy. Nakaabrisiyeta ito sa isang matangkad na lalaki na katulad ni Lola Claudia ay may malungkot na mga matang nakatago sa nakangising labi.

"Bridget, Lucas. Mabuti at narito na kayo." Sinalubong sila ni Lola Claudia.

Agad silang humalik sa matanda. Hindi ko maiwasan ang manliit dahil sa ginawa nilang pagtitig sa akin.

"Bisita natin siya," pagpapakilala sa akin ni Lola Claudia. "Lyna, meet my daughter Bridget and my son-in-law, Lucas. Pamangkin nila si Tristan."

"K-Kumusta po?" Bahagya akong yumukod.

"Katuwang ko sila sa pag-aalaga kay Tristan mula nang..." Natigilan si Lola Claudia at bumuntonghininga. "Noong naulila si Tristan. He probably have told you that my eldest son and his wife died on a car crash, Tristan's parents. He was only a little boy that time..."

Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa. Parang may pumiga sa puso ko. I didn't know that Tristan was already an orphan. Kailan nangyari iyon? Ibig sabihin, ulila na siya noong una ko siyang nakilala. Bakit hindi ko iyon alam!

"That's enough, mama..." putol ni Tita Bridget. "Kasalanan ni Kuya kaya maaga silang nawala."

"Bridget," saway ni Tito Lucas sa asawa.

"Totoo naman, ah. Nawalan tuloy ng mga magulang ang pamangkin ko dahil sa kabit—"

"Tita Bridget!"

Hindi na natuloy ni Tita Bridget ang sasabihin. Dahil hindi namin namalayan ang presensiya ni Tristan. Basa ang buhok nito at amoy ang shampoo na ginamit. Nakalapit na siya habang kuyom ang mga kamao. Mababakas sa kanyang guwapong mukha ang galit at sakit. Patunay na nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon dahil naulila siya. I know those sad eyes were longing for them. Mas mapalad pa pala ako kung ikukumpara sa kanya. I still have Julie with me. Pero si Tristan, nag-iisa na siya. Parang ibig ko siyang yakapin. Kung hindi lang nagsalita si Lola Claudia at nag-aya nang maghapunan.

Uupo na sana ako sa silyang inilaan sa akin ni Lola Claudia nang mula sa isang pasilyo ay lumitaw si Zahara. Her hair was also wet. Hindi naman iyon basa kanina. She said to check Tristan in his room. Ano pa ba ang ginawa nila para parehong mabasa ang kanilang mga buhok?

Yumuko ako habang dinadama ang palasong tumutusok sa dibdib ko. Mali talaga si Lola Claudia. Hindi magkakatotoo ang sinabi niya. Maging katotohanan man, kay Zahara magmumula ang magiging apo niya sa tuhod. Siya ang ina... at hindi ako.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon