MNGS 30

1.2K 46 2
                                    

THE office phone on my table rang. Pareho kaming napatingin doon ni Tristan. Inis na pinindot at sinagot niya iyon.

"My secretary is busy. Call her later!" He pressed the end call before he went back to his station.

What's with him? Ganoon ba ako kasama para mainis siya ng ganyan?

I went out of the room to photocopy some documents. Para na rin makahinga sa kakaibang tensyon sa loob ng opisina ni Tristan. Kung hanggang pag-uwi namin ay ganito kami ay baka masiraan na 'ko ng bait.

"She's already out! Don't call my secretary after office hours. Do you get that?"

I was stunned for a moment. Ilang tawag na ang hindi ibinibigay sa akin ni Tristan? Yes, it's past five and others went home already. Pero paano kung importante ang mga tawag na iyon? Saka bakit ba siya ang sumasagot ng mga calls ko?

I stared at him and gritted my teeth in annoyance. Sa dami yata ng backlogs niya kaya siya nagkakaganyan.

Humalukipkip siya at sinabayan ang pagtitig ko sa kanya. What is going on between us? Buong araw na hindi ko siya maintindihan.

Nilakasan ko na ang loob ko. "Don't stare at me like you want to eat me, Sir," I snarled.

Tumaas ang gilid ng labi niya. "Well I like it when you stare at me, Ms. Secretary."

Heat crept into my cheeks. Umupo ako pabalik sa silya ko at napatingin sa maliit na salamin na nakapatong sa mesa ko. My heartbeat was rumbling under my chest.

"Why are you blushing, Lyna?" he teased.

"I'm not, Sir." Ngunit hayan at pulang-pula ang mga pisngi ko sa harap ng salamin.

I heard him chuckled. I realised now how arrogant a Tristan Romulo is. What if I'm blushing? It's not for him, anyway.

Ugh Lyna! Sinungaling ka nga.

Tinanggal ko ang salamin sa mga mata saka tinapik-tapik ang pisngi. Hinagod ko rin ang buhok ko saka itinali. Dahil sa kaba ay nabasa ng pawis pati batok ko.

Kumunot ang noo ko dahil tila may dumaang anghel sa pagitan namin. Bigla na lang naging tahimik ang kapaligiran.

I slowly looked at him. The expression on Tristan's face was a mixture of dazed desire and awe. He's gawking at me menacingly like it was the very first time he'd seen me.

Isinuot ko ulit ang salamin ko. "Restroom lang ako, Sir," paalam ko. Hindi siya sumagot pero tumayo pa rin ako upang makalayo.

Hawak ko ang dibdib pagpasok ng banyo. Ayaw nitong maging normal. Naiinis ako sa nangyayari sa amin ni Tristan. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon. Sala sa init, sala sa lamig. Daig pa niya ang may bipolar disorder. He has mood swings, he shows poor judgment about me and he looks restless kapag dalawa lang kami sa iisang silid. Kung hindi ko lang siya talaga gusto... Ugh! Wake up, Lyna! Halos sabunutan ko na ang sarili habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

Paglabas ko ng banyo ay nandoon si Kai at halatang ako ang hinihintay.

"Lyna, iyong bagong resto sa tapat may masarap daw silang chicken recipe."

"Uy, ano iyan, ha." Hindi ko alam na nasa loob din pala ng banyong pinanggalingan ko si Andrea. "Sama naman ako."

"Ha? Uh, eh, may usapan kasi kami ni Lyna..." ani Kai. Kinamot pa niya ang ulo na parang nahihiya.

Tinampal siya ni Andrea sa braso. "Ikaw Kai, ha. Akala ko ba si Kelly ang gusto mo?"

"Naku! Wala akong gusto sa babaeng iyon," depensa ni Kai. "Ano, Lyna? Let's go? Hindi ka naman siguro pinag-o-overtime ni Sir, 'di ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon