MNGS 14 spg

1.9K 45 0
                                    

MINSAN talaga, kapag mamalasin ka, sunod-sunod iyon. Saktong lumabas si Tristan mula sa B Room.

"Tristan!" halos sigaw ni Jamaila. Hindi nga maingay ang takong niya, maingay naman ang tili niya. Nakatutulig ng pandinig ang boses niya.

Yumakap agad siya kay Tristan na halatang nagulat. Mas nanlaki pa ang mga mata niya nang lumambitin si Jamaila sa leeg niya sabay halik sa kanyang labi. Nag-iwas ako ng tingin.

"I knew you're here."

"Jamaila. Bakit nandito ka?"

"Sinosorpresa ka. Surprise!"

"You must have an appointment if you want to see me," Tristan emphasized.

Huh! So much for the rule of no schedule. Ano ngayon ang sinasabi niya? Diyan ako napahamak.

"Kailangan pa ba iyon? Hindi ba, close naman tayo?" maarteng sabi.

Tinalikuran ko sila. Mainit ang pakiramdam ko. Mainit ang pisngi ko, mga palad ko higit ang ulo ko. Sumama ang pakiramdam ko dahil hinalikan niya si Tristan at hindi man lang umalma ang isa.

Kailangan ko ba talagang masaksihan ang lahat ng ito? Nadudurog ang puso ko!

Humihinga pa rin ako ng malalim paglabas ko ng opisina. Nakangising aso si Andrea sa akin at si Kelly naman na Project Assistant din ay pailing-iling. Hindi ko na tiningnan pa ang ibang mga kasamahan ko sa trabaho. Yumuko na lang ako para umalis.

"Hey you!" boses ni Jamaila na nakapagpatigil sa akin. Ginalaw ko ang ulo at tumingin sa direksyon niya. Nakapamaywang na naman siya.

"You should get fired! Sinungaling ka. Ang sabi mo ay wala rito si Tristan..."

Umalingawngaw na naman ang mga bulong-bulungan. Nanahimik lang ako.

"That bitch is a liar. She shouldn't be here. Hindi siya bagay na sekretarya mo, Tristan. Dapat sa kanya ay tanggalin sa kumpanya mo."

"Stop insulting her, Jamaila. She's one of my employee," mariin na sabi ni Tristan.

"I don't care. She's ugly and stupid..."

Yukong-yuko ako sa kinatatayuan ko. Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko.

"I don't like her. A liar and a bitch!"

"Jamaila!" Narinig ko ang matigas na pagsaway sa kanya ni Tristan.

Hindi ko na nagawa pang tingnan o sulyapan sila. Tutulo na kasi ang mga luha ko. Nagtago na naman ako sa pinakamalapit na Comfort Room. Doon na bumagsak ang tubig mula sa mga mata ko.

Masakit ang mga salitang binitiwan ng Jamaila na iyon. Nilait niya ako. Ipinahiya sa harapan ng boss at mga katrabaho ko. Pero ang mas masakit, iyong nilait ako dahil pinagtakpan ko si Tristan. Dahil sinunod ko na naman siya. And what else was hurting me so much? Noong naglapat ang kanilang mga labi. Why does it hurts so much seeing him kissed by another woman?

I must really be stupid. Sinusubukan ko naman na huwag masaktan. Hindi naman na ako bata katulad noon. Mas matibay na ako ngayon. Pero pagharap ko sa salamin, tuloy-tuloy pa rin ang pagluha ko.

Hindi ko na natiis. Lumabas ako mula roon at nagtatakbo ng nakayuko. Hindi ko na inalam pa kung may makakita man sa akin. Kung mukha akong basang sisiw. O kung daig ko pa ang isang tanga. Ang gusto ko na lang ay umalis mula roon. Magtago at magkulong sa loob ng kuwarto ko.

Mabuti na lang at kaskasero ang driver ng taksi na sinakyan ko. Nakarating agad ako sa apartment. Hindi na ako nagpaalam kay Tristan. Busy rin naman siya, 'di ba? Busy siya kay Jamaila.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon