NANG sumunod na araw ay maaga akong nagising. Ugh! Sino ba'ng niloloko ko? Maaga, dahil buong magdamag akong gising. Bukod sa tinatawagan ko si Julie, hindi rin ako mapakali dahil alam kong nasa katabing kuwarto lang si Tristan. Mabuti na lang at Sabado ngayon. Hindi ko kailangang pumasok sa opisina.
Pagkatapos naming sabay na kumain ng mainit na sabaw kagabi ay dumiretso na kaming umuwi. Nagmadali nga akong nagtago sa loob ng silid ko dahil panay ang titig sa akin ni Tristan mula habang kumakain kami ng hapunan hanggang habang nagmamaneho siya. Mabuti nga at hindi kami nabangga.
Lumabas ako ng silid at sumalubong sa akin ang katahimikan. No sign of Tristan. That's good. I calmed myself. Took a shower and decided that I will prepare our breakfast.
Tulog pa siguro si Tristan. Nakakahiya naman na paggising niya ay wala pang almusal. He requested me to cook last night pero hindi ko nga nagawa dahil kinailangan kong puntahan si Julie.
Natigilan ako at napatiim-bagang. Magkasama na naman sina Julie at Owen. Nagawa ko na huwag silang makulong sa pakiusap ko kay Tristan kaya nga naririto ako ngayon. Pero alam kong muli rin niya akong iiwan at pipiliin niya ang lalaking iyon. Hindi na siya magbabago. Hindi ako magiging sapat para sa kanya.
Ilang ulit akong nagpakawala ng bungtonghininga upang iwaglit sa isip si Julie. Binuksan ko ang fridge at naghanap ng mga sangkap na puwede kong iluto.
Alas siyete na ng umaga at naghahain na ako sa hapag nang mapatalon ako dahil sa nilalang na nakatayo sa kusina pag-ikot ko.
"Susmaryosep!" nasabi ko sa sobrang gulat. Hawak ko pa ang dibdib habang ang isang kamay ay hawak pa rin ang sandok.
Ayaw kumalma ng puso ko lalo na at basang-basa ng pawis ang katapat ko. He went out for a jog. Nakalitaw ang mamasel na mga braso niya sa jersey na suot na katerno ng white shorts niya. His rubber shoes was neon yellow green and it's add to the glowing muscles of his legs. Parang ang sarap pasadahan ng palad ang mga buhok na nandoon.
"You cooked for me, Ms. Secretary?" Nakangisi niyang tanong. He took a step so I had to step back too.
"U-Uh, mainit na itlog lang at hotdog," tugon ko.
Gumalaw ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero hindi itinuloy. He swallowed.
Then he said, "Mainit na itlog at mainit na hotdog," ulit niya.
Kagabi pa siya ganyan. Inuulit-ulit niya ang mga sinasabi ko na parang may iba pa siyang gustong ipakahulugan sa mga salitang binibitiwan ko.
"Y-Yes. Naghanda na rin ako ng monay. May butter din, palaman..." Hawak ko pa rin ang dibdib ko. Hindi kasi tumitigil ang mabilis na pintig ng puso ko.
"Monay? Hotdog at itlog," sabi niya ulit. Kinagat niya ang kanyang labi.
Bumaba ang mga mata ko sa labi niya. "O-Oo."
"You want me to eat that monay?" His eyes were dark and I couldn't move from where I was standing.
"Yes," I replied.
"Hindi mo 'ko pipigilin?" makahulugan niyang tanong.
"Hindi. Bakit naman kita pipigilin? Eh, 'di kumain ka ng monay. Para sa 'yo naman talaga itong mga inihanda ko. Kain na habang mainit-init pa..."
Tumango-tango siya. "Habang mainit-init pa." Lumabas ang pilyo niyang ngiti.
Bakit ba ganyan siya makangiti?
Humakbang siya palapit sa akin. Nilasahan niya ang kanyang pang-ibabang labi.
"You're so naive, Lyna. You don't know what you're doing me." Nakatitig na siya sa akin na parang hinuhubaran ako ng mga mata niya.
"H-Ha? Ano'ng ginagawa ko sa 'yo?" Napasandal ako sa lababo. Palapit na rin kasi siya.
"Don't you realize you're making me aroused right now? I'm now horny as hell, Lyna."
BINABASA MO ANG
My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)
Ficción General𝐑𝟏𝟖 𝙎𝙋𝙂 𝘼𝙇𝙀𝙍𝙏 She's his girl stalker. She watched Tristan Romulo from afar. She dreams of him every night. And a dream isn't real. It will never come true. He kissed her once. He stumbled upon her six years after. Lyna Vergara always pop...