MNGS 21

1.2K 40 0
                                    

HERE I am again. In front of Tristan's grandiose condo. He pinned the code and said, "It's 6-3-7."

"W-What?" Hawak ko ang salamin ko sa mga mata.

"6-3-7 is the pin code of my door. Alam mo ba ang ibig sabihin ng mga numerong iyon?"

Mabilis ang naging pag-iling ko. His eyes directed on me.

"It's... 'always and forever'." Ngumisi siya at pumasok sa loob.

Always and forever.

6-3-7.

Oh my ghad!

I need you, Mariposa. I need your courage. Hindi ko kaya ang nangyayari. Nahuhulog ako.

"The guest room is at the left. That will be your workplace and room from now on."

Inilibot ko ang mga mata. The familiar feeling was there again. Dito niya ako hinalikan. Dito ko siya nakita nang halos nakahubad. At dito rin niya sinabing, hindi niya ako papatulan.

Katabi ng magiging silid ko ang kuwarto niya. Iisa ang toilet at bathroom. Itinuro niya sa akin ang kusina. He has his own work space, and a small gym.

Pagpasok ko sa nakatalagang silid ko ay namangha agad ako. Malawak, malinis at kumpleto nga sa gamit. A spacious desk, with built in devices and supplies. I'm not an architect pero naroon ang mga bagay na marahil ay nandoon para gamitin niya. Tracing papers, rolled bee paper, drawing, measuring and cutting tools that are properly positioned in their meticulous places.

Ang hindi ko matanggap ay kung paano niya nalaman ang size ko. Dahil sa isang cabinet ay may mga bagong damit doon na pambabae, including underwear. Kahit wala siya rito ay pinamulahan ako ng mukha. Siya kaya ang bumili ng mga ito? Kahit iniutos niya ito kung kaninoman, still... The effort, the time and concern na ibinuhos niya sa pagparito ko ay hindi kapani-paniwala. May mga sapatos pa at bags. Lahat ba ng ito ay madadagdag sa mga utang ko kay Tristan?

"Hello..." Tinawagan ko si Julie.

"Lyna! Nasaan ka? Kailangan kong makipagkita kay Owen ngayong gabi."

Napatayo akong bigla. "Ano? Inaayos ko pa ang problema. Huwag kang aalis diyan!"

"Anak, kailangan niya ako. Lasing na lasing na naman siguro iyon sa club..."

"Ipinagbawal na siya na pumunta sa club. Tinanggal na siya roon," saad ko. "Saka bakit mo pa ba siya pupuntahan? Madadawit ka lang sa mga katarantaduhan niya!"

"Lyna, intindihin mo 'ko. Wala ka rito. Hindi rin ako mapapakali ng hindi nalalaman ang kalagayan ni Owen. Sige na. Iiwan kong naka-lock ang pinto. Susubukan kong makabalik sa isang linggo..."

"Sa isang linggo? Hindi ka puwedeng umalis diyan! Baka pinaghahanap din ng mga pulis si Owen. Makinig ka naman!"

"Sa akin ka makinig, Lyna. Kailangan niya ako ngayon. Ako lang ang nakaiintindi sa kanya. Sige na. Tatawagan na lang kita ulit. Aayusin ko pa ang mga gamit ko."

"Hello! Hello!" Ngunit nawala na ng tuluyan sa linya si Julie. Nanggigigil akong naibato ang cellphone sa ibabaw ng kama at saka naihilamos ang kamay sa mukha ko.

Ginagawa ko ang lahat para magkalapit kami. Para ako naman ang unahin niya at hindi ang lalaki niya.

Ilang ulit akong nagmura sa isip. Naiinis ako kay Julie. Naiinis ako dahil hindi ko siya kayang talian.

Sinubukan kong muli siyang tawagan pero cannot be reached na si Julie. Nagmartsa ako palabas ng silid. Wala si Tristan. I need to go home. Kailangan kong pigilin si Julie. Paano kung mapahamak siya habang kasama niya ang Owen na iyon?

I took my handbag and check my wallet. Mabilis kong tinungo ang pintuan. Hawak ko na ang seradura nang mapakislot ako dahil sa isang boses.

"Where do you think you're going, Lyna?"

Napahinto ako at dahan-dahang umikot. Nakatayo sa harapan ko ang tila isang Greek god na nagpupunas ng kanyang basang-basang buhok. Tristan was wearing nothing but a white towel wrapping around his waist downwards. My throat got dry at the scenario.

"I-I'm going out."

"At this late hour?"

"Ah, kuwan..." Umiwas ako ng tingin. Para kasing may nakita akong tumigas na bagay sa loob ng puting tuwalya ni Tristan. "May pupuntahan lang sandali."

Humakbang siya palapit kaya napalunok ako.

"I'm hungry. I want to eat."

"Ano'ng gusto mo? Bibilhan na lang kita." Hawak ko pa rin ang lock ng pinto. Humakbang pa siya kaya lalo kong naamoy ang ginamit niyang sabon na pampaligo pati na ang minty shampoo.

"Ayoko ng pagkain galing sa labas. I want you to cook for me," kaswal niyang sabi.

"Gusto mo 'kong magluto?" But I need to go.

"Yeah. Is there a problem? Don't tell me you don't know how to cook?" Inilagay niya ang isang kamay sa baywang. Napatingin tuloy ako sa guhit na nandoon. Pinagpapawisan ako ng malamig.

"Kaunti. May kaunting alam pero puwedeng bukas na lang? Sir Tristan, please... Babalik din ako agad."

Seryoso niya akong pinagmasdan. Bigla siyang tumalikod at walang sabi-sabing tinanggal ang tuwalyang tanging nakatakip sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko.

But in fairness. Makinis ang dalawang pisngi ng likuran niya. Pero... Ugh! Napayuko na lang ako ng marahas. Dahilan upang mahulog ang salamin sa mga mata na suot ko. Mabuti at nasalo ko agad iyon bago pa tuluyang bumagsak sa carpeted floor.

Pagsuot ko ng salamin ay nakapantalon na si Tristan. Sayang! Nasa harapan ko na siya, isinusuot ang simpleng white shirt while holding his key fob.

"Let's go." Naglakad siya palabas ng pinto ng condo. Muntik pa siyang dumikit sa katawan ko kaya nanigas ako.

"T-Teka... Bakit nagdamit ka? Ay ano pala. Bakit nakabihis ka na? I mean, bakit ka nagbihis?"

Sh*t!

Iba ang dating ng mga tanong ko. Hayan at pilyong nakangisi na siya. Ugh, Lynaaa!

"Why? You don't want me wearing anything?"

"Ha? H-Hindi. Hindi ganoon." Panay ang iling ko.

Tristan grabbed my pulse. "Halika ka na sa pupuntahan mo. Sasama ako."

"T-Tristan, sandali..."

Nakita kong nakangisi pa rin siya nang pasakay na kami ng elevator.

"I like how you call me," sabi niya. Hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko. Pinindot ang patungong basement parking.

"Uh, Sir Tristan..." Puwedeng pakibitiwan ang kamay ko? Iyon sana ang itatanong ko kaso panay naman ang iling ng ulo niya na parang nawawalan ng pasensiya.

"Tayong dalawa na lang, Lyna..."

"H-Ha?" Napakabilis ng pintig ng puso ko ngayon. Tristan is asking me? She wants me for him? Gusto niyang kami na? Kaming dalawa na? Nananaginip ba 'ko?

"A-Ano ulit iyon, Sir Tristan?"

He let out a deep sigh. "Ang sabi ko, tayong dalawa na lang dito. Huwag mo na 'kong i-sir, Lyna."

Napatanga ako. Para akong nagising mula sa napakagandang panaginip. Sana hindi na lang ako nagising.

"Ahh... O-Okay..." nawala sa sariling sabi ko.

Ngumisi na naman siya. Lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Ang higpit pa ng hawak niya sa kamay ko.

Sumakay kami sa kotse niya. He's the driver and I sat beside him. Katulad kanina, pinagbuksan niya ako ng sasakyan.

"Lead the way," he said. Binuhay niya ang makina.

Sana ay hindi na matapos ang gabing ito.

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon