IT WAS early afternoon when Tristan's friends came by his condo. Nagmukhang napakaliit ng lugar sa kanilang apat na magkakaibigan. Pulos sila matatangkad, walang itulak-kabigin pagdating sa pangangatawan at higit sa lahat, all of them were gloriously handsome.
They asked him to went out someplace —although hindi ko alam kung saan— and have some fun. Ngunit hindi pumayag si Tristan.
"I just arrive, Tris. You might at least welcome me and celebrate with me."
"You're not celebrating. You're mourning River. I told you to move on. Huwag mo nang balikan ang anak ni Professor Pulumbarit. Masasaktan ka lang kagaya ng ginawa sa 'yo ni Amy," Tristan said. Nagbuhos siya ng whiskey sa baso niya. "You were both used by two women."
"Shut up," River muttered.
"F you Tris. Don't mention those two girls to River here. Baka sapakin ka nito," sabi ni Hero. Binuhusan niya ang baso ng tinawag na River. Hinagod pa niya ang buhok. Singtakad marahil siya ni Tristan. He's wearing a slim white shirt partnered with tight jeans, and all his bodily muscles were very visible. Kaya nanatili akong nakayuko lamang dito at naghihintay ng utos ni Tristan. They are overwhelming to look at.
"And what about you? Ano'ng gagawin mo rito? Are you done playing?" sunod niyang tanong kay Tristan.
Napansin kong sinulyapan ako ni Tristan ngunit nagbawi rin agad. Hindi niya sinagot ang tanong ni Hero. Sa halip ay si Hawk ang nagsalita. Tingin ko, siya ang pinaka-mature mag-isip sa kanila. Seryoso at pangiti-ngiti lang sa mga biro ng mga kaibigan. "I miss Lola Claudia."
"Oh yes. I miss Lola, too," Hero said. "Puntahan kaya natin siya? Three hours ride lang naman iyon."
"Huwag n'yong guluhin si Lola," Tristan said before he looked at me. "Lyna..." Napakislot ako sa kinatatayuan. "Give us some more ice, please."
Tumahimik sila. He hasn't introduced me to them yet kaya lalo akong nahihiya rito. Ngunit nasisiguro kong kabilang sila sa mga estadong nasa itaas. The way they speak, the way they talked about business and politics and of course... women. Pakiramdam ko ay isa akong outcast.
"Sir," sabi ko habang inilalagay sa mesa ang ice tray.
"You haven't introduced us to this lady. Hi, I'm Hero." Naglahad ng kamay si Hero. "Engineer Hero Navarro." Nakangiti siya at pantay-pantay talaga ang mga ngipin niya. Wala akong nagawa kundi makipagkamay din sa kanya habang namamalikmata yata ako dahil sa kaguwapuhan niya. Mabuti na lang at may suot akong salamin sa mata at hindi niya mahahalata na halos hindi na ako kumukurap.
"This is Engineer River Andrada..." pagpapakilala niya sa katabi. Halata kong tahimik lang si River habang nakararami na ng iniinom. He seems preoccupied with something.
"And Engineer Hawk Salazar..."
"Salazar?" Bigla kong nasabi. Naalala ko ang pangalang iyon. Siya kaya ang binanggit ni Tristan na kausap niya noong na-miss namin ang isang napakalaki at napakamahal na transaksiyon? The reason why I'm here serving the Head Architect as his Personal Aide.
Ibubuka ko na sana ang bibig para magtanong kay Hawk nang agawin ni Tristan ang kamay kong hawak ni Hero. "That's enough." His face was flustered. Tumayo siya at kinuha ang jacket na nakasampay sa likod ng couch. "I changed my mind. Let's go to your bar, River." Isinuot niya ang leather jacket habang tila nagtaka naman ang tatlong nanonood lang sa kanya.
"Go to your room, Lyna. We're going out."
Hindi pa rin kami kumikilos. Hindi ko rin maintindihan ngunit nahawa na yata ako sa tatlo niyang guwapong kaibigan na nagtataka na rin. Pulang-pula kasi ang pisngi ni Tristan na tila may nakaaway.
BINABASA MO ANG
My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)
Ficción General𝐑𝟏𝟖 𝙎𝙋𝙂 𝘼𝙇𝙀𝙍𝙏 She's his girl stalker. She watched Tristan Romulo from afar. She dreams of him every night. And a dream isn't real. It will never come true. He kissed her once. He stumbled upon her six years after. Lyna Vergara always pop...