MNGS 32

1.1K 40 2
                                    

MUNTIK pa akong mahulog sa kama nang maalimpungatan ako. Tila may nagpupukpok ng martilyo sa ulo ko sa sobrang sakit.

Ugh! Nasaan ako? Ano'ng oras na? Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari kagabi? Nasaan ang mga damit ko? Bakit naka-bra at panty lang ako?

Pinanlakihan ako ng mga mata. Hinanap ko ang salamin ko sa mga mata. Nang mahagilap ay inulit ko ang huling mga tanong ko. Nasaan ang mga damit ko? Bakit naka-bra at panty lang ako? This is not my room either. This is Tristan's!

Itinalukbong ko sa katawan ang puting kumot. Kumikirot ang ulo ko subalit pinilit ko pa rin ang tumayo. Where is Tristan? Did we do something we shouldn't?

Natataranta akong lumabas ng silid. Agad akong nakita ni Tristan. Naka-boxers lang siya. For goodness sake!

What? Naka-boxers lang siya? Well, he's always like that. This is his condo. Kahit maghubad pa siya riyan.

"Ano'ng nangyari?" kumpronta ko sa kanya.

Tumunog ang kutsara at tinidor nang ilagay niya ang mga iyon sa mesa. "You were drunk."

"Alam ko iyon. Pero ano'ng nangyari?" ulit ko.

Itinuloy lang niya ang kanyang ginagawa. "Nakatulog ka. Ngayon, gising ka na," sarkastiko niyang sagot.

"Walang... walang nangyari?" duda kong tanong.

"Wala," mariin niyang sagot. Nagbuhos siya ng mainit na kape sa dalawang tasa.

I paused for a while thinking and recalling what happened last night. Hindi pa ako nalasing —more so nag-pass out— ng dahil sa alak. Hindi naman kasi ako umiinom.

"Pero bakit?" anas ko.

"Ano'ng bakit?" Naglagay siya ng tig-dalawang tinostang tinapay sa dalawang plato.

"Bakit naka— bra at panty lang ako? Sinong... sinong naghubad sa 'kin?" Yumuko ako. Ang init ng mga pisngi ko.

"May iba pa bang tao rito kung hindi tayong dalawa lang?"

"I-Ikaw?"

"Ako."

Lalo akong napayuko sa kahihiyan. Ano ba? Nasukaan ko ba siya? Sobrang baho ko ba?

"If you think na na-seduce mo 'ko dahil lasing ka—"

"A-Ano?" Napakunot kong tanong. "Sed-Seduce?

"Yes, seduce. You seduced me but you didn't win. So don't worry because nothing happen last night."

Hindi ako nakakibo. Although nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Did you drink the medicine I left on the table?"

"Huh? Ano'ng medicine?"

Huminto siya sa ginagawa. Pinasadahan niya ng tingin ang hitsura ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot niya.

"Go back to my room, get and drink that medicine and then we eat. Do it now, Ms. Secretary," utos niya. His lips formed into thin line.

Hindi ako agad nakakilos.

"Now, Lyna!" madiin niyang utos.

"Y-Yes, Sir!" I hurried back to his room.

Ugh! Naihilamos ko ang mga palad sa mukha ko. I wanted to scold myself. I slept on Tristan's bed last night. Magkatabi kaya kami? If not, saan siya natulog. Uminom ako ng nakalalasing, pero hindi ko naman kaya. Nakakahiya tuloy.

Iyong hubad kong katawan ang nakita ko kanina sa halip na ang inihanda niyang tubig at gamot. Iyong suot na boxers niya ang nakita ko sa halip na iyong inihahanda niyang almusal. Iyong galit at pagdududa ko ang inuna ko sa halip na magpasalamat sa kanya.

Ininom ko ang gamot at saka nagmamadaling bumalik sa dining.

"Nainom ko na," sabi ko.

Nakaupo na siya sa silya pero sumimangot paglapit ko.

Nanghila rin ako ng upuan sa tapat niya. Pero bago ako umupo ay bumukas ang kumot na nakatabing sa katawan ko.

Napamura si Tristan at agad na tumayo upang talikuran ako.

Ako naman, nagtatakbo pabalik sa silid ko hawak ng mahigpit ang kumot. Kumakabog ang dibdib ko na napaupo sa kama. Nilingon ko pa ang pintuan kung naisara ko bang talaga. I was scared Tristan will come over here to do whatever he wants. But I know that would be impossible. He did not do anything last night when I was vulnerable.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ay nabasa ko ang pangalan ni Daria. Napatayo ako sabay napamura! Sinulyapan ko ang kalendaryo na nakasabit sa dingding.

Ugh! Kahapon ang flight niya! Nakalimutan ko. Agad kong sinagot ang tawag.

"Daria! Daria, sorry..." Kasama dapat akong maghahatid sa kanya palipad sa Dubai.

"Hello rin sa 'yo, Lyna." Tumawa siya. Samantalang ako ay sobra ang inis sa sarili dahil nakaligtaan ko iyon. "Tinatawagan kita pero si Architect Tristan ang nakakasagot. Galit pa nga. Busy ka raw..."

Napanganga ako. It was Daria who has been calling me. And Tristan always dropped her calls.

"Nandito na 'ko sa Dubai at hinihintay ang sundo ko. Basta Lyna, kapag ayaw mo na riyan tawagan mo lang ako, ha. Hihintayin kita rito..."

"Daria..." Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Mami-miss kita. Sorry..." Sana nayakap ko man lang siya bago siya nakaalis.

I heard her laughter. "Umiiyak ka ba? Hoy, tumigil ka nga. Tinawagan kita para sabihin sa 'yong nandito na 'ko. Basta may usapan tayo. Kapag ayaw mo na riyan, tawagan mo lang ako. O sige na. Mukhang nandito na ang sundo ko."

Nagpaalam si Daria habang panay ang agos ng luha ko. Nalulungkot ako dahil tuluyan na siyang nakaalis. Pero masaya rin naman ako para sa kanya dahil alam kong pangarap niya ito.

Napatingin ako sa salamin at nakita ang halos hubad kong katawan. Ako? Kailan ko matutupad ang mga pangarap ko?

My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon