DAVE Benjamin. The man who didn't even bother to call me after a year. Sinadya ba niyang taguan ako? At aksidente lamang na makita niya ako ngayon?
Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Dave. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga oras na ito.
His embrace means nothing to me, but prententious way to greet a long time ex-girlfriend.
"Please excuse me..." Tinitigan ko si Dave upang ipaintindi sa kanya na wala na kami at wala na siyang karapatan na yakapin na lamang ako ng basta.
"Kung nandito ka bilang bagong arkitekto, then ask Andrea. She will train and orient you."
Napatanga si Dave dahil sa kaseryosohan ko. Hinarap ko ang mga kasamahan kong hindi ko maintindihan kung bakit tila nagsipag-urong ang mga dila.
"This is the Head Architect's office. Do you have a business here? Back. To work," mariin kong utos sa kanila. Sinulyapan ko si Kai na hindi na yata gumalaw mula pa kanina.
Tristan's cleared his throat. "You heard my Assistant. Ano pa'ng hinihintay n'yo?" Tila silbato ang utos niya na agad nagsipagtakbuhan pabalik sa mga puwesto nila ang lahat...
Maliban kay Dave.
"Mister, you're business is done here," Tristan asserted.
Muli pa akong tinapunan ng nagtatakang tingin ni Dave. Iniba ko ang tingin, inasikaso at kinuha ang mga papeles na for signature ng Head. Dinala ko ang mga iyon sa table ni Tristan.
"The documents are ready, Sir. Pakipirmahan na lang para mabilis kong ma-dessiminate."
Tumango si Tristan at dumiretso sa table niya.
Dave still looking at me said, "Dito lang pala kita makikita, Lyna." He smiled. "I'm glad."
Kumunot ang aking noo. Sobrang naninikip ang dibdib ko. Bumaling siya kay Tristan. "Sir," he said. He slightly bowed his head and walked out of the room.
Pagpinid ng pinto ay agad akong pumunta sa pantry. Sobrang hapdi ng mga mata ko. Hindi ko na natiis ang pag-agos ng mga luha at sobrang hapdi ng aking nararamdaman.
Gusto kong tanungin si Dave kung bakit niya ako iniwan. Alam ko, wala siyang plano na hanapin pa ako. Aksidente lang ang pagkikita namin ngayon. And goodness! Siya ang bagong Arkitekto!
"Lyna, are you crying?"
Nataranta ako at agad na nagpunas ng luha. Nakasunod pala si Tristan.
"Uh... No Sir. H-Hindi lang ako sanay sa contacts na suot ko," pagdadahilan ko.
Lalabas na sana ako nang bigla niyang hawakan ng braso ko. "What did you do to yourself? Why are you wearing like that? What are you up to?"
"Huh?" agtataka akong tumingin sa kanya. He's fuming mad.
"Those men were gawking at you like a porno. And as you can see, one of them even touched you. Who the hell is he hugging you in front of me?" Matitigas ang bawat salitang sinabi niya.
"He's..." Yumuko ako. Aaminin ko ba na dati ko siyang kasintahan? "He's... nothing," I declared.
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko saka siya iniwan. Galit siya dahil what happened —when Dave put me in his arms— is one example of an indecent behavior. Baka iniisip din niyang indecent ang ayos ko? Mas maiikli pa nga at mas labas ang kaluluwa nina Andrea at Kelly. Pati na nina Meg at Vivian. Maging si Daria ay mahilig din magsuot ng maiikling damit. Zahara Perez and that Jamaila even wore spaghetti strap with slit on their dresses. Subalit hindi niya iyon pinansin. Ano'ng problema niya sa suot ko?
BINABASA MO ANG
My Naive Girl Stalker (Published under IMMAC Pub)
Ficción General𝐑𝟏𝟖 𝙎𝙋𝙂 𝘼𝙇𝙀𝙍𝙏 She's his girl stalker. She watched Tristan Romulo from afar. She dreams of him every night. And a dream isn't real. It will never come true. He kissed her once. He stumbled upon her six years after. Lyna Vergara always pop...